Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
STELL'S POV
Nang matapos ng tanggalin ang plaster cast sa paa ko, nag paalam nadin ang doctor kaya naiwan kami dito ni Pablo. Medyo naninibago pa ako, hindi pa kasi ganun ka smooth mag lakad, pero hindi na katulad ng dati na hirap na hirap ako.
"Oh ikalma mo mahal, kakaalis lang mamaya may round 2 bigla."Napatayo pa si Pablo para alalayan si Stell.
"Asar to, okay naman na ako mahal eh look oh."He said, while proudly moving his ankle.
"Kahit na, pero sabi nga ng doctor huwag munang biglain."Napabuntong hininga pa ito sa ginawa ng nobyo.
"Okay po, heto na uupo na."
"Very good, listen to your hubby."Sabi nito bago tuluyang mai upo si Stell, at maupo katabi nito.
"Hubby..."Malambing na sabi.
"Oh bakit nag lalambing? May gusto ka bang kainin?"
"Wala naman po, pero kasi gusto ko na sanang bumalik sa trabaho, okay naman na ako saka tapos nadin exam ko."Nakangiting sabi.
"Teal, pwedeng huwag muna?"Mukang hindi naman natuwa sa sinabi ng nobyo, kaya nag taka si Stell kung bakit.
"Huh, bakit naman? Bluemagaling na paa ko. Saka bored na ako dito sa babay."
PABLO'S POV:
Stell I'm sorry pero ayoko pa, saka ka lang babalik sa trabaho kapag nasigurado ko ng okay na ang lahat at ligtas ka ng lumabas.
"Hmm.. ganito nalang teal, pwede kapag fully healed na po yang paa mo saka ka na mag work? Alam mo naman trabaho ng PA laging nauutusan kaya mahihirapan ka mag lakad po. Kaya nga sana huwag matigas ulo at huwag biglaain yang paa mo para mapabilis na talaga yang pag galing mo, akala mo ba masaya ako kapag wala ka sa tabi ko sa trabaho? Hmm.. Miss na kaya kita, ikaw lang naman nag papa kalma sakin kapag pagod na ako."Malambing na sabi.
"Mas smooth pa yang salitaan mo kaysa sa pag lakad ko eh no. Pero totoo nga naman mas magiging sagabal lang ako kapag mabagal ako sa trabaho. Kaya okay mag papagaling po ako."Hindi naman naitago ni Pablo ang ngiti.
"Very good, I love you teal."Masayang humalik ito sa pisngi ng kasintahan, kaya napangiti din si Stell.
"I love you too Blue."
Ring ring..
Nakita ko sa screen ang pangalan ni Clark, kaya nataranta ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ayoko kasing mag hinala si Stell sa mga plinaplano ko.
"Bakit blue?"Pagtatakang tanong nito sa biglaan kong pag tago ng phone sa gilid ko.
"Ah wala, teka teal sagutin ko lang okay?"
Tumango naman si Stell kaya tumayo na agad ako para maka labas sa balcony at isinara ang pinto. Ayokong marinig niya ang usapan namin ni Clark. Hanggang kaya ko ilihim sa kanya ang lahat gagawin ko, dahil kapag natagpuan na ang taong nanakit sa kanya, hindi ko alam kung anong posibleng magawa ko, at ayokong pigilan niya ako, dahil para sa kanya handa kong gawin ang lahat.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bigla nalang nag init buong katawan ko, hindi na kasi ako makapag hintay na magharap kaming lalaking iyon, kating kati natin ako dahil pakiramdam ko hindi ako matatahimik habang wala akong bawi sa gagong iyon.
Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Stell na tumatawa sa pinapanuod nito, bago mapatingin sa direksyon ko.
"Blue sino kausap mo?"Tanong nito bago muling ibalik ang mata sa pinapanuod.
"Sorry teal aalis ako, may trabaho daw kasi, biglaan."Pagsisinungaling ko. Napaharap naman ulit ito sa direksyon ko.
"Huh, panong trabaho, saka anong oras na oh. Teka wala namang update si Kuya Yani ah." Kinuha ang phone para icheck ang email at Group chat.
"Sorry Mahal urgent kasi, saka secret project collaboration with other artist."Pagsisinungaling ko ulit.
Sorry Stell alam kong napapadalas na ang pag sisinungaling ko sayo, pero wala akong choice, ayoko lang din na mag alala ka sakin, promise tatapusin ko na lahat to ngayong gabi, at makaka balik ka na sa trabaho.
"Ah ganun ba, sige sandali mag bibihis lang ako, para masamahan kita."Tumayo para pumunta ng kwarto, napa takbo naman si Pablo para alalayan ito nang bigla nalang mawalan ng balance.
"Teal naman, muntik ka na." Kabadong sabi, bago iupo ulit ang nobyo. "Mahal please naman, dito ka nalang." ako nang bahala, pag uusapan lang naman namin yung bagong kanta na ilalabas namin soon."
"Mahal sigurado ka ba, hindi naman ata mahirap gagawin ko dun, para lang sana may kasama ka."Malumanay na sabi, napa buntong hininga nalang si Pablo sa sagot nito.
"Hindi na okay lang ako, dito ka nalang ituloy mo nalang yang pinapanuod mo, promise uuwi din agad ako after." Hindi na nangulit si Stell, alam niya din kasing nag aalala lang sa kanya si Pablo.
"Okay hihintayin nalng kita."
"Hindi na, baka kasi abutin na ako ng madaling araw, kaya mauna kanang matulog." Humalik kay Stell "Sige na aalis na ako nag hihintay na sila sakin, I love you mahal."
"I love you too, mag iingat ka."Hinalikan pa ulit ni Pablo si Stell, bago tuluyang lumabas sa unit nito.