PART 93 🎭

678 18 4
                                        

Pablo's POV:

"Hoy pablo! Yang muka mo iayos mo! Ano nalang sasabihin ng mga fans sayo?" Sabi ni kuya yani sakin, habang nag hahanda para sa event mamaya. Launching kasi ng new album ko at new merch, kaya ngayon ang fan signing ko.

Paano ako gaganahan eh wala si Stell, mas inuna niya pa yung "importanteng" bagay na pupuntahan niya.

Hindi ko nalang pinansin si kuya yani, kinuha ko nalang ang phone ko para imessage si Stell.

Hindi ko nalang pinansin si kuya yani, kinuha ko nalang ang phone ko para imessage si Stell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa sobrang sama ng loob ko sa chat ni stell, naibalibag ko ang phone ko sa sofa.

"Malaman ko lang na si Felip kasama mo, fuck! Hindi ko alam kung anong kaya kong gawin sa lalaking yan!" Galit na bulong ko sa sarili.

Kahit labag sa loob ko, sumunod na ako kay kuya yani dahil mag sisimula na daw ang event.

May mga question and answer, tapos nag handog din ako ng special number para sa mga fans. Special dahil ngayon lang nila narinig ang new released song ko. Pero dapat nandito si Stell since para sa kanya talaga ang kantang ito.

Pagkatapos kong kumanta, pinag pahinga muna ako sandali para i introduce nadin sa mga fans ang new merch ko.

Sobrang wala talaga akong gana ngayon, hindi ko nga alam kung paano haharapin ang mga fans mamaya.

Baka sa sobrang inis ko, sa kanila ko maibuntong yung galit ko.

Ilang minuto din nakalipas pinaupo na ako sa harap ng lamesa sa stage. Isa isa nading pumila ang mga fans.

May mga konting usap, tapos picture, tapos pirma.

"Hi Pablo! Fan na fan mo talaga ako!" Sabi ng babae sa harap ko.

"Salamat." Matipid na sagot ko, at nginitian nalang ito habang patuloy padin ang pag sasalita.

"Ako yung mga naunang Wolves, hehe. Sorry ah, madaldal."

Buti naman alam mong madaldal ka, pwede bang i close nalang ang mouth? Wala talaga kasi ako sa mood eh.

"Okay lang, ano pangalan ilalagay ko dito?" Tugon ko dito, at kinuha na ang pen para makapirma na.

"Angela nalang."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon