"Hello po, nandito na po ako sa baba. Ano pong room number niyo?" sabi ng grab driver sa other line. Hindi ko kasi pinapadaretsyo sa unit ko for my safety nadin. Kaya kapag umoorder ako sa sa delivery app ibang name ang gamit ko, plus naka full cover ako para hindi nila ako mamukaan. Naranasan ko na kasi before sa old unit ko mapadalhan ng kung ano ano ng mga bashers, kaya simula nun doble ingat na ako.
"Baba nalang po ako, wait niyo nalang jan sa entrance." agad din naman akong bumaba para makuha ang order ko, medyo naumay na kasi ako sa noodles, kaya nag crave ako ng pizza kaya naman excited na ako para kuhanin to.
Lumabas ako at nag punta sa gilid, nakita ko naman ang grab driver. Nag bayad na ako at kinuha ang order ko. Papasok na sana ako sa loob ng building ng mapansin ko ang P.A ko may daladalang bag.
"Saan pupunta yun?" pag tataka kong tanong, halata pa kasi sa muka nito na hindi pa siya okay. Kaya medyo lumapit ako para masilip ko kung saan pupunta at bakit may daladalang bag.
"Stell, okay ka lang ba? Akin na yang bag mo. Dapat kasi sinundo na kita sa unit mo." Sabi ng lalaking maputi at mas matangkad sa P.A ko.
"Sabi ko naman kasi sayo, okay lang ako, bakit ba kailangan mo pang mag worry sakin." sabi ng P.A ko na may pagmumuryot.
"You know how much i love you stell, alam mong ayokong nag kakasakit ka ng wala ako." Sino ba tong lalaking to? Bakit humayakap pa sa P.A ko?
"I'm stronger now, hindi mo na kailangan mag alala, saka matagal na yun."
"No you're not! Hindi ko na hahayaang maulit pa iyon. Kaya pumasok ka na sa sasakyan." medyo nag taas na ng boses ang lalaking kasama niya. Sino ba to? Bakit masyadong possessive?
"Haist~ okay." wala ng nagawa tong P.A ko, pumasok na ito ng sasakyan. Inalalayan naman siya nung matangkad na maputing lalaki. Kung ayaw niyang sumama pwede naman siyang umayaw. Baka gusto din. *annoyed
"May boyfriend na pala siya, tapos nakikipag kita pa siya sa pamangkin ni manay?" bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam bigla akong nakaramdam ng inis.
Nang nakita kong umandar na ang sasakyan nila, nag lakad nadin ako para makapasok na sa building.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pablo's POV:
three days ng hindi pumapasok P.A ko, ang sabi lang sakin ni kuya yani nag sick leave daw. Ganun ba ka grabe sakit niya para mag leave ng tatlong araw? Baka naman nag vacation leave with boyfriend. *Annoyed
"Ano bang problema mo? Hindi pa nag sisimula work mo badtrip ka na agad jan." sabini kuya yani, siya kasi muna ang naging P.A ko since wala nga dito yung stell na yun. Oo, alam ko na pangalan niya bukang bibig kasi ng mga makeup artist at stylish ko. Kesyo na mimiss na daw nila, anong nakaka miss dun? Duh~ *Annoyed