Dito sa larong ito ay nangyari ang pinakagrabeng pamamahiya ni Sakuragi sa isang player. At ang player na ito ay si Koichirou Nango 192cms, Center ang position. Unang quarter palang ay inaasar na niya si Sakuragi, pero si Sakuragi ay wala namang pakialam sakanya, pahikab hikab lang ang bida habang katabi si Haruko, doon naman ay nagbablush si Haruko sakanya dahil ilang beses siyang inakbayan ni Sakuragi, third quarter ng mapundi si Sakuragi sa pantatrash talk nito nang alisin na ni Sakuragi ang Jacket at pants niya at papasok sa laro.
Coach: Sakuragi-kun, saan ka pupunta?
Sakuragi: Ah, papasok po sa laro, may tuturuan lang ako ng leksyon. Isang quarter lang Tatang. Isang quarter lang din itatagal ng kumag na yan sa laro.
Ayako: Hay naku! Sakuragi-kun. Lahat nanaman kami ay pagaalalahanin mo.
Sakuragi: Sub po. Shohoku no. 9, Takenori Akagi.
Nang magdead ball ay lumabas na si Akagi, pero hindi siya lumabas ng hindi inuumbagan si Sakuragi.
Akagi: Kahit kelan! Ang kuliiiiit kuleeet ng lalaking yan! Napakataas ng ego!
Haruko: Hayaan mo na kuya, para makapagpahinga ka na din.
Sakuragi: Hng! Isang quarter lang tapos ikaw na ulit.
Dito nga ay bola ng Shohoku, kinabahan naman ang team ng Tsukubu dahil isang malaking player ang ipinasok nila na kaheight ng sentro pero mahusay magdala ng bola. Mabilis nakapasok si Sakuragi sa ilalim at idinakdak ang bola sa harap ni Nango at tumalsik ito.
Ref.: Blocking foul. Green number 15! Basket counts! 1 throw!
Sakuragi: Keep my name out of your mouth! You're not worthy.
Mitsui: Yeah! Tell him! Durugin mo yan.
Nango: napakayabang! Nakatyamba ka lang naman! Di mo na mauulit yun! Kasi magaling ako.
Pasok ang free throw ni Sakuragi.
Sa kabila naman ay humingi si Nango ng bola sa gitna at nakabantay si Sakuragi. Tinibag niya ang depensa ni Sakuragi at naglay up. Akala niya libre na siya ng biglang sinupalpal ni Sakuragi ang bola papunta sa mukha niya. Dumugo naman ang ilong ni Nango dahil dun. Tinignan niya ng masama si Sakuragi, pero humihikab padin ito.
Sakuragi: Yun na yun? Nakakawalang gana. Gori, gusto mo na ulit? Wala naman pala tong kwenta pinagbibigyan mo pa.
Haruko: Hng! Papasok pasok ka jan tas lalabas ka agad! Ang bad bad mo, Sakuragi-kun.
Sakuragi: Hahahaha. Sige sige. Ako nalang dito.
Aoi: Reeeed!! Turuan mo ng leksyon yang orangutan na yan!
Mas lalo namang nainis si Nango. At nanggagalaiti at gustong makabawi.
Sa kabila ay humingi naman ng poste si Sakuragi sa gitna. Dito ay tinibag din niya ang depensa ni Nango at idinakdak nanaman ang bola, sinubukan siyang iblock ni Nango ngunit wrist lang ang naabot niya dito at pinatumba pa ulit siya dahil sa lakas ng kanang braso ni Sakuragi.
Ref.: Blocking foul! Green #15. Basket counts! 1 throw.
Sakuragi: Mitsui, like what they always say. Empty cans are noisy when it is being thrown around.
Natawa naman si Mitsui dun pati na si Miyagi.
Dito nga ay nakakatadalawang foul na agad si Nango wala pang isang minutong nakakalipas. Sobrang laki na ng lamang sakanila. 90-51.
Sinadya ni Sakuragi na isablay ang bola, pagkatama ng bola sa basket ay siya din namang habol niya dito. Ayun idadakdak niya sana kaso kakapusin siya kaya ibinaba niya muna at nagfake. Sumabay naman sa fake si Nango kaya kinatawan siya ni Sakuragi sa baba sabay tira. At pumito nanaman ang referee.
BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
FanfictionSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.