PART 147 🎭

473 19 16
                                        

PABLO'S POV
Lumipas ang araw, balik trabaho nanaman kami. Hindi na na open up sa condo, yung issue tungkol sa pictures namin ni Stell. Bumalik nadin sa normal ang araw araw namin. Kaya natutuwa ako, dahil parang walang nangyari at balik lang kami sa dating gawi.

Habang nasa parking lot ng WP building, may napansin akong babae na pumasok sa isang sasakyan, wala lang napansin ko lang. Bago kasi yung sasakyan, mukang hindi nag tratrabaho dito.

Umakyat na kami, at pinauna ko muna si Stell sa Private room ko, pinapatawag kasi ako ni Big boss sa office nito.

Habang nag lalakad narinig ko ang mga employees na nag uusap usap.

"Uyy, sa tingin niyo may partner na si Big boss?"

"Feeling ko din, infairness kahit may idad na ang ganda niya ah."

"Saka ano, first time ito mangyari na may babaeng bumisita sa office ni Big boss."

"Oo nga eh, sana naman pag nagka jowa na si Big boss, less anger issues na." Natatawang sabi nito.

Napahinto naman ang mga ito nang makita ako, bago bumalik sa kani kanilang mga station.

Na curious tuloy ako, siguro yung babaeng nakita ko sa parking lot yung tinutukoy nila.

Pagpasok ko sa loob ng office ni Big boss, akala ko magagalit ito dahil sa pictures na lumabas. Pero pinag usapan lang namin ang mga incoming projects na offers ng investors.

Nang matapos na ako makipag usap kay Big boss, lumabas nadin ako para puntahan si Stell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang matapos na ako makipag usap kay Big boss, lumabas nadin ako para puntahan si Stell. Pero nakita ko itong nakikipag usap sa mga make up artist, siguro na utusan ni Kuya Yani.

Napangiti naman ako, dahil akala ko hindi ko na makikita ang mga ngiti nito sa trabaho. Pero mali pala ako, kung ano yung dating Stell, ganun padin. Parang wala ngang nangyari eh.

Nang makita ako ni Stell, ngumiti ito at nag paalam na sa mga kasama.

"Pinagalitan ka ba?" Nag aalalang tanong nito, umiling naman ako. Mukang naging masaya siya sa pag iling ko kaya napangiti ito.

Usual work lang ang ginawa namin dito sa building, kaya nag aya ang mga kasama namin na sabay sabay kumain. Nakita ko naman ang mga mata ni Stell na gustong sumama, kaya wala na akong nagawa, at nag offer na ako, na ako na ang mag babayad ng kakainin namin.

Habang kumakain kami, masayang nakikipag kwentuhan si Stell sa mga kasama namin. Hindi pala ito tumabi sakin, umiiwas padin kasi ito sa posibilidad na maging issue naming dalawa, pero okay nadin ito since mas napag mamasdan ko ang magandang ngiti ni Stell ngayon.

 Hindi pala ito tumabi sakin, umiiwas padin kasi ito sa posibilidad na maging issue naming dalawa, pero okay nadin ito since mas napag mamasdan ko ang magandang ngiti ni Stell ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang maibaba ko na ang phone, nagulat naman ako ng bigla nalang tumayo si Stell pabanyo. Sinundan ko ito dahil, nag alala ako. Bahala na kung anong isipin ng mga kasama namin dito. Tutal alam ko namang nag tataka sila, dahil ngayon lang ako sumamang kumain sa kanila.

Pag pasok ko sa banyo nakita ko si Stell na nag hihilamos.

"Okay ka lang?" Nag alala kong tanong.

"Nabigla lang ata ako sa kinain ko, napa dami kasi, kaya naisuka ko."

"Sure ka ba, gusto mo punta tayo sa hospital?"

"Hindi na, tara na balik na tayo, baka iba isipin ng mga iyon."

Hindi na ako umangal, at sumunod na sa kanya. Pag balik namin sa loob bakas sa mga muka ng mga kasama namin ang pag aalala, pero inexplain naman ni Stell ang nangyari. Patuloy lang ang pag kwekwentuhan nila, parang wlang nangyari.

 Patuloy lang ang pag kwekwentuhan nila, parang wlang nangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon