Shohoku Vs. Ryonan 1

302 10 0
                                        

Kinabukasan ay naghahanda na si Sakuragi at ang team sa magaganap na laban sa pagitan nila at ng Ryonan. At dito nga'y papunta na sila sa Gymnasium, pinasabay na din ni Hanamichi si Aoi sakanila, inalok pa ni Ayako ng Manager's pass si Aoi pero tumanggi ito ng makita niyang malungkot si Haruko.

Haruko: Dapat tinanggap mo na. Kesa dun ka pa sa taas.

Aoi: Ayos lang, para kasama ko din yung mga kasama kong pumunta dito. O. Ayan na pala sila oh. See ya.

Haruko: Sige.

Hanamichi: Hm.. punta ka na?

Aoi: Oo. Andun na kasi sila oh, bye Red. Galingan mo.

Hanamichi: Gagalingan ng Henyo para kay Aijoo. Nyahahahaha.

Aoi: Focus. I love you

Hanamichi: Of course! You too. I love you.

Matapos halikan ni Sakuragi sa pisngi si Aoi ay umalis na siya at pumunta sa kung nasaan sila Yohei.

Miyagi: Ok, team! Let's roll!

Lahat sila: Oo.

Hindi naunang nagwawarm si Sakuragi, sa locker palang ay nagstretching na siya, at ayan nanaman ang pagbabago ng kanyang mood na kung saan ay wala siyang gustong kausapin. Dahil nasa locker palang ay ang ball control exercise drill lang ang kanyang ginagawa. Nauna din siyang lumabas para magshootaround. At paglabas naman ng mga kasama niya nagddribbling drills naman siya.

Miyagi: Kausapin ko kaya. Hindi siya gaanong nakikisama sa team warm up e. Nauuna siya palagi.

Rukawa: Kung ako sayo, huwag. Hindi ka lang papansinin niyan. Napansin ko last game na talagang nakatunnel vision lang siya. Panalo lang ang nakikita niya.

Mitsui: Malaki talaga ang pinagbago niya. Hindi mo iisipin na ang dating siya at napakamalaro at gunggong. Iba talaga ang nagagawa ng maturity ng isang tao.

Kogure: Oo. Pero siya padin si Hanamichi pag walang laro, masiyahin. Isang paminsan minsang Henyo.

Narinig naman ni Sakuragi ang usapan nila kaya mas minabuti nalang niyang makipila sa team. Ang hindi nila alam ay nakakaramdam siya ng kakaunting kaba. Dahil ngayong araw na to ang inaasahan niyang isa sa pinakamahirap nilang laban. Lumakas si Sendo. At lumakas si Fukuda. Ang tanging lamang lang nila ay ang rebounding niya at ang Shooting ni Mitsui.

"Sana si Sendo ang ibigay ni Tatang na assignment ko. Kawawa lang si Rukawa pag silang dalawa ang maghaharap. Pero kung ako naman ang kukuha kay Sendo, kawawa naman si Rukawa kay Fukuda sa ilalim"

Pinabalik na ulit ang dalawang team sa locker room para makapaghanda. Pero bago yun ay tinawag muna ni Fukuda at Sendo si Sakuragi.

Fukuda: Unggoy, ngayon tayo magkakaalamang dalawa.

Sendo: Ipakita mo sakin na talagang nagimprove ka na, Sakuragi.

Sakuragi: Fukuda, Sendo. Galingan nalang natin pareparehas mamaya. Shohoku vs. Ryonan? Hm. Gawin ulit nating classic.

Kaya nakipaghigh five at kamayan sakanya sila Fukuda at Sendo.

Pagpasok niya sa locker room ay naupo siya para makapagready nadin. Nagmeditate na din siya para maialis ang kaba na kanyang nararamdaman. At napansin ito ni Haruko. At lumapit nga siya dito.

Haruko: Kaya mo yan.

Sakuragi: Thanks.

Rukawa: Gunggong tara.

Hindi naman na sumagot si Sakuragi at tumayo nalang.

Sa bench.

Coach: Rukawa, ikaw ang bahala sa pagdedepensa kay Sendo, asahan mong mas mahirap siyang bantayan kesa kay Minami. Sakuragi, dating gawi, wala kang babantayan kundi ang kung sinong pumasok sa ilalim, basta ipakita mo lang sa kabila na kinukuha mo si Fukuda para kampante silang hindi mo mahahabol ang bawat drive nila sa ilalim.

After RehabilitationMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon