STELL'S POV "Mahal, bakit may maleta ka?" tanong ko, halata sa boses ko ang gulat. "Teka, may biglaang work ka ba? Bakit hindi ko alam? Teka nga." Agad kong kinuha ang phone ko para i-check ang schedule ni Pablo. Wala naman siyang naka-line-up na trabaho for one week straight, kaya lalo akong nagtaka.
"Wala akong trabaho, mahal. Aalis tayo" sagot niya nang may ngiti, sabay yakap sa akin. Ramdam ko ang lambing sa bawat salita niya. "Para masulit natin yung isang linggo, saka gusto kong makabawi sayo."
"Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko habang napapakunot ang noo, pilit inaalam ang plano niya.
"Birthday ni Nanay Imelda, kaya uuwi tayo sa isla."
Bigla akong napangiti, halos tumalon pa sa tuwa. "Talaga ba?! Wait, mag-eempake na ako! Saka bababa muna ako para pumunta sa mall. Kailangan ko bilhan ng regalo si Nanay Imelda." sabi ko, abot hanggang tenga ang ngiti.
"No need na, mahal. Naka-empake na ako ng dadalhin natin, saka may regalo na rin tayo para kay Nanay" sagot niya, hawak ang mga balikat ko habang mahinang tumatawa. "Tara na. Ngayong umaga na ang flight natin."
Pinakita niya sa akin ang screenshot ng flight details. Totoo nga, tatlong oras na lang at lilipad na kami. Agad akong pumunta sa banyo para maligo, hindi na nagdalawang-isip.
Nang makalapag na kami sa airport, buti na lang at walang nakapansin kay Pablo sa eroplano. Kaunti lang kasi ang pasahero. Paglabas namin, masaya kaming sinalubong ni Tatay Berto, nakangiti habang inaabot ang mga dala naming gamit at inilalagay ito sa likod ng sasakyan.
Pagdating namin sa rest house, nakasuot pa ng apron si Nanay Imelda nang masaya kaming salubungin. Halata sa mukha niya ang saya habang mahigpit niya kaming niyakap.
"Mga anak, kamusta kayo? Kamusta ang biyahe? Teka, kumain na ba kayo? Sakto, kakatapos ko lang magluto." bungad niya nang masigla.
"Ayos naman po kami, Nay Imelda. Sakto hindi pa po kami kumakain ni Stell." sagot ni Pablo habang nakahawak pa rin sa kamay ko.
"Tara na, maghahain na rin ako." sabi ni Nanay Imelda habang hinuhubad ang apron niya.
Sabay-sabay kaming apat na kumain at nagkwentuhan. Ang saya ng ambiance. Kinamusta rin ako ni Nanay Imelda. Aware siya sa relasyon namin ni Pablo, at tuwang-tuwa siya para sa amin. "Finally," sabi niya, "nakatagpo na ang totoy namin ng taong mamahalin siya." Hindi ko mapigilang mapangiti. Napakabait nilang mag-asawa, sobrang maalaga at maasikaso.
--
Bukas pa ang birthday ni Nanay Imelda. Ayaw niya sana maghanda, pero si Pablo, taon-taon niyang sinisiguradong ma-celebrate ito. Halata namang natutuwa si Pablo sa ginagawa niya. Parang tunay na nanay na kasi ang turing niya kay Nanay Imelda.
Nag-volunteer akong magluto para sa handa niya. Sa una, ayaw pa niya, pero napapayag ko rin. Gusto kong mag-relax siya sa birthday niya. Kaya ngayong araw, niyaya ko si Pablo na pumunta ng palengke para bumili ng mga ingredients na gagamitin ko.
Medyo malayo ang palengke sa rest house, kaya ginamit namin ang motor ni Tatay Berto.
"Mahal, kapit ka sa bewang ko, baka mahulog ka." sabi ni Pablo na may lambing habang inaayos niya ang cap niya.
Napatawa ako at yumakap sa bewang niya. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya. Alam kong kinikilig siya. Ang landi, pero cute. Naisip ko tuloy, tyansinga siya, at ilagay ang kamay ko sa loob ng shorts niya. Pero huwag na lang, baka may makakita. Nakakahiya.
Habang nasa biyahe, ramdam ko ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa paligid-ang ganda ng view. Simple, tahimik, parang saglit na tumigil ang mundo para sa amin. Hindi ko mapigilang ngumiti.
Pagdating namin sa palengke, hinawakan ni Pablo ang kamay ko habang sabay kaming naglakad. Halos puro matatanda ang tao sa paligid, kaya hindi na ako masyadong nag-alala.
"Mga iho, anong hanap niyo?" tanong ng tindera habang inaayos ang paninda niya.
Habang sinasabi ko ang mga ingredients, bigla akong nagulat nang humawak si Pablo sa bewang ko.
"Mahal, kuha ka ng pang-sinigang." sabi niya. Halos napalunok ako at hinawi agad ang kamay niya, sabay tayo nang maayos.
"Naku, ano ka ba, iho? Nahihiya ka ba sa akin dahil sweet yang boyfriend mo? Ganyan-ganyan din ang asawa ko, kaya huwag ka ng mahiya. Nalungkot tuloy boyfriend mo oh." natatawang sabi ng tindera, sabay turo kay Pablo na medyo nakasimangot na.
"Ay, hindi po, hehe... Kasi ano po..."
"Kasi pareho kayong lalaki?" tanong niya, sabay ngiti. "Naku, alam kong matanda na ako, pero wala namang problema sa akin yan. Yung anak ko nga na si Joshua, masaya sa Amerika kasama ang asawa niya. Lalaki rin."
"Talaga po?" tanong ko, hindi maitago ang gulat ko.
"Oo. Bata pa lang, alam ko nang dalaga na ang anak ko. Wala na kaming magawa ng tatay niya kundi suportahan siya. Bilang magulang, ang mahalaga, masaya ang anak."
"Maswerte po ang anak niyo sa inyo." sabi ko habang nakangiti.
"Maswerte rin ako sa anak ko," sabi niya. "Kaya kayo, iho, huwag niyong intindihin ang sasabihin ng iba. May mga hindi tatanggap, pero ang importante, mahal niyo ang isa't isa."
"Salamat po," sabi ko habang nakatingin kay Pablo na ngiting-ngiti rin.
Habang naglalakad kami papunta sa pinagparadahan ng motor, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Ramdam ko pa rin ang saya sa puso ko. Sa totoo lang, mga kaibigan ko lang talaga ang tanggap ang relasyon namin ni Pablo, at napakaraming tao ang humahadlang. Pero kanina, nang marinig ko ang sinabi ng matandang babae, parang nabuhayan ako ng loob. Parang may liwanag sa kabila ng lahat ng hirap na pinag daanan naming dalawa.
"Mahal, kanina ka pa nakangiti ah. Pinakyaw mo pa ata lahat ng tinda ni Manang. Pang-buong barangay na ata ang lulutuin mo." biro ni Pablo habang nag lalakad kaming dalawa.
"Masaya lang ako," sagot ko, sabay yakap nang mahigpit sa kanya. "Saka, first time natin ito-makalabas ng malaya." Ngumiti si Pablo, bago ako halikan sa pisngi.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.