PABLO'S POV After namin kumain, pinag pahinga lang kami saglit. Bago kami tuluyang lumabas inorient muna kami ng mga producers.
"Meron po kayong gagamiting sariling sasakyan na may camera sa loob, hindi po namin kayo bibigyan ng itinerary, bali kayo mismo ang bahala kung paano kayo mag eexplore. Sa loob ng van meron ng build in studio kung saan, sa daan mismo kayo susulat at mag proproduce ng kanta. Pero since safety niyo po ang importante, mas maganda pong mag park muna kayo sa place na may magandang background, para mas maka focus kayo.
May tig isa po kayong camera na hawak, kaya make sure na laging na ka On, para makita ng fans ang point of view niyo sa bawat byahe, pero don't worry naka sunod padin ang mga camera man namin sa inyo just in case na mag kaproblema.
Sir Pablo and Ms. Glee, aware po kaming in a relationship kayo, pero as much as possible hindi po pwedeng kayong dalawa lang ang magkasama sa isang frame, dahil this is a team work po."
"Walang problema." Sagot ko.
"So tara na po, ipapakikita na namin ang van na gagamitin niyong tatlo."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
STELL'S POV Napa wow ako sa Van na gagamitin nilang tatlo, may build in na studio na ito sa loob. Napangiti nga ako sa reaksyon ni Pablo, halatang na excite ito.
After nilang kausapin ng producers nag simula na silang mag shooting, nag salita muna ang tatlo sa opening ng show at tinour ang mga viewers sa loob ng van. (Pre record ito at hindi live)
Nag bunutan na si Pablo at Felip kung sino ang mag lelead sa byahe at siya ding magiging driver. Si Felip ang naka bunot kaya naupo na ito sa driver's seat at ang dalawa naman ay sa passenger.
Sumakay nadin kami sa van, kung saan kasama ko ang make up artists at PA ng dalawa. May nakasunod din sa kanilang drone at mga camera man na nasa ibang sasakyan.
Hindi namin alam kung saan kami papunta, sinusundan lang namin ang Van nila Pablo, wala kasing flow ang tour na ito, sila mismo ang pipili ng lugar kung saan nila gustong pumunta.
Huminto sila sa isang ancestral house na merong signage, mukang restaurant ito. Pumasok ang tatlo para kumain. Nakakatuwa lang pagmasdan ang tatlo sa malayo, dahil aakalain mo talagang close sila, nag tatawanan ang mga ito habang isa isang tinitignan ang mga lumang gamit sa loob ng restaurant.
Pagkatapos nilang kumain at mag libot sa loob, nag break muna para ayusan ang mga artist. Chineck ko din kung basa ang likod ni Pablo, medyo mainit kasi dito. dada moves pa sana ang boyfriend ko pero umilag ako, bahala ka jan, naka PA mode ako ngayon.
After nila ayusan pinaandar na ulit ni Felip ang sasakyan at nag libot pa sila, bago huminto sa tabing dagat. Pinark nila ang sasakyan duon, at lumabas, sumalampak ang tatlo sa buhangin na may hawak na gitara at personal notebook ng show. Nag stand by ang mga camera man, para kumuha ng magagandang shot habang nag simula ng gumawa ng kanta ang tatlo.