Josh's POV
"Love, ihahatid ko lang sila sa labas. Kung inaantok ka na, pasok ka na sa kwarto, susunod ako." paalam ni Justin, habang nakangiti. Tumango ako, masaya dahil masaya siya ngayon, at sempre sa achievement niya.
Maaga natapos ang mini celebration party ni Justin, kaya nag-uwian na rin ang mga bisita. Naiwan ako sa sala, nanunuod sa TV habang siya'y abala sa labas.
Habang abala ako sa panonood, biglang nag-vibrate ang phone ni Justin sa mesa. Napalingon ako at napansin ang isang message notification. Out of curiosity, sinilip ko ito. Ang laman ng mensahe ay parang kutsilyong tumarak sa puso ko. Nanlaki ang mga mata ko, at biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Kinuha ko ang phone niya at binuksan. Binasa ko ang buong thread ng mga mensahe. Bagama't halata ang pagtatangka niyang burahin ang ilan, may mga natira pa rin. Sapat na upang maintindihan ko ang konteksto ng usapan nila.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumabas. Mabilis akong lumapit sa kanya, si Justin naman ay nakangiting kumaway nang makita ako.
"Love, bakit ka lumabas? Nakauwi na silang lahat." tanong niya, puno ng kasiyahan sa kanyang boses.
"Justin..." mahina kong sabi, halos hindi ko kayang buuin ang mga salita. "Ano ang ibig sabihin nito? Tama ba ang hinala ko sa usapan niyo ni Mama?" Inangat ko ang kanyang phone. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Agad niyang inagaw ito mula sa akin.
"W-Wala lang ito..." nauutal niyang sagot, nanginginig ang mga kamay habang pilit na binubura ang mga natirang mensahe sa kanilang thread.
"Anong wala? Love naman, bakit?" Napayuko siya, hindi makatingin sa akin.
"Gaano mo na katagal alam na kapatid ko si Pablo?" matigas kong tanong, nanginginig ang mga kamao sa galit at sakit.
"Sinabi sa akin ni Tita noong second therapy mo..." Napapikit ako sa sakit ng katotohanan. Ibig sabihin, matagal na niyang alam.
"Don't tell me... lahat ng gastusin sa gamot at therapy ko... galing sa boss ni Pablo?" Galit na tanong ko. Hindi siya makasagot. "Alam mo ang kwento ko! Alam mo kung paano nararamdaman ng kapatid ko, kung paano siya laging naiwan. Bakit mo kinunsinti si Mama? Love naman, hindi mo ba naisip na pwedeng masaktan si Stell sa ginawa mo? At sa tingin mo ba walang kapalit ang tulong ng boss ni Pablo kay mama?"
"I did it because I love you!" sigaw niya, luha na ang bumaha sa kanyang mga mata. "I can't lose you, Josh. You have to survive... kasama ako!"
"Pero mali. Paano naman si Stell? Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman niya kung kapalit ng tulong ng boss niya kay Mama si Pablo mismo?"
"I DON'T CARE!" sigaw niya, nanginginig ang boses. "Walang sakit si Stell, malakas siya. Kaya niyang makahanap ng iba. Pero ikaw, kailangan mong gumaling. Kailangan natin ng malaking pera para mabuhay ka. Alam kong selfish ako, pero mahal na mahal kita. And I can give up everything for you."
Sa bawat salita niya, lalo akong nanlamig. Ang Justin na minahal ko, parang unti-unting nawawala. Parang hindi ko na siya makilala.
Bakit humantong sa ganito? Hindi lang kapatid ko, pati si Stell nadadamay ng dahil sa tanginang sakit ko.
Magsasalita pa sana ako nang bigla kaming napalingon sa gilid dahil sa malakas na pagbagsak.
--
Stell's POV
Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nina Kuya Josh at Justin. Gusto ko lang naman magpa-comfort dahil nasaktan ako sa nakita ko kanina, pero mas lalo pala akong masasaktan sa mga narinig ko.
Kaya nanghina ang mga tuhod ko, nabitawan ko ang cellphone ko at kasabay nito ang pagbagsak ng katawan ko. Napatingin sila sa akin.
"Stell..." gulat na tawag ni Kuya Josh, agad niya akong tinulungan tumayo. "I'm sorry Stell." dagdag niya, halata sa boses niyang nagsisisi siya. Alam kong wala siyang kasalanan, dahil hindi niya alam. Pero ang sakit, siguro kung hindi ganito, masaya ako na magkapatid sila, pero sa ngayon hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Jah, kaya ba ganun nalang ang reaksyon mo sa tuwing nag-aaway kami ni Pablo? Kaya ba sa tuwing humihingi ako ng simpatiya sayo, hindi mo maibigay? Kasi okay lang sayo na masaktan ako? Tama ba?" Nanginginig kong tanong, halos sumabog na ako.
"Hindi sa ganun..." Naiiyak niyang sagot.
"Okay lang sayo kasi malakas ako? Kasi wala akong sakit? Ganun ba? Pero hindi mo man lang naisip, kahit konti, malakas ba talaga ako? Hindi ba ako nakakaramdam ng sakit kahit wala akong sakit? Jah, wala lang ba sayo yung ilang taon nating magkaibigan?" Halos barag na ang boses ko, pinipigilan ko din ang pag patak ng mga luha ko, kailangan kong maging malakas.
"Stell, mahal ko si Josh. Sana maintindihan mo ako."
"Alam ko naman iyon. Kasi Mahal ko din si Pablo, kaya gets ko." Ngumiti ako ng mapait, pareho kami, pero ako wala nang pang hahawakan, dahil nasa piling na siya ng iba.. "Don't worry, bayad na si Tita sa daddy ni Glee. Tatapusin ko na kung anong meron sa amin ni Pablo." dagdag ko, habang naalala ang paghalik ni Pablo kay Glee.
Hinawakan niya ang kamay ko, "Sorry. I'm sorry. I didn't mean that. Mahal din kita, alam mo yon, diba? Pero sana maintindihan mo ako. Mas kailangan ni Josh ng tulong." Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa mga kamay ko, pero hinawi ko iyon.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako galit sayo." Ngumiti ako ng mapait "Get well, Kuya Josh." lumingon ako kay Kuya Josh, na kanina pa umiiyak, sabay talikod, at pinunasan ang luhang kanina pa nagbabadyang kumawala.
Hahabulin pa sana ako ni Justin, pero bigla nalang nahimatay si Kuya Josh. I'm sorry Kuya Josh. Magbubulag-bulagan muna ako ngayon. Because I'm in too much pain right now. At alam kong nandiyan si Justin para sa'yo. Unlike me, wala...
Hindi ko na napigilan humagulgol sa loob ng sasakyan. Ang sakit pala kapag naipon na lahat sa dibdib. It's not only Pablo who betrayed me—Justin also. Kaya wala nang natira sa akin.
Parang biglang may gumalaw sa tiyan ko, at kasabay ng sensasyong iyon, naalala kong meron pa palang natira sa akin. Napakapit ako sa tiyan, hinagod ito ng dahan-dahan, habang bumubulong, "I'm sorry, baby. Dapat ba pinakinggan ko muna ang daddy mo?" Muli, naramdaman ko ang paggalaw sa loob, siguro iyon ang tugon niya sa sagot ko.
Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko habang ang isa kong kamay ay nakahawak pa rin sa tiyan. Napagdesisyunan kong umuwi sa condo. Siguro, may dahilan si Pablo kung bakit niya nagawa iyon. Susubukan kong magtiwala ulit sa kanya, para sa amin ng anak namin.
Pagdating ko sa condo, tahimik. Wala pa rin si Pablo. Nagdesisyon akong maligo, umaasang mawawala ang bigat na nararamdaman ko kahit papaano.
Nakatulong naman kahit kaunti, pero hindi nito tuluyang naalis ang kirot sa puso ko.
Habang naghihintay, panay ang sulyap ko sa orasan. Wala pa rin siya. Hindi pa rin siya umuuwi. Sinubukan kong tawagan siya, ngunit paulit-ulit lang ang pag-ring, walang sumasagot.
Bumabalot na naman sa akin ang pag-ooverthink. Biglang sumagi sa isip ko.... What if magkasama sila ni Glee ngayon, at may ginagawa sila—
Pinutol ko ang iniisip ko. Hindi ko kayang tapusin ang eksenang iyon sa utak ko dahil ramdam ko na agad ang kirot sa dibdib ko. Sinubukan ko ulit siyang tawagan, ngunit wala pa rin. Hindi ko na mapigilan ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak.
Yung natitirang kaunting tiwala na sana'y kaya ko pang ibigay sa kanya, parang naglaho na. Agad akong tumayo, pumasok sa kwarto, at nagsimulang mag-impake ng mga bagay na importante sa akin. Habang nag-aayos ng maleta, napukaw ng pansin ko ang isang kahon na nakatabi—ang regalo na dapat ibibigay ko kay Pablo. Parang dinurog ang puso ko sa naalala. Ako dapat ang magbibigay ng surpresa, pero ako ang nasurpresa nila. Ang sakit.
Kinuha ko ang liham na sinulat ko kanina. Binasa ko ito, ngunit halos hindi ko na mabasa ang mga letra dahil sa mga luhang bumasa sa papel. Nang hindi ko na kaya, pinunit ko ito at itinapon sa basurahan. Pinasok ko ang kahon sa maleta at isinara ito, pilit na tinatapos ang paghahanda sa pag-alis ko.
Kinuha ko ang phone ko, nag-dial ng number. Ilang ring pa lang, sumagot na siya. "Hello?" tanong niya, puno ng pag-aalala sa boses niya.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?
![TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]](https://img.wattpad.com/cover/347018809-64-k850896.jpg)