PART 151 🎭

337 14 4
                                        

STELL'S POV
Ilang araw ko nang nararamdaman na may mali sa katawan ko, pero hindi ko pa rin maipasok sa schedule ang pagpunta sa doktor para magpa-check-up. Masyadong hectic kasi ang schedule ni Pablo, kaya halos wala na akong oras para sa sarili ko. Gusto ko sanang uminom ng mas malakas na gamot, pero hindi naman basta-basta pwedeng bumili ng painkillers sa botika. Kaya naka demepende nalang ako sa Paracetamol. Kahit papaano, nababawasan naman ang sakit.

"Stell, pakiakyat nga sa 2nd floor at i-confirm kung dumating na yung mga damit ni Pablo." utos sa akin ni Kuya Yani. Tumango ako at naglakad papunta sa elevator.

Habang nasa elevator, bigla kong naramdaman ulit ang matinding kirot sa tiyan ko, parang may maliliit na karayom na tumutusok. Naiiyak na ako sa sakit kaya napakapit ako sa dingding ng elevator. Ilang araw ko na talaga itong nararamdaman, hindi lang ang pananakit ng tiyan kundi pati na rin ang pagkahilo, pagsusuka, at pakiramdam na palaging pagod kahit wala naman akong ginagawa. Gustuhin ko mang sabihin kay Pablo na may nararamdaman akong hindi maganda, pero paano ko ba isisingit iyon? Eh-Bukas na ang simula ng mall tour niya para sa bagong album. Ayokong guluhin 'yung momentum niya, lalo na't matagal niyang hinintay ito para iparinig sa fans ang mga bagong kanta.

Matapos kong i-confirm na kumpleto ang mga damit, agad akong bumalik kay Kuya Yani at ini-report ang lahat. Tumango lang siya at nag-thumbs up. Habang hindi pa kami busy, pumasok muna ako sa kwarto ni Pablo at naupo sa sofa, pilit nilalabanan ang sakit.

Nagulat ako nang biglang pumasok si Pablo, halatang pagod dahil kulang na kulang ang tulog niya. Nang makita niya ako, biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Halatang nag-aalala siya.

"Mahal, anong problema? Masakit ba ang pakiramdam mo?" tanong niya, halata ang pag-aalala sa boses.

"Wala naman, napagod lang siguro ako. Napatakbo kasi ako kanina." pagsisinungaling ko at pilit na ngumiti para hindi siya mag-alala.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, nilalaro ang mga daliri ko.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Tapos na po." sagot ko, kahit hindi totoo. Wala talaga akong ganang kumain. Kahit pinipilit kong kumain kapag kasama ko siya, madalas akong palihim na napapatakbo sa banyo para isuka ang kinain ko. Sinisigurado kong hindi niya nahahalata, ayoko kasing mag alala siya, kaya sinasabay ko na sa pagligo ko.

Ilang oras pa kaming nagtagal sa WP building. Nang makauwi kami, pinilit kong kumain kahit kaunti sa harap ni Pablo bago ako nagpaalam na mauuna na akong mag-shower. Umikot na naman kasi ang tiyan ko at pakiramdam ko ay masusuka ako. Pagkalabas ko ng banyo, sumunod na rin si Pablo. Maaga ang call time namin bukas, kaya kailangan naming matulog nang maaga. Habang nasa banyo siya, uminom ako ng Paracetamol bago humiga sa kama. Pinilit kong ipikit ang mata ko para hindi ko maramdaman ang sakit ng tiyan ko.

Kinabukasan, maaga kaming nagising at nag-ready. Tutuloy kami sa isang hotel na malapit sa mall dahil doon siya aayusan bago mag-perform. Abala ako sa pag-aasikaso sa mga make-up artist at stylist, pero napapahinto ako kapag masyadong mabilis ang galaw ko. Parang umiikot kasi ang paningin ko.

Habang nasa kalagitnaan ng performance si Pablo, bigla akong nakaramdam ng sobrang hilo at panlalamig. Nagdidilim na rin ang paningin ko. At at...

"Stell!"

PABLO'S POV
Kakatapos ko lang kumanta sa stage. Bago mag-album signing, pumunta muna ako sa backstage para magpalit ng damit at mag-retouch para hindi naman ako amoy pawis sa harap ng mga fans. Paglabas ko, nagulat ako nang makita kong buhat-buhat ng isang security si Stell, at mukhang nagkakagulo ang lahat sa backstage. Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang nangyari.

Agad kong nilapitan si Kuya Yani para tanungin.

"Kuya Yani, anong nangyari kay Stell?"

Hindi agad nakapagsalita si Kuya Yani, parang nag-aalangan siya sa sasabihin. Hindi ko na napigilan ang galit ko. Kaya napamura nalang ako. Tangina naman kasi, parang gago!

"Bigla na lang siyang nahimatay. Pero huwag kang mag-alala, dinala na siya sa ospital." sagot niya.

"Anong ospital?!" tanong ko, ramdam ang kaba sa boses ko.

"Pablo, may fan signing ka pa. Kailangan mong tapusin ito." pagpigil ni Kuya Yani.

"Tangina naman! Sabihin mo sa akin kung anong ospital!" sigaw ko.

"PABLO, ANO BA! Isipin mo naman ang mga fans mo na kanina pa naghihintay." sabi niya, halatang nag-aalala rin.

"Kuya Yani naman, please. Sabihin mo na sa akin kung nasaan si Stell." pakiusap ko.

"Hindi ko alam. Sinabi ko lang sa kanila na dalhin siya sa pinakamalapit na ospital. Kasama niya si Xii kaya huwag ka munang mag-alala." sagot niya.

Mura ang namutawi sa bibig ko. Tangina! Gusto ko na talagang umalis para sundan si Stell.

"P-Pablo..." hingal na sabi ni Xii, kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano?!" galit na sagot ko.

"Sabi ni Kuya Stell, huwag ka daw mag-alala. Ituloy mo daw ang show. Magtatampo daw siya kung susundan mo agad siya." sabi ni Xii.

Shit! Tangina talaga! Kahit wala akong gana, pilit kong hinarap ang mga fans para matapos agad ang album signing at makasunod sa ospital.

Nang matapos na ang album signing, agad akong bumalik sa backstage. Nilapitan ako ni Kuya Yani at binigyan ako ng black hoodie, cap, at face mask. Naglakad kami papunta sa parking lot para sabay kaming pumunta sa ospital.

Pagdating namin sa ospital, sinabi ni Kuya Yani ang room number ni Stell pero hindi na siya sumama sa akin para hindi magdulot ng eksena.

Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si Stell na nakahiga sa kama, may IV line sa kaliwang kamay, at natutulog. Kinuha ko agad ang phone ko at minessage ang doktor na tumingin sa kanya. Buti na lang at ang private doctor ko ang kinontact ni Kuya Yani kaya mabilis itong nag-reply at pinapunta ako sa consultation office para pag-usapan ang lagay ni Stell.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon