"Hi kuya Pablo, nandito ka pala." Glee smiled, hindi naman ito pinansin ni Pablo.
"Kuya Stell, galit ba sakin si Kuya Pablo?" Umiling ako.
"Hayaan mo na, pagod lang yan, puyat kasi kagabi."
"Puyat because?" She smiled mischievously.
"Ikaw bata ka ang baby baby mo pa kung ano ano na yang iniisip mo." Natatawa kong sabi, sabay kurot sa pisngi nito, natawa naman si Glee.
"Hindi naman na ako bata kuya Stell, nasa right age nadin ako." Malambing na kumawit sa braso ko.
"Why do you want to know Glee? Para isumbong mo sa dad mo?" Matigas na pag singit ni Pablo, nagulat naman ako, alam kong inis siya kay Glee pero lately never na siyang sumingit sa mga usapan naming dalawa, ngayon nalang ulit. Is he mad? Pero bakit? Diba mas better na maging ka close ko si Glee, para nadin sa ikabubuti ng sitwasyon naming tatlo diba tama naman ako?
"Kuya Pablo that's not true, alam mo namang kakampi mo ako dito diba?"
"Kung kakampi kita, alam mo dapat lumugar. This is my dressing room, lugar kung saan dapat ako magpahinga pahinga, pero lagi kang sulpot ng sulpot, kahit alam mo sa sarili mo na ayaw kita makita."
"Pablo!" Pasigaw na sabi ni Stell.
"No it's okay kuya Stell, kuya Pablo is right.. I'm sorry po, una na ako."
"Pero Glee.."
"Hehe, don't worry about me. Sanay na ako kay Kuya Pablo." Smiled bitterly.
Nang maka alis na si Glee, lumapit si Stell kay Pablo, napabuntong hininga bago maupo sa tabi nito.
"Bakit naman ganun blue?" Malumanay na sabi.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PABLO'S POV
"Here we go again, blue blue blue.." Inis na bulong sa sarili.
"Wala.." Kumunot ang noo.
"Anong wala?? Ano bang kinakagalit mo sa bata?"
"Hindi na bata si Glee, hindi na siya bata para tawaging baby."
Napangiti naman si Stell ng palihim.
"Selos ka ba?"
"Nope, bakit naman sana?" Kumunot ulit ang noo nito, at nausog ng onti papalayo kay Stell.
"Hindi daw nag seselos pero yung actions super obvious." Pabulong na sabi ni Stell, pero hindi naman siya super mahina kaya rinig ito ni Pablo.
"Sino kaya di mag seselos, hawak hawak pa." Pabulong na sabi, pero ano nilakasan din naman para marinig ni Stell.
"Ay sus, seloso naman ang idol ng lahat." Dumikit Kay Pablo "Kahit anong gawin ni Glee sakin, hindi ko papatulan iyon no, hindi lang dahil bata siya sa paningin ko, kundi alam mo naman na ayaw ko sa pechay." Natatawang sabi, hindi ko nadin tuloy mapigilang matawa.