PART 132 🎭

498 16 1
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Timeskip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Timeskip..

STELL'S POV

Napilit ko pala si Pablo, kaya heto kami ngayon kakarating lang sa private rest house nila Glee. Pumasok na kami sa loob, at itinuro nadin samin ang magiging kwarto naming dalawa. Isa kasi ito sa condition ni Pablo kay Glee para pumayag siyang sumama kami, at hindi naman naging problema para kay Glee iyon.

Pag pasok namin sa kwarto, grabe naspeechless talaga ako nang makita ko ang view sa beranda, tanaw kasi ang mga bundok, mas mataas kasi ang kinatatayuan ng rest house, kaya kitang kita din ang ganda ng langit, for sure maganda dito kapag sunrise at sunset.

"Buti pala, sumama tayo kay Glee, ganda ng ngiti mo Teal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Buti pala, sumama tayo kay Glee, ganda ng ngiti mo Teal." Sabi ni Pablo, bago yumakap sa likod ko. "Gusto mo bang bumili ako ng lupa dito, tapos patayuan natin ng bahay?" Sabay halik sa leeg ko.

"Ikaw talaga Blue, saka na kapag stable ka na at pwede ka ng mag retire, para dito na tayo titirang dalawa." Natawa kong sabi, cute naman kasi ng Pablo ko, nagandahan lang ako gusto kaagad bilhin.

"Bukas na bukas din, aalis na ako sa trabaho ko." Seryosong sabi nito.

"Baliw, malalagot nanaman ako kay kuya Yani niyan." Mas lalo akong natawa kay Pablo, akala mo naman kasi ganun lang kadali, takot ko nalang kay kuya yani at big boss.

"Hayaan mo si Kuya Yani, akong bahala dun." Sabi nito bago higpitan ang pag kakayakap sakin, nakiliti naman ako kaya mas lalo nanaman lumakas ang pagtawa ko.

Knock

knock

"Hala sorry, inopen ko kaagad yung door." Gulat na sabi ni Glee, siguro na corrupt utak sa itsura naming dalawa ni Pablo ngayon, hahalikan na kasi sana ako ni Pablo, buti naitulak ko agad ito. Kahit alam kong alam ni Glee na kami, pero sempre nahihiya naman ako na isipin niyang may gagawin kami dito sa rest house nila diba?

"Haha, It's okay baby Glee." Pilit na tawang sabi ko.

"Next time kasi hintayin mong pagbuksan ka namin ng pinto bago ka pumasok." Matigas na sabi ni Pablo habang naka tingin ng masama kay Glee, siniko ko naman ito, kaya umayos.

"Sorry po, kakain na kasi tayo." Glee smiled.

"Okay sige bababa na kami baby Glee." Tumango naman si Glee bago isara ang pinto.

"Blue ano nanaman yon?"

"Ayan nanaman sa blue, samantalang si Glee, baby..." Pablo murmured.

"Mahal..." Malambing na sabi ko.

"Istorbo kasi eh." Matigas na sagot nito.

"Mahal naman, siya po nag invite satin dito diba? Please naman po ikalma mo yang pagiging ate chona mo, para ma enjoy natin tong bakasyon natin."

"Okay sorry mahal." Kalmado na nitong sabi.

"Tara na sa baba kain na tayo?" Inilahad ko ang kamay ko, inabot naman niya ito, kaya magkahawak kamay kaming bumaba papuntang dining table.

After namin mag hapunan, nag aya si Glee na mag swimming kaya nag bihis na kaming tatlo. Nauna kami ni Pablo sa pool area, malamig ang hangin pero buti nalang may heater ang pool kaya hindi ganun ka ginaw habang naka babad kami sa pool.

Nang nasa pool na kami, lumangoy ako sa pinaka dulo, para pag masdan ang sunset, sobrang ganda talaga dito. Nagulat naman ako nang may yumakap sakin, sumunod pala si Pablo sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito, napangiti tuloy ako. Sana araw araw nalang kaming ganito, yung hindi kami nag aalala sa mga taong kasama namin at pwede kaming mag yakapan ng walang problema.

"I love you Teal."

"I love you too Blue." Humarap ako para yakapin siya.

Ilang minuto din kaming nanatili sa pwesto namin habang yakap yakap ang isa't isa, bago ako kumalas ng makitang pababa na ng hagdan si Glee. Hiya kasi talaga ako kay Glee, siya kasi nag invite samin dito, ayokong maging kampante, baka mamaya naiilang na pala siya sa pagiging PDA naming mag jowa.

"Bakit Teal?" Gulat na sabi ni Pablo, nag taka ata bakit bigla ko siyang naitulak.

"Nandiyan na si Glee." Bulong ko.

"Ano naman?" Iritang sabi nito.

"Mahal naman, ayoko naman iparanas sa kanya na third wheel siya sa ating dalawa."

"Problema niya na iyon, sa totoo lang pwede naman tayong lumabas na dalawa lang tayo. Pasalamat nga siya pumayag pa ako na sumama tayo."

Minsan nagtataka din ako kay Pablo, akala ko kasi close na talaga sila ni Glee, pero minsan hindi niya mapigilang mag attitude kapag kasama namin si Glee, ewan ang gulo talaga ng boyfriend ko, minsan kaya i assess ko siya, sayang naman pinag aralan ko, siya pa naman nag babayad ng tuition ko, why not gamitin ko sa kanya, emz~ baka ma offend huhu.

"Ganda dito no? Sabi sa inyo eh mag eenjoy kayo." Nakangiting sabi ni Glee bago sumalampak sa floor para ibabad ang paa nito sa pool.

"Kung hindi ka dumating, mas maeenjoy ko." Sinamaan ko ito ng tingin kaya natahimik ito, buti nalang hindi narinig ni Glee.

"Yup, sobrang ganda dito." Nakangiti kong sabi.

Naka ilang oras din kami sa pool, nag kwentuhan lang kami ni Glee habang si Pablo tahimik lang sa tabi ko habang pinag lalaruan ang kamay ko sa ilalim ng tubig. Hindi lang sa view ako nag eenjoy pati nadin sa mga kwento ni Glee, hindi ko kasi mapigilang matawa, at ganun din siya sa mga kwento ko. Nakwento ko din sa kanya ang mga kaibigan ko, kaya next time daw gusto niya silang isama, wala daw kasi siyang mga kaibigan, kaya naiingit daw siya dahil ang tagal na naming mag kakakilalang lima, lalo na daw kami ni Justin, grabe daw yung treatment namin sa isa't isa.

Habang nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan ni Glee, nag aya na si Pablo, nilalamig nadaw ito, kaya napag desisyunan na naming umahon gabi nadin kasi. Nag paalam na kami kay Glee para pumasok sa kwarto namin. Ngumiti lang ito at nauna ng umakyat sa kwarto niya.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon