Third Person's POV
Hawak ngayon ni Sakuragi ang bola, naka gym clothes na siya, Gray Hoody, Black Jogger pants at Jordan 4 na sapatos. Kasalukuyan niyang ginagawa magisa ang mga basic drills, like footwork, left and right dribbling, jumping exercises habang hinihintay pa niya ang iba pa niyang mga kasama. Nasa bench si Aoi na kakatapos lang din magshooting exercise sa kabilang basket.
Aoi: Sakuragi-san, hindi pa kita nakitang maglay up or magjump shot manlang, puro lang drills ang ginagawa mo. Pasikat ka naman sakin kahit isa lang.
Sakuragi: Hm. Anong gusto mong makita?
Aoi: Slam dunk o kaya jumpshot or yung pinakamalupit mong lay up haha.
Sakuragi: Ok.
Nagjump shot nga si Sakuragi sa may three point area at pumasok ito. Pangalawa ay Ihinagis niya ang bola ng napakataas, pagtalbog nito sa sahig ay agad naman siyang tumakbo at tumalon. Pagkasalo niya sa taas ay inikot niya ang kanyang katawan habang iniikot din ang bola at idinunk ito. Ang tricks na yan isa sa mga naemulate niya sa mga napanood niyang NBA clips nung nasa rehab pa siya. After that bumwelo siya ng malayo at nagtake off nga siya ng lagpas lang ng kaunti sa free throw line at inilay up niya ang bola.
Sakuragi: How's that for a show?
Sabi niya habang nakatingin kay Aoi. Napansin ni Sakuragi na nakatulala si Aoi ay may kaunting pamumula sa kanyang pisngi.
Sakuragi: Aoi-san?
Aoi: A-ah. Hahahaa.. ang galing!! Sa NBA ko lang nakikita ang dunk na yun. Hahaha
Ngumiti lang si Sakuragi at ipinagpatuloy nalang niya ang kanyang ginagawang drills.
Unti-unti ng nagsidatingan ang kanyang mga kasama. At dahil winter palang, pwede pading sumali sila Akagi sa laro, kaya hindi muna sila nagopen ng rexruitment or tryouts.
Miyagi: Hanamichi!! Hahahaha. Nakabalik ka na!! Anong nangyari? Last month ka pa sana nakabalik ah.
Sakuragi: Ah, oo, inalok kasi ako ng isang coach sa National team na magtraining ng isang buwan. Ang coach na yun ay siya ring naging doctor ko sa center doon sa Saitama.
Mitsui: Kung ganon ay mas magaling ka na kesa dati?
Sakuragi: Hm. Hindi naman sa ganun. Hindi ko pa naman nakikita ang resulta ng pagsasanay ko sa tunay na laro kaya kayo nalang ang humusga.
Akagi: Buti nakabalik ka na, Sakuragi, dahil mahirap na laban ang kakaharapin natin ngayon dahil kasama lahat ng high school team sa buong Japan ang maaari nating makalaban.
Sakuragi: Ganun ba, Gori. Sana makatulong ako. Hahahaha
Miyagi: Mukhang nagbago nadin ang pananaw mo sa buhay ah. Anyare sayo?
Sakuragi: Tulad ng sinabi ko kanina kay Rukawa nang makausap ko sila ni Haruko sa rooftop, lahat ng tao ay madaraanan din ang pagbabago, ako kasi kinailangan kong gawin yun para nadin sakin at sainyong mga teammates ko.
Nagulat na nga ang lahat at talagang nagbago na siya, hindi na siya katulad ng dati na puro Kahenyohan lang ang alam niyang sabihin. At bigla nga ulit nagsalita si Sakuragi.
Sakuragi: Ah. Oo nga pala, Si Aoi, transferred student from Fujinoya High sa Saitama.
Aoi: Hello po sainyo.
At bumati din sila, lalo na si Mitsui, may pahawak hawak pa sa kamay ni Aoi. Bahagyang nairita si Sakuragi dun pero hindi nalang niya pinahalata.
Akagi: Sakuragi, kung hindi mo pa alam, si Riyota ang bago niyong captain. At si Mitsui naman ang bago niyong vice captain dahil ito na ang huling beses na makakalaro kami ngayong taon ni Kogure.
BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
FanfictionSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.
