PART 162 🎭

701 15 14
                                        

STELL'S POV

"Mahal, gising na." Narinig ko ang mahinang boses ni Pablo kasabay ng marahang tapik niya sa braso ko. Ramdam ko rin ang init ng hininga niya sa tenga ko habang binubulong niya ang mga salitang iyon.

"Hmm... Morning, mahal," bati ko habang iminulat ang mabigat kong mga mata. "Ackk!" Napaungot ako nang maramdaman ang kirot sa likod at ulo ko. Biglang bumalik sa akin ang alaala ng nangyari kagabi-hindi lang isang beses kundi paulit-ulit ang bengbang namin ni Pablo.

"Sorry, mahal. Dito ba masakit?" nag-aalalang tanong niya, ang mga mata niya punong-puno ng pag-aalala habang hinahaplos niya ang likuran ko. Tumango lang ako at napapikit habang marahan niyang minasahe ang likod ko. Parang lahat ng galit na tensyon sa katawan ko ay nawawala sa bawat hagod ng kamay niya.

"Okay na, mahal. Maghihilamos na ako para makapagluto ng breakfast natin," sabi ko habang pilit na bumabangon. "Alam mo namang sinabihan ko si Nanay Imelda kagabi na huwag na tayong lutuan para masulit nila ni Tatay ang date nila ngayon, kaya kailangan ko ng bumangon."

"No need na, mahal. Nagluto na ako." Proud na sabi niya, halatang gusto akong pasayahin.

"Teka, ikaw nagluto? Seryoso ka ba? Sigurado ka bang hindi mo naiwan yung stove na nakasindi?" Napatingin ako sa kanya, medyo nag-aalala. Sa pagmamadali kong bumangon, biglang bumalik ang sakit sa katawan ko. "Ackk!" Inda ko, masakit talaga.

"Mahal, relax lang.  Walang tiwala sa akin, oh." May bahagyang tampo sa boses niya. "Diba pinaglulutuan na kita? Matagal-tagal nga lang nung huli, pero okay naman eh."

Napatingin ako sa kanya, pilit na pinipigilan ang tawa. "Okay, sige na. Maghihilamos muna ako, mahal."

"Teka, alalayan na kita." Hinawakan niya ang braso ko at sinamahan ako papunta sa banyo. Pagdating doon, siya na ang nagbukas ng gripo, inabot ang tuwalya, at kinuha pa ang toothbrush ko para lagyan ng toothpaste. Napabuntong-hininga ako habang napapangiti.

"Bakit ganito? Na-guilty ka ba kagabi kaya ganito ka ngayon?" pabiro kong tanong habang nag sisipilyo.

"Hindi ah, hindi ba pwedeng, maalaga lang talaga ako? Teka nga, ako na kaya mag-toothbrush sayo?" Sagot niya na may halong landi sa tono.

"Ay sobra na yan! Labas ka na, baka sa pag ihi ko, ikaw pa mag pagpag para sa akin!" Tumatawa kong itinulak siya palabas ng banyo. Clingy talaga ang boyfriend ko, lalo na kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

--

Paglabas ko, agad niya ulit hinawakan ang kamay ko. "Breakfast in bed para sa wifey ko." sabi niya, nakangiti habang tinuturo ang tray na nakalapag sa kama.

"Wow, thank you! My slave." pabiro kong sabi. Pero agad na kumunot ang noo niya.

"Bakit slave?" Naka-nguso pa siya, parang nagtatampo.

"Okay, okay. Thank you, my hot, sexy, yummy slave!" sagot ko sabay halakhak. Pero parang hindi siya natuwa. Agad akong bumawi, baka magtampo pa. Hirap pa naman siyang suyuin kapag nagtatampo, lalo pa't masakit pa yung bumbum ko.

"Seryoso na, mahal. Huwag ka na magtampo. Thank you, pogi na pwede nang asawahin." Lumapit ako sa kanya, niyakap siya, at hinalikan sa labi. "My future husband. I love you, Pablo."

Biglang lumiwanag ang mukha niya, at sobrang lapad ng ngiti niya.

"Yie~ kilig yern?" Tukso ko sabay kurot sa tagiliran niya.

"Mahal naman, ihh." Pag mumuryot niya, kaya lalo akong natawa.

"Haha! Let's eat na. Baka lumamig pa ang niluto mo." sabi ko. Tumango siya, at dahan-dahan kaming naupo sa kama para hindi matapon ang mainit na kape. Kinuha ko ang sandwich sa tray at kumagat. May nalasahan ako-parang may kakaiba.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon