Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Stell's Phone
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pablo's POV
Ding dong..
Ding dong..
Ding dong..
"Accchh, istobrbo! Balak niya bang sirain yung doorbell?" Reklamo ni Pablo, dahil sa paulit ulit na pag ring ng doorbell. Napabangon din naman ang katabi nito.
"Hmm.. Sino ba yon blue?" Barag na boses na tanong nito, halatang kakagising lang.
"Ewan ko ba, wala naman akong inaasahang bisita. Kanina pa doorbell ng doorbell."
"Osige, ako na lalabas."
"Hindi na ako na Stell, mahiga ka muna jan." Hinalikan pa nito ang noo ng kasintahan.
"Hmmm..."
Ding dong..
Ding dong..
Ding dong..
"Tangina sino bang tanga nag dodoorbell ng ganitong oras, malaman ko lang talaga kung sinong gago to. Baka masapak ko ng wala sa oras. Hindi pa namin nababawi ni Stell yung pagod, tapos may gana pang mang istorbo." Sabi nito sa isip.
Hindi ko na chineck yung intercom, sa sobrang inis binuksan ko na kaagad ang pinto.
"Ano bang proble-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magulat ako sa taong kaharap ko.
"Kuya Yani, bakit ka nandito? May problema ba?" Hindi niya sinagot ang mga tanong ko, bahagya niya akong tinulak para makapasok sa loob ng condo. Bago maupo sa sofa, at bumuntong hininga.
Agad ko din namang sinara ang pinto, at sumunod sa kanya. Ano bang problema at bakit nandito si Kuya yani.
"Kuya yani.. Baki-"
"Pablo totoo bang kayo ni Stell?!" Pasigaw na tanong ni Kuya yani, na nag patigil sa sasabihin ko.
Nagulat ako sa tanong niya, para akong napako sa kinatatayuan ko.