PART 165 🎭

419 15 8
                                        

Napapikit ako, ramdam ang kaba at takot na tila sasabog ang puso ko. Narinig ko ang mabilis na yapak ng mga paa, kasabay ng malakas na sigawan ng mga tao sa paligid.

"Stell!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Pablo, puno ng pagkabahala at takot.

Bago pa tuluyang bumagsak ang ilaw, naramdaman ko ang malakas na paghila sa akin. Napadapa kami pareho sa lupa. Yumakap siya sa akin nang mahigpit, halos bumaon ang pagkakahawak niya sa likod ko.

"Are you okay, Mahal?!" Bulong niya, halos nanginginig ang boses. Ang mga mata niya'y puno ng takot at pag-aalala habang hinawakan ang mukha ko, tinitingnan kung may nasaktan sa akin.

Hindi agad ako nakasagot, nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya habang nakayakap siya sa akin, tila ayaw na niya akong bitiwan.

"Pablo..." bulong ko, namumuo ang luha sa mga mata ko.

"Shh... Safe ka na. Hindi ko hahayaan na may mangyari sayo." sagot niya,

Inalalayan niya ako para makatayo, at dahan-dahan akong inupo sa camping chair. Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw ni Pablo.

"Sinong nag-set up ng ilaw?!" Malakas na sigaw ni Pablo, at naramdaman ko ang bigat ng galit sa boses niya. Nagulat ang lahat ng staff sa paligid, at napatigil ang kanilang mga ginagawa.

"Pa-Sir Pablo, okay lang po ako." sabi ko, nanginginig ang boses. Natatakot akong isipin ng mga tao na pinalalaki pa namin ang nangyari, pero alam kong hindi ko mapipigilan ang galit ni Pablo.

"Wala talagang aamin? Isa pa, SINONG NAG-SET UP NG MGA ILAW?!" Sigaw ulit ni Pablo, mas malakas at mas madiin.

Napansin kong nagmamadaling tumakbo si Kuya Yani palapit sa kanya para pigilan siya. Si Junjun naman, lumapit sa akin para kamustahin ako. Kahit anong pigil ni Kuya Yani, ayaw magpaawat ni Pablo.

"Babe, kalma please. Hindi naman nila kasalanan. Baka aksidente lang. Wala namang nasaktan, kaya palampasin mo na." malumanay na sabi ni Glee, sabay hawak sa braso ni Pablo, pilit itong inaalo.

"Glee, please, huwag ka na sumabay," madiin na sabi ni Pablo, tumingin nang seryoso kay Glee, sabay hawi ng mga kamay nito. "I can't tolerate this. Kargo ko si Stell dito, at hindi pwedeng ganito na lang iyon."

Hinawakan ko ang kamay ni Pablo at pinisil iyon nang mahigpit. Ramdam ko ang init ng galit niya, pero naramdaman ko rin ang bahagyang pagkalma niya nang marinig ang malalim na buntong-hininga niya. Lumuhod siya sa harap ko, tinignan ako nang mabuti, hinahaplos ang mga braso ko para siguraduhing wala akong sugat.

"Okay ka lang ba talaga, Mahal?" tanong niya, halos pabulong, pero puno ng pag-aalala.

"Okay lang ako, promise." sagot ko, pilit na ngumiti para pakalmahin siya.

Habang sinisigurado niya ang kondisyon ko, lumapit ang dalawang lalaki mula sa staff. Kita sa kanilang mukha ang takot at kaba.

"Pasensya na po, Sir Pablo. Hindi po namin napansin na malambot ang lupa kaya dumulas ang ilaw. Pasensya na po talaga." sabi ng isa, halos hindi makatingin kay Pablo.

Tatayo na sana si Pablo para magsalita, pero inunahan ko na siya. Alam kong kailangan nang matapos ang eksenang ito. Medyo nahihiya na rin ako sa lahat ng tao, at gusto ko na lang talagang bumalik sa hotel.

"Hayaan niyo na po. Aksidente lang naman po iyon. Sige na po, mag-pack up na tayo. Pasensya na po ulit." mahinahon kong sabi, sabay ngiti sa staff.

Tinitigan ako ni Pablo, halatang hindi pa rin siya kampante, pero tinugunan ko iyon ng mahina at mahinahong ngiti. Wala siyang nagawa kundi bumuntong-hininga. Si Junjun naman, umakbay sa mga staff para dalhin sila palayo sa amin.

--

Hotel Room..

Pagkatapos ng lahat, hindi na ako sumama sa dinner. Mas gusto ko nang magpahinga, at nahihiya rin ako sa mga staff na kasama namin kanina. Sinabihan ko si Pablo na pumunta sa dinner party kahit ayaw niyang iwan ako. Sabi ko, mas magtatampo ako kapag hindi siya pumunta.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Akala ko si Pablo iyon, pero si Kuya Yani pala. May dalang pagkain para sa akin.

"Salamat po, Kuya Yani." sabi ko, bahagyang ngumiti.

"Stell..." mahinahon niyang sagot bago siya umupo sa tabi ko. Bigla akong kinabahan. Parang may seryosong sasabihin siya.

"Po?" tanong ko, pilit na pinapanatili ang kalmado kong boses.

"Hmmm... May sasabihin ako sayo." simula niya, at ramdam ko ang bigat ng bawat salita niya.

"A-ano po iyon?" tanong ko, kinakabahan.

"Alam mo bang si Pablo ang nagpapasweldo sayo?" tanong niya, deretso at madiin.

"Po??" gulat kong sagot, hindi makapaniwala.

"Oo, simula nang magkaroon kayo ng issue, hindi na ang kumpanya ang nagpapasweldo sayo. Pero tungkol sa school expenses at condo mo, iyon ay company-covered pa rin. Stell, please, huwag mong sasabihin kay Pablo na sinabi ko ito. Pero kasi... diba kayo na ni Pablo? What if maiwan ka na lang sa condo niyo?"

"Bakit po?" tanong ko, naguguluhan.

"Para maiwasan ang ganitong mga eksena. Alam mo na, para wala nang issue. Besides, mas pabor ito para sa inyo, diba? Para hindi na mag-isip ng iba ang mga tao."

Napabuntong-hininga si Kuya Yani habang tinititigan ako. Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin.

"No, never mind. Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ko. Sige na, kain ka na. Lalabas muna ako, hindi pa tapos ang dinner party." sabi niya, tumayo at lumabas ng kwarto.

Naiwan akong tulala. Hindi pa rin nag-si-sink in sa akin ang sinabi niya. Si Pablo pala ang nagpapasweldo sa akin. Pero tama si Kuya Yani-kung sa condo lang ako, makakaiwas si Pablo sa issue. May naipon naman ako, at wala na rin akong binabayarang tuition. Pero ano ba talaga ang dapat kong gawin?

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon