Trauma.

113 6 0
                                    

Sakuragi's POV

Alam niyo naman kung ano ang nakaraan ko diba? Namatay si Daddy ng wala manlang akong nagawa. Sinubukan ko siyang isugod sa ospital, sinubukan kong manghiram ng sasakyan pero tinambangan ako ng mga nakabangga ko. At yun. Hindi na nakaabot sa ospital si daddy. Namatay siya while I'm so helpless. FUCKING HELPLESS!!

Kaya nung nakita kong nagkaganun si Tatang, ang kinikilala kong tatay? Si Coach Anzai? Ginawa ko talaga ang lahat para maisugod ko siya sa ospital. Isinakay ko siya sa bisikleta ko noon. Nagagaw buhay siya nung mga panahon na yun. Mabuti nalang at naging maayos ang kanyang kalagayan.

At ngayon nanaman. Inatake nanaman siya sa puso, naagapan ko naman agad. Nakatawag kaagad ako ng nurse. At nailigtas naman agad nila si Tatang.

Pero kasi bumabalik nanaman ang alaala ng mga nakaraan eh. Kaya hindi ko mapigilang mapaluha. Andto ako ngayon sa parking lot, umiiyak habang nakadukdok sa manibela ng scooter ni Kuya Kiyoske. Sobrang sakit padin. Hindi ko naman kasi ginusto na mawala ang daddy ko e. Sana nakinig nalang ako sakanya noon, edi sana masaya padin hanggang ngayon. Buhay pa sana siya. And baka nga nanonood ng mga games namin kahit saan.

Third Person's POV

Maya maya pa ay hinahanap na ni Aoi si Sakuragi, dahil nagaalala na silang lahat dito. Bigla bigla nalang kasi siyang nawawala.

Napansin niyang nasa parking lot ito. Sisigawan sana niya dahil kung saan saan pumupunta ng makita niyang nanginginig ang balikat ng boyfriend niya.

Kaya nang makita niya si Sakuragi ay dali dali siyang lumapit at niyakap si Sakuragi mula sa likod. Mas lalo namang napahagulgol si Sakuragi.

Aoi: Dalawin natin si Tito sa paguwi natin sa Kanagawa?

Sakuragi: S-sige. Panahon na siguro para makasama ko ulit siya. Namimiss ko na ang daddy ko.

Nang marinig ni Aoi yun ay hindi na din niya napigilang mapaluha. Hindi siya sanay na malungkot si Sakuragi, kaya ganyang ganyan nalang ang panghihina niya pag nakikita niyang ganito ang kalagayan niya.

Sakuragi: Tara na sa loob, alam ko hinahanap na nila ako.

Aoi: O-oo. Sige tara na.

Kaya naglakad na sila papunta sa room ni coach habang nakayakap sakanya si Aoi. Walang imikan, lalong walang asaran.

Gusto lang ni Sakuragi ang presensya ni Aoi sa tabi niya, gusto niya ng may yumayakap sakanya ngayon.

Pagpasok nila ay napansin nilang namamaga ang mata ni Sakuragi, kaya hindi nalang nila pinagsabihan ito. Dahil marahil ay nagkaron nanaman ito ng flashbacks kagaya ng unang pagsagip nito kay coach Anzai.

Coach Anzai: Hanamichi-kun, patawarin mo na ang sarili mo anak. Dahil kung nagalit man sayo ang tatay mo ay malamang, napatawad ka na niya. Ama din naman ako kaya alam kong hinding hindi nagtatagal ang galit ng ama sa anak kahit anong mangyari.

At dun nga ay napayuko nanaman si Sakuragi at napaiyak. Nakiusap si Coach Anzai na iwan muna silang tatlo sa loob ng room. Gusto niyang iheart to heart talk si Sakuragi at alalayan ni Aoi habang inoopen ni Coach Anzai ang malalim na sugat ni Sakuragi.

Coach Anzai: Hanamichi-kun. Isipin mong ako ang tatay mo. Yung tunay mong ama. Sabihin mo sakin ang mga gusto mong sabihin sakanya. Baka sakaling lumuwag na ang dibdib mo.

Tahimik lang si Sakuragi sa pagiyak. Hindi niya magawang magsalita. Kaya hinaplos ni Aoi ang dibdib niya para kumalma.

Sakuragi: Dad, si Aoi po. Girlfriend ko. Ganda niya diba? Hehehe

Kahit may tawa sa pagsabi niya ay mababakas padin ang lungkot sa boses nito. Napangiti nalang si Coach Anzai ng malungkot at naghintay ng sasabihin ni Sakuragi.

Napaluha nanaman siya. Sa pagkakataong ito ay mas lumakas ang daloy. Hindi mo yun makikita kay Sakuragi. Ang normal na Sakuragi. Ito ang kauna unahang nakita ni Aoi si Sakuragi na sobrang hina. Kaya napaluha na din siya.

Sakuragi: Gusto ko po sanang humingi sayo ng tawad. S-sana sinunod ko nalang lahat ng pagpapayo niyo sakin at hinayaan ko nalang sana kayong gabayan ako sa tamang daan. Nang sa ganun ay nakikita niyo po akong masaya. At sumusuporta sa paglalaro ko. Sana ay pinagagalitan niyo ulit ako sa kapalpakan ko. Kung nabubuhay kayo, dalawa sana kayo ni Gori ang nanguumbag sakin sa lahat ng kalokohan ko. Namimiss ko na po kayo, Dad! Namimiss ko na po ang bonding natin! Gustong gusto ko na po kayo ulit makita!

At napahagulgol na si Sakuragi ng todo. Dito nga ay nakikinig sa labas ang buong team at lahat sila ay lumuluha pwera kay Akagi at Rukawa na nagpipigil

Mitsui: Tangina, Hanamichi, bakit hindi ka nagsasabi. Ganyan pala kabigat ang dinadala mo. Damang dama ko ang lahat.

Miyagi: Insensitive ba tayo? Kasi hindi naman pala natin napapansin na ganyan kabigat ang dinadala niya.

Ayako: Riyota-kun.

Pangalan nalang ni Riyota ang nabigkas ni Ayako dahil maski siya ay ramdam na ramdam ang lungkot at weakness kay Sakuragi sa ganitong panahon.

Maya maya ay nakaramdam sila ng presensya na pinapanood sila ng kung sino at mistulang may sinasabi sakanila.

"Maraming salamat sa pagaalalaga at pagtutuwid ng landas sa anak ko."

Napangiti silang lahat ng marinig nila yun sakanilang isipan. Maski si Coach Anzai sa loob ay narinig yun.

Coach Anzai: Anak. Kung nabubuhay ang tatay mo ay malamang, siya din ang magcocoach sainyo sa susunod niyong laban.

Napatingin naman sakanya si Sakuragi. Bakit tila alam ni Coach Anzai ang tungkol sa hilig ng kanyang ama.

Coach Anzai: Sakuragi Hajime, ang pinakamasunurin kong player noong sa college ako nagcocoach. Hindi naman siya ganyan kaathletic sayo. At hindi din siya ganun katangkad. Siya ang paborito ko sa lahat dahil kahit gaano ako kasungit noon ay siya lang ang nakakapagbiro saakin ng ganyan sa pagbibiro mo. Kaparehas mo, ulila din siya at naghahanap ng kalinga ng mga magulang.

Nagulat si Sakuragi sa nalaman niyang iyon. At dagliang napatahan.

Sakuragi: Kwento niyo pa po. Bakit hindi niyo po sinabi sakin noon?

Coach Anzai: Dahil hindi ko naman alam noon kung ano ang mararamdaman mo pag inopen ko ang sugat ng nakaraan. Natatakot ako na baka ako pa ang magpabago sa masayahing Hanamichi Sakuragi.

Kaya tumango si Sakuragi.

Sakuragi: Kwento niyo po, tang.

Coach: Bweno. Si Hajime ay ang shooting guard ko off the bench. Palaging quality minutes ang binibigay niya sakin. Nakaka 20 points mahigit siya off the bench, hindi siya kasing shooter ni Mitsui, at hindi siya ganyan kalakas sayo. Pero ang IQ niya ay masasabi kong mas mataas pa sa IQ ni Maki, Fujima, Moroboshi at Miyagi-kun kahit ipagcombine. Siya ang gumagawa ng sarili niyang puntos. At si Hajime ang naging dahilan kung bakit ako naging mabait sa mga nagiging members ko. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, huminto si Hajime sa pagaaral. Nalaman ko nalang na may Hanamichi na na inaalagaan si Hajime. Kung saan ay malungkot itong nakaharap sa kabaong ng isang magandang babae. Ang magandang babaeng nasa kabaong na yun ay si Matsukoshi Chitoge. Star player ng volleyball team ng college na pinagcocoachan ko. Inalok ko naman siya ng tulong. Kukupkupin ko sana kayong magama pero labis na pagtanggi ang ginawa niya sa alok ko. Then yun na ang huling beses naming pagkikita. Nabalitaan kong sa Kanagawa na nga siya tumira kasama ka. Kaya nang malaman ko yun ay nagapply ako as a coach ng Shohoku. Dalawang taon bago ka magenroll sa school.

Sakuragi: So ikaw po ang kinekwento ni Daddy? Na sobrang sungit na coach?

Coach Anzai: Ho Ho Ho. Malamang sa malamang.

Ilang minuto pa ang lumipas at pinapasok na ni coach ang mga bata at ang dalawang manager naman ay yumakap kay Sakuragi habang umiiyak.

Sila Akagi naman ay tinapik siya sa balikat para iparamdam ang kanilang pagsusuporta.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon