PART 35 🎭

522 18 1
                                        


*Next day..

Pablo's POV:

Nagising ako dahil sa amoy ng niluluto ni Stell. Sumilip ako sa side table ko, 8am na pala. Medyo napahaba ang tulog ko, siguro side effect ng gamot. Pero naging okay naman na pakiramdam ko.

Pumasok muna ako sa C.R para makapag hilamos. Bago lumabas ng kwarto.

"Goodmorning Sir Pablo, Nagising ba kita?" pagbungad na bati sakin ng P.A ko habang busy sa pag luluto.

"Hindi naman masyado. Anong niluluto mo?"

"Hmm~ Pancake po."

"Ah okay.." naupo na ako sa dinning table. Hindi pa naman ako gutom pero dito ko na piniling umupo.

"Sir mag green tea ka muna po huh." at sinerve sakin ang mainit green tea.

"Iwas muna tayo sa caffeine okay?" nakangiti pa nitong sabi.

"Alam ko din po palang hindi ka sanay mag breakfast pero need mo kumain for your meds and fast recovery." hindi naman sa ayaw kong kumain ng breakfast pero kasi wala lang akong time mag luto dahil una sa lahat noodles lang ang alam kong lutuin. Kaso sa mga nangyari mukang goodbye instant noodles na.

 Kaso sa mga nangyari mukang goodbye instant noodles na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay, breakfast is ready." pancake with strawberry and berries pala to.

"Sorry Strawberry nilagay ko favorite ko kasi."

"Oks lang.."

"Okay, kain na tayo. Need ko pa kasing mag aral. Okay lang ba, dun muna ako sa unit ko? Tapos call mo nalang ako if kailangan mo help ko."

"Sige lang.." pero pano ako tatawag eh wala nga kaming contact sa isa't isa. Ayoko namang tanungin number niya or messanger niya.

"hmmm.. Sir!"

"Why?"

"Napaisip ako.." bakit ba pahinto hinto tong magsalita.

"Ano ba yun Stell, sabihin mo na."

"Uy teka, alam mo pangalan ko? HAHA!" anong nakakatawa bakit ang saya saya niya?

"Oo ikaw ba naman bukang bibig ng mga kasama natin. Sa tingin mo di ko malalaman pangalan mo, saka ano bang nakakatawa bakit ka ba nakangiti jan??"

"Wala lang na tats lang ako kasi alam mo na name ko." gusko yun lang naman ang saya saya niya na. Parang pangalan lang eh..

"Oo nga pala yung sasabihin ko." huminto pa ito para sumubo ng pancake. Kelan ba matatapos sasabihin niya? Pahinto hinto eh.

"Oh ano nga yon?" medyo inis ko ng sabi.

"Kasi nga diba wala akong contact sayo, wala akong number mo hindi ko alam tatawagan ko, tapos ganun pa yung nang yari last time. Pwedeng add mo ko sa messanger?"

Buti nalang siya unang nag tanong, ayoko din namang ako yung mag aask para magkaroon kami ng connection.

umagree na ako kaya friends na kami sa messanger, hiningi din nito ang number ko just in case daw na di niya ako macontact sa messanger meron siyang other option. Binigay ko nalang din para matapos na to at makakain na kami.

Nang matapos na kaming kumain uminom na ako ng gamot. Nag hugas muna ito ng pinggan bago mag paalam.

 Nag hugas muna ito ng pinggan bago mag paalam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon