Stell's POV
Lumipas na naman ang mga araw, at sa wakas, okay na ulit kami ni Pablo. Hindi talaga maiiwasan ang alitan sa relasyon, pero ang mahalaga, naihayag na namin sa isa't isa ang tunay naming nararamdaman.
Ngayon, mas marami siyang solo projects, kaya bihira na silang magkasama ni Glee. Mabuti na lang at mabilis niyang natatapos ang trabaho, kaya maaga siyang nakakauwi. Dahil dito, unti-unti ng bumabalik sa normal ang relasyon namin.
Pero kahit okay na kami, hindi ko mapigilan ang paglala sa mga sintomas na nararamdaman ko. Matinding pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng ulo, at parang laging pagod ang katawan ko kahit wala naman akong ginagawa. Sa totoo lang, gusto ko ng magpa-check-up, kaya nagpa-schedule na ako sa ospital. Pero nakiusap si Justin na magbantay muna ako kay Kuya Josh dahil board exam na niya. Tuwing umaga lang naman ako kailangan, kaya pumayag na ako. Sa hapon naman, umuuwi na ang mama ni Kuya Josh, kaya siya na ang nag-aalaga.
Hindi naman mahirap alagaan si Kuya Josh. Kailangan lang gabayan sa pag-inom ng gamot at siguraduhing healthy ang kinakain niya. Sa totoo lang, nag-e-enjoy ako sa pagbantay sa kanya. Madalas naming pag-usapan si Pablo, at tuwang-tuwa siya tuwing nagkukuwento ako. Ramdam ko kung gaano siya kasabik makilala ang boyfriend ko, at sobrang nakakataba ng puso. Sana lang tuluyan na siyang gumaling at magkaroon na ng pagkakataon na magkita sila ni Pablo.
--
Mabilis lumipas ang mga araw, at natapos na rin ang exam ni Justin. Ngayon, hinihintay na lang namin ang resulta. Wala akong kaba dahil alam kong kakayanin niya. Sigurado akong papasa siya.
"Thank you, Stell. Buti nandito ka. Sayo lang talaga ako panatag pag dating kay Love." sabi ni Justin, sabay ngiti na halatang may halong pagod at relief.
Napangiti din ako. "No problem. Nag-enjoy naman ako sa pagbantay kay Kuya Josh." sagot ko nang masaya.
Nag-aya siya na sabay-sabay kaming tatlo, ako, si Justin, at si Kuya Josh na kumain muna bago ako umuwi. Habang kumakain, nagkwentuhan lang kami ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Tinanong din niya kung kumusta na kami ni Pablo. Sabi ko, okay naman na kami at mas nagiging matatag pa. Halata ang saya sa mukha niya. Medyo nakakahiya lang dahil nag kwento pa ako sa kanya. Pero mabuti na lang talaga, si Pablo ang pinanigan niya. At least, alam kong hindi siya galit kay Pablo sa kabila ng mga nangyari noon.
Text message from the hospital:
"Your check-up schedule is today at 4:30 PM."
Hindi ko napansin na may message pala mula sa ospital. Buti na lang hapon ang schedule ko, kaya nakaabot pa ako. Pagdating ko sa ospital, pinapasok agad ako sa consultation room. Nakangiti ang doktor habang pinapaupo ako sa harap niya.
"Mr. Ajero, base sa mga sinabi mo, na e-experience mo ulit ang mga dating sintomas mo, tama ba?" tanong niya habang nakatitig sa clipboard niya. Tumango lang ako bilang sagot.
"Base rin sa sinabi mo, na-trigger ito dahil sa stress, tama rin ba?" dagdag niya. Tumango ulit ako.
Habang sinasagot ko ang mga tanong niya, napansin kong tila nagiging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya na may ibang sintomas akong nararanasan na hindi konektado sa dati kong sakit. Kailangan daw akong sumailalim sa physical examination para makasigurado.
Lumabas muna ako at naghintay sa waiting area habang ini-review nila ang resulta. Ilang minuto lang ang lumipas nang tawagin ako ng nurse para bumalik sa consultation room. Pagpasok ko, nakangiti ang doktor, pero may kakaiba sa kanyang ngiti.
Pagkaupo ko pa lang, biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"Congratulations, Mr. Ajero. Base sa naging resulta, you're pregnant." sabi niya na may kasamang mahinang tawa.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
Fiksi PenggemarIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)