Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Stell's POV:
naka ready na ako for work, medyo napaaga pa nga since excited talaga ako. I grab the usual black coffee ng alaga ko, then head back sa condo building namin.
Nang makarating na ako sa 26th floor, since wala naman akong contact sa alaga ko, nag doorbell nalang ako sa unit nito.
After few rings lumabas na ito, same old pablo wearing black shirt and jogger. Ito yung go to outfit niya everytime papunta siya work niya.
"Goodmorning Sir Pablo." i greeted him with sweet smile. Wala lang baka mahawa ng positive vibe. Kaso wa effect, kaya inabot ko nalang dito ang kapeng hawak ko. Baka kasi walang energy kaya di ako pinapansin.
"Sir yung susi po." iniabot naman nito sakin ang susi, pero wala pading imik. Snabero talaga
"Sir sorry po, pwedeng kayo mauna? Hindi ko naman po kasi alam kung nasan yung car." hindi na nag salita ito at nag lakad na, kaya sumunod nalang din ako.
While walking i can feel there is something wrong, pero hindi ko ma point out kung ano.
Siguro nga hindi siya masaya sa pag balik ko dito.
Inside the elevator i can see his reflection..
Inaantok paba to? Bakit naka pikit habang nakasandal sa wall. Hindi ko nalang ito ginulo, baka nga hindi naka sleep ng maayos kagabi.
Nandito na kami ngayon sa parking, sinusundan ko lang ito habang nag lalakad. Medyo mabagal ang pag lalakad nito compare sa usual walks niya. Siguro nga pagod pa.
Nang huminto na ang alaga ko, inassume ko na ito na yung car so i pressed the unlocked button and tama nga ito nga.
Binuksan ko ang passenger seat at pumasok nadin naman ito. Nang nasa loob na ako, sinet ko na yung waze app para hindi kami maligaw.
Habang nasa byahe kami, tahimik lang ito habang umiinom ng kape. Gusto ko man siyang kausapin pero huwag nalang, baka ako pa sumira ng araw nito. Kaya nag focus nalang ako sa pag dridrive.
Medyo traffic na kaya napasilip ako sa rear-view mirror napansin kong para bang kumukunot ang muka nito at napapahawak sa likod.
May nararamdaman ba to?
"Sir Pablo okay lang po kayo? May masakit ba? Gusto niyong huminto muna tayo sa drug store?" pag aalala kong tanong, kanina pa kasi ako kinukutuban na parang may mali talaga.
"No I'm okay, nangawit lang siguro tong likod ko. So don't mind me focus ka nalang sa pag dridrive mo." gusto ko siyang i congratulate kasi ito na ata pinaka mahabang salitang sinabi niya sakin pero not now.
"Sure po kayo?" makulit na kung makulit kaso nag alalaa din naman ako sa taong to kahit masama ugali.
"Yup." Hindi ko na ito tinanong ulit dahil umusad nadin yung mga sasakyan sa harapan namin.