PART 77 🎭

637 18 3
                                        

Stell's POV

"Stell, gusto kita. Gustong gusto. Pwede mo bang kompletuhin kulang sa buhay ko."

Kumabog ang dibdib ko sa mga narinig ko, gusto ako ni Sir pablo? Pano nangyari to? napaka imposible, boss ko siya, at personal assistant niya lang ako.

Baka nag kakamali lang siya, baka naguguluhan lang siya.

"Pero, Sir Pablo.." nanginginig kong sabi.

"Stell, please give me a chance.." Hinawakan ni Pablo ang mga kamay ko.

"Sir, magkaiba mundo natin. Sobrang magkaiba."

"Pero hindi hadlang yon diba? Kaya kong isugal lahat para sayo. Kaya kong iwanan ang mundo ko makasama ka lang." Sabi ni Pablo, habang hawak hawak ang mga kamay ko at naka titig sa mga mata ko.

"Natatakot ako.. Normal na tao lang ako, hindi mo ako katulad, hindi worth it ang pag sugal mo para sakin. Kasi madaming tao ang nag mamahal sayo, at madaming tao ang masasaktan ko, kung bibigyan kita ng pagkakataon. Baka nga pati sarili ko masaktan ng dahil dito." Nang gigilid na ang mga luha sa mata ko. Masyado akong na o overwhelmed sa nga narinig ko.

Kaya ko ba talagang pasukin ang mundo mo?

"Stell, kung natatakot ka mas natatakot ako na mawala ka sa buhay ko. Mas iisipin mo paba ibang tao? Stell, sa tingin mo ba hahayaan kong masaktan ka?

Diba sabi ko nga sayo, gustong gusto kita, akala ko nung una naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko. Sa totoo lang nagugulat din ako sa mga pag babago ko ng dahil sayo. Ibang iba na ako Stell, hindi na ako kagaya ng dati.

Alam mo ba kapag nanjan ka, pakiramdam ko payapa ako, lahat ng pagod ko nawawala ng dahil sayo. At kapag wala ka sa tabi ko pakiramdam ko na may kulang sa sarili ko. Kaya nga habang tumatagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sayo eh. At napatunayan ko, na oo nga baka nga gusto na kita, baka nga mahal na kita.

Hindi eh, hindi lang baka. Kasi gusto na talaga kita at alam ko sa sarili na mahal na kita.

Kaya Stell, please allow me to love you." Mas humigpit ang pag kakahawak ng kamay ni Sir Pablo sakin.

Ramdam ko din ang pag nginig nito.

Para akong napako sa kinakatayuan ko, nabibingi na ako sa kabog ng dibdib ko.

Gusto kong magsalita, pero hindi ko magawa.



Pablo's POV

Hindi na nag salita si Stell, nakayuko lang ito sa harapan ko. Tanging pag hampas lang ng alon ang naririnig ko at malalim na pag hinga nito.

Siguro nga hindi niya talaga ako gusto, siguro nga ako lang ang merong nararamdaman saming dalawa.

Mali ata timing ko, mas lalo ko pa atang masasaktan si Stell.

"Okay sige, naiintindihan kita. Kung ito lang makakasira sa kung anong meron tayo ngayon, mag panggap nalang tayong dalawa na wala akong sinabi sayo.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon