Stell's POV
Kinabukasan, nagulat ako nang maramdaman ang bahagyang tapik ni Pablo sa balikat ko. Sa sala pala ako nakatulog kagabi. Hindi ko napansin, siguro napagod na lang din ako sa kakaiyak.
"Mahal, bakit nandito ka sa labas? Hindi ka tumabi sa akin natulog?" tanong niya na may halong tampo sa boses. Napangiti ako ng bahagya kahit ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko.
"Lumabas lang ako kaninang madaling araw, ayoko kasing maistorbo ka sa pagre-review ko." sagot ko, kasabay ng pag-iwas ng tingin. Alam kong kasinungalingan iyon, pero ayoko ng sabihin sa kanya ang totoong dahilan.
"Mahal, gutom na ako." lambing niya sabay ngiti. Tumango na lang ako at tumayo, pilit binubura ang kirot na nararamdaman.
"Anong gusto mo?" tanong ko habang papunta sa kusina.
"Hmmm, my favorite sinigang, na luto ng Mahal ko, please." sagot niya nang malambing, pero tila pinukpok ng maso ang dibdib ko sa narinig. Napahinto ako sandali at napalunok ng laway.
"Sorry, Mahal, walang ingredients pang sinigang. Bababa na lang muna ako sa grocery para bumili." sabi ko, nagmamadaling tumalikod.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Kahit ano na lang na meron sa ref, okay na yun. Ayoko nang pagurin ka pa." aniya. Sa huli, nagluto ako ng nilaga. Gusto ko kasi ng mainit na sabaw para sa hangover niya. Habang abala sa kusina, iniisip ko kung paano niya laging napapatahan ang puso ko sa simpleng ngiti at lambing niya, marupok talaga ako pag dating sa kanya.
--
Habang kumakain, napansin kong tahimik si Pablo. Maya't maya tumitingin siya sa akin, parang may gustong sabihin.
"Mahal, wala akong work ngayon. May gusto ka bang puntahan?" tanong niya, puno ng kasiyahan sa boses.
Umiling lang ako. Wala kasi talaga akong mood ngayon.
"Okay, dito na lang tayo sa bahay. Cuddle tayo." sagot niya, nakangiti. Pero kahit sinuklian ko siya ng tipid na ngiti, alam kong naramdaman niya ang lamig sa ngiti na iyon.
"Ano ba yan, Mahal? Bakit parang hindi ka masaya? Saka kanina mo pa nilalaro yang pagkain mo. Hindi mo naman kinakain." aniya na parang batang nagtatampo. Napilitan akong ayusin ang upo ko.
"Ah, sorry..." mahinang sagot ko.
Napabuntong-hininga siya bago tumayo. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Mahal, dahil ba sa balita na magkasama kami ni Glee? I'm sorry. Hindi ko nasabi sayo, biglaan kasi, saka birthday ng daddy niya, naiwan lang kami sa resto na dalawa. Please, huwag ka nang magselos. Diba sabi ko naman sayo, ikaw lang ang mahal ko?" Sinundan niya yon ng banayad na halik sa noo ko.
Ngumiti ako, pilit kong pinapakalma ang sarili. "Naiintindihan ko naman." sagot ko. Sa loob-loob ko, sana maniwala na lang ako sa mga salitang iyon, pero bakit parang ang hirap?
Sa buong araw na iyon, unti-unting nabawasan ang bagabag ko dahil sa pangungulit ni Pablo. Napaisip ako, siguro nga tama si Justin, kailangan kong magtiwala. Masyado na yata akong nagiging emosyonal. Pansin ko din lately, parang palala ng palala ang mood swings ko.
--
Sa mga sumunod na araw, bumalik na kami sa dati. Mas madalas na siyang mag-update sa akin, at kapag kinakailangan niyang maging sweet kay Glee para sa trabaho, sinasabi na niya agad iyon sa akin.
Pero kahit anong pilit kong alisin ang kaba at lungkot, parang unti-unting bumabalik ang mga sintomas ng dati kong sakit. Madalas akong nahihilo at nasusuka. Pilit kong iniisip na baka dahil lang ito sa pagiging stress ko o kakaisip ng nakaraang araw. Kahit masama talaga ang pakiramdam ko, ayoko parin sabihin kay Pablo. Ayoko siyang mag-alala.
--
Isang gabi, habang hinihintay ko ang tawag niya, hindi ko na makontrol ang pag hikab ko, dahil inaantok na talaga ako, madalas na din akong antukin, kahit wala naman akong ginagawa dito sa condo, kaya dinial ko na ang number niya. Baka kasi makatulugan ko pa. Nang may sumagot, nanlamig ang katawan ko.
"Hi, Kuya Stell! I'm sorry, kuya Pablo is so drunk. Haha, oops, me too..." Si Glee ang nasa kabilang linya.
Tumigil ang mundo ko at nabitawan ko ang telepono. Magkasama sila? Sa parehong kwarto? Paulit ulit na tanong sa isip ko, parang nag balik nanaman tuloy lahat ng pag ooverthink ko, na pilit ko ng binura.
"Helloooo, Kuya Stell? Are you there?" maririnig ang pang-aasar sa boses niya.
Nanginginig ang mga kamay ko nang kunin ang phone. "Yes, Baby Glee.." sagot ko, halos hindi ko makilala ang sarili kong boses.
"Okay, don't worry about Babe. He's okay because he's with me. So just sleep and don't disturb us. Bye!" Saka niya ibinaba ang tawag.
Parang hinatak ako ng lupa. Babe...
Ang bigat ng dibdib ko, at parang hindi ako makahinga. Pilit kong iniintindi, pero bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana? Naulit na naman, hindi na naman sinabi sa akin ni Pablo.
Biglang umikot ang sikmura ko, kaya napa takbo ako sa banyo. Napaupo ako sa toilet bowl, at parang naisuka ko lahat ng kinain ko. Hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak. Kinakain na naman ako ng lungkot, selos, pag ooverthink, lalo na't wala ngayon si Pablo dahil magkasama sila ni Glee.
Tumayo ako, pabalik sa kwarto, habang umiikot pa rin ang paningin ko. Narinig kong nag-ring ang phone ko. Para akong nabibingi sa bawat tunog nito. Dahan-dahan akong lumapit, at bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang. Paano kung si Pablo? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Iintindihin ko na naman ba, o ilalabas ko na lahat ng nararamdaman ko?
Paglapit ko, nabasa ko ang pangalan sa screen. It wasn't Pablo—it was Junjun.
"......" Hindi ako nakapag salita.
"Tey, it's me." sagot niya.
"Jun..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"Hays, sabi ko na nga ba mag-o-overthink ka. Don't mind Glee. Napansin kong kinuha niya phone ni Pablo kanina, kaya sinundan ko. Lahat kami napainom kasi ang ganda ng ratings ng show. Si Pablo, kasama na ni Kuya Yani. Naunang nalasing. Kaya huwag ka mag-alala. Kung ano mang sinabi ni Glee, wag mo na intindihin."
Nakahinga ako ng kaunti, pero hindi pa rin mapigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. "Thank you, Junjun.." sabi ko, habang pinipigilan ang pag hagulgol.
"Tey... If you need help, just let me know, okay? Hindi ko alam kung anong balak ni Glee, pero basta... Nandito lang ako para sayo...." Natigilan siya saglit "Bilang kababata mo."
"Okay, Junjun. Salamat ulit. Matutulog na ako.. Nanghihinang sagot ko.
"Goodnight, Tey." sabi niya bago ibaba ang tawag.
--
Kinabukasan, maagang tumawag si Pablo, puno ng lambing at pag-aalala. "Mahal, sorry, ha? Nalasing ako kagabi. Nakita ko sa call history, Natulugan yata kita."
"Okay lang.." sagot ko, pilit na ngumingiti kahit hindi niya ako nakikita. Hindi ko na sinabi ang ginawa ni Glee. Ayoko nang dagdagan pa ang alalahanin niya. Intindihin ko na lang. Ganun naman talaga kapag mahal mo, iintindihin mo. Mahal ko si Pablo, pero bakit parang may bahagi sa akin na unti-unting nawawala?
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)