PART 10 🎭

554 17 3
                                        

Stell's POV:

Thursday ngayon, niready ko nadin lahat ng mga gamit ko. Buti nalang walang pasok si justin dahil study break daw nila, kaya kasama ko siya ngayon dito sa condo niya.

"Nalulungkot naman ako, alam kong busy ako sa pag aaral kaya hindi ako masyadong nag sleep dito. Pero yung feeling na lilipat kana parang kumikirot puso ko." malungkot nitong sabi habang tinutulungan akong mag tupi ng mga damit ko.

"Baliw, pwede naman ako makisleep over kapag di ako busy tapos di ka din busy. Saka hello, nasa pinas lang naman ako, kung maka drama akala mo mag aabroad." parehas kaming natawa.

"Pero stell, if you need help alam mo namang one call away lang ako." pag aalalang sabi nito.

"I know, ikaw nga si justin diba? My future doctor, my ever-loving supportive friend. Kaya don't worry about me. Ako kaya si Stell, sobrang sisiw na sakin to, sa dami kong pinag daanan simula bata ako, parang feeling ko nga nakalimutan ko na kung paano umanggal sa pag subok ng langit at lupa sakin."

"Oo nga pala, ikaw si Stell." napangiti pa ito ng napaka laki.

"Wait, pinapaabot pala ni mommy sayo." iniabot sakin ni Justin ang isang puting envelop inopen ko ito at nagulat akong may laman itong pera.

"Huy ano to.." pag tataka kong tanong.

"Pabaon sayo ni mommy, siya sana mag aabot kaso busy sa company." hindi ko napigilang maluha. Sobrang bait talaga ng pamilya sakin ni justin. Sila na kasi ang tumayong pamilya ko. Sila din ang nag paaral sakin, kaya nga nahihiya na ako, nag offer naman sila na sila na ang mag paaral sakin pero ayokong maging abuso. Kaya ko naman gawan ng paraan kaya sa susunod ako susukliaan ko naman lahat ng pagmamahal at mga bagay na binigay nila.

"Alam ko yang iniisip mo, hindi ko tatanggapin yan kung ibabalik mo lang. Knowing mommy, mas favorite ka pa nga nun kaysa sakin. Kaya kung ako sayo tanggapin mo na at mag thank you ka nalang." pairap pa nitong sabi. Kaya natawa naman ako, kasi alam kong nag bibiro lang ito sa pag irap sakin.

wala na akong nagawa kundi tanggapin ang pera na bigay saakin, idadagdag ko nalang sa savings ko ito, or pangbibili ko nadin ng mga kailangan ko sa pag lipat.

Ilang oras din bago namin matapos ang lahat, isa isa na naming binaba ang mga maletang dala ko para mailagay sa likod ng sasakyan ni justin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang oras din bago namin matapos ang lahat, isa isa na naming binaba ang mga maletang dala ko para mailagay sa likod ng sasakyan ni justin.

"Lakas maka OFW ah~"

"Naman, maghahanap ako ng afam dun para.."

"Isa nanamang pinoy ang nakaahon sa hirap." sabay naming sabi at saka tumawa.

Pagkadating namin sa building, tinulungan akong ibaba ni justin ang mga dala dala ko, at nag paalam nadin.

"Next time na ako dalaw sa unit mo, nag chat prof ko eh may need daw i submit tonight huhu love you~ ." pag papaalam nito, bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

Napaka ganda ng building na ito, alam mong mayayaman ang mga nakatira dito. Naglakad ako tulaktulak ang dalawang malaking maletang dala ko papunta sa front desk para ipakita ang i.d ko pati nadin ang letter galing kay kuya yani. Agad naman akong pinapasok.

Pagka sakay ko sa loob ng elevator, medyo nahihirapan pa akong itulak ang maleta ko sobrang bigat kasi. Sasara na sana ang pinto ng biglang may pumasok na lalaki.

"Going up po?" tanong ko dito, kasi nasa tabi ako ng mga pindutan.

"Yeeh~ 26th floor." abay parehas pa pala kami.

Habang nasaloob ng elevator, i can hear him beside me. Para bang nag riritwat, nag sasalita pero hindi ko maintindihan. Sobrang weird, idagdag mo pa yung outfit niyang akala mo nakatira sa alaska! Balot na balot kuya?

 Sobrang weird, idagdag mo pa yung outfit niyang akala mo nakatira sa alaska! Balot na balot kuya?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makarating na kami sa 26th floor nagmamadali itong lumabas. Hindi manlang ako tinulungan, grabi naman napaka gentleman.

Hirap na hirap kong pinagulong yung maleta ko, at nag simula ng maglakad para makapunta sa unit ko.

"pfff~ bilis naman nawala nun, daig pa si the flash." hindi ko na maaninag yung lalaking nakasabay ko kanina sa elevator. Napaisip tuloy ako kung tao ba yun o multo? Naka all black kasi, malay ko bang grim reaper yun tas may sinusundo na pala sa 26th floor. Kinilabutan tuloy ako.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon