Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PABLO'S POV
Nakangiti akong nag lakad papuntang walk in closet ko, to grab few clothes specially undies and boxers. Kumuha nadin ako ng ibang essentials para hindi hassle bago ko ilagay sa small travel bag ko since 2 days lang naman tong break ko from work.
Wala si Stell sa unit ko, nasa unit niya para mag review. Well hindi niya pa alam na pinayagan ako ni Kuya Yani, kaya isusurprise ko siya mamaya.
Nang ma packed ko na lahat, kinuha ko na ang bag ko, tapos dumaretsyo na ako sa unit ni Stell. Alam ko naman na password kaya pumasok na ako, boyfriend privilege. 😌💅🏻
Ibinaba ko muna ang bag ko sa sofa, tapos dumaretsyo na ako sa study room ng boyfriend ko, grabe likod palang sobrang pogi na! Napaka broad, ano bang work out routine nito, sarap nalang kumagat sa braso eh, bakit kasi naka sando, nang aakit ba to?
Dahan dahan ako nag lakad para hindi siya maistorbo, hindi rin kasi sarado ang pinto kaya hindi niya siguro ako napansin, saka naka earphones, siguro nakikinig ng lessons.
Nang makalapit na ako kay Stell, niyakap ko ito sabay halik sa pingi, napalingon naman ito medyo nagulat ata.
"Why blue, bored ka?" Tanong nito sakin, bago ipaused ang lesson na pinapanuod, at tanggalin ang earphones sa tenga.
"Hmm, istorbo ba ako?" Malambing kong sagot, bago ipatong ang baba ko sa matigas nitong balikat. Stell ba headlock please 🥵🙏🏻 Joke di mang iistorbo sa pag aaral ng boyfriend.
"I'm almost done, after this punta na ako sa unit mo, pwede naman jan ka muna sa sala wait mo nalang ako."
"Okay, behave ako habang hinihintay ka." Nakangiting tumango ito, kaya hindi ko na inistorbo, hinalikan ko muna ito sa ulo bago maglakad papalabas ng kwarto.
Imbis na sa sala ako mag hintay, mas pinili ko nalang na sa kwarto niya, pag bukas ko bumungad agad yung amoy ng pabango ni Stell, very manly ito na may onting sweetness, bagay na bagay talaga sa kanya. Nahiga ako sa kama, at niyakap ang unan nito, medyo faint yung amoy ni Stell dito, madalas kasi sa kwarto ko siya natutulog, pero kapag need namin ng solo time, or kapag busy ako to create music tapos ayaw niya mang istorbo dito siya natutulog. Inilabas ko ang phone ko para mag scroll sa socmed, pero sempre nag DND (Do not disturb) muna ako, para hindi nila ako maistorbo sa dalawang araw na bakasyon ko.