Sabi ni Justin, isa't kalahating araw bago ako magising afterthe heart transplant, ramdam na ramdam ko padin ang pagod kahit sa totoo lang naka higa lang naman ako sa loob ng operating room, hindi ko masyadong ramdam ang sakit dahil sa pain killer meds, pero pinag bawalan ako kumilos at need pang oserbahan kung successful ba o ma rereject ito ng katawan ko.
"Love, baka naman hindi mo na ako mahal kasi ibang heart na yan." Nakangusong sabi ni Justin sabay turo sa dibdib ko.
"Hmmm..." Biglang kunot nuo nito "Love naman, kahit ilang heart ba ilagay sa katawan ko, ikaw padin talaga. Lika nga dito pakiss naman, pang palakas lang oh." Nakangiting lumapit ito sakin, bago ako halikan sa labi.
"Thank you Love, thank you kasi hindi mo ako iniwan, mahal na mahal kita Justin ko."
"Love nama eh, papaiyakin mo pa ako, kainis ka talaga. Pero lagi mong tatandaan nandito lang ako lagi sayo Josh, mahal na mahal kita." Napangiti din tuloy ako.
Sobrang swerte ko talaga dahil nakilala ko si Justin, isa siya sa dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ng matagal. Sobrang saya ko talaga na binigay siya sakin ni lord, isang taong maalaga, mapag mahal at laging nanjan para sakin. Pero sa totoo lang nahihiya nadin talaga ako sa kanya, pakiramdam ko kasi laking sagabal lang ako sa kanya lalo na sa pag aaral niya, imbis na naka focus siya sa pag rereview dahil ngayong taon na siya mag tatake ng exam, pero heto siya binabantayan pa ako, pero sa tuwing inoopen up ko sa kanya iyon ang lagi lang niyang sagot sakin, mas importante ako, at kaya niya naman pag sabayin lahat. Promise talaga kapag okay na ako babawi ako sa kanya, at kapag malakas na ulit ako, ako na ang mag aalaga at proprotekta sa kanya. Nakikita ko nadin Kasi talaga ang future ko kasama siya, at kung bibigyan kami ng mga anak, ipapangako ko na punong puno ng pagkamahal ang mabubuo naming pamilya. Ayoko na kasing maulit lahat, gusto ko maging buo kami, at maging masaya.
--
JOSH'S POV
After 2 months, magaling na ang tahi ko, kaya pinayagan na kami ng doctor na makauwi ng Pinas. Hindi naman sa nagmamadali ako, pero habang nandito kasi kami sa thailand pakiramdam ko tumatakbo ang metro, bawat oras na lumilipas nadadagdagan ang bayarin, at nag aalala ako kung saan kami kukuha ng pera pambayad sa doctors at accomodations. Kaya excited na talaga ako umuwi, pakiramdam ko kasi mas makakampante ako kapag sa bahay mismo ako mag papahinga at hindi sa hospital o hotel dito sa thailand.
"Love ang tigas ng ulo, sabing humiga nalang kasi eh." Matigas na sabi ni Justin.
"Love, gusto lang kitang tulungan, magaling naman na tahi ko."
"Eh kasi naman eh, sabing ako na." Inagaw sakin ang mga damit na hawak ko. "Saka malapit nadin ako matapos mag pack, kaya please huwag na matigas ulo at mahiga na."
"Okay po." Wala na akong nagawa, kaya nanuod nalang ako ng Tv.
--
Next day..
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
JOSH'S POV
Ito na ata ang pinaka matagal na apat na oras ng buhay ko, ngayon ko naramdaman yung pagod sa buong byahe nang maka land na kami sa Philippines. Halos si Justin lahat ang nag buhat ng mga gamit namin, pinag bawalan kasi akong mag buhat ng mabibigat na bagay baka daw mabinat ako, gusto ko sana makatulong kahit sa hand carry manlang pero nagalit sakin hehe, kaya wala na akong nagawa baka bigla akong iwan nito sa kakulitan ko, kiss ko nalang siya mamaya kapag nasa condo na kami.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Love, gising na, nandito na si Kuya bong." Naramdaman ko ang mahinang tapik sa braso ko, hindi ko namalayan naka tulog na pala ako.
Inalalayan ako ni Justin para makatayo, bago kami magsimulang maglakad palabas ng airport. Nang makalabas na kami, sinalubong kami ng driver at tinulungan kami para buhatin ang mga bagaheng hawak hawak ni Justin para isalansan sa likod sasakyan. Tinulungan din ako ni Justin makapasok sa loob, lakas talaga maka disney princess, masyadong caring tong prince charming ko, mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya, kainis!
"Thank you Love." Pinisit ko ng mahina ang kamay nito, nginitian lang ako nito. Sobrang thankful talaga ako sa taong to, ako na ata pinaka swerte sa buong mundo. Kaya kapag fully recovered na talaga ako, mag propropose na ako sa kanya.
Nakarating na kami sa parking lot ng condo building ni Justin, dito muna kami mag stay habang nag papagaling pa ako, hindi na ako nag reklamo dahil wala din naman mag aasikaso sakin, bumalik na kasi si mama sa ibang bansa para mag trabaho, hindi kasi porke tapos na ang surgery tapos nadin ang gastusan, may mga gamot pa akong need i take, at need ko mag undergo sa cardiac rehabilitation. Hays~ Sana gumaling na ako para hindi na niya need magtrabaho.
Habang paakyat, naka alalay lang sakin si Justin, ang mga gamit naman namin driver ang may dala. Pag bukas ng pinto nagulat ako.
"WELCOME HOME, LOVE BIRDS!"Mahinang sigaw ni Stell at kambal.
"Gagi napalakas ba bulong namin? Sorry kuya Josh, nagulat ka." Pag aalalang sabi ni Stell, kaya natawa naman ako.
"Okay lang, na surprise lang ako kasi nandito kayo." Nakangiting sabi ko, isa isa naman akong niyakap ng tatlo, sobrang swerte ko din talaga sa mga to, napaka buti nilang mga kaibigan dahil araw araw nila akong kinakamusta, tapos heto sila ngayon masayang sumalubong sa pag uwi ko.
"Oh tama na yang hug hug, respeto sa legal wife."
"O.A nito hindi ba pwedeng na miss lang si Kuya josh? Bahala ka jan." Hindi pinansin ni Stell si Justin, dahil mahigpit padin ang yakap nito sakin.
"Bwisit ka Stell, si Josh lang talaga yayakapin mo, pano naman ako, di mo ako namiss? Kayo din kambal ang sasama ng ugali niyo!" Natawa naman ang tatlo, kaya yumakap na ang kambal kay Justin, pero itong si Stell naka kawit padin sakin, kaya sinamaan naman ito ng tingin ni Justin.
"Kuya Josh nag luto ako for you, tara na kain na tayo." Inalalayan ako nitong makapasok sa loob.
"Hoy Stell, di mo na talaga ako Love?!"
"Mamaya kana kasi, si kuya Josh muna." Dumila pa ito, halatang naang aasar, natawa naman si Justin.