Ang Huling Byahe ni Ryochin 2 - "Magwawala muna ko"

150 8 1
                                        

Matapos makatres ni Miyagi ay nakipagsagutan naman sa puntos ang Aiwa, kung saan ay nakakuha naman sila ng mumunting kalamangan bago matapos ang unang yugto. Natapos ang 1st quarter ng lamang ang Aiwa ng anim. 47-41.

Sa binigay na pahinga sa bawat kuponan ay mapapansin na hinihingal na si Miyagi, sinusubukan niyang wag ipahalata pero hindi niya mapigilan ang paghingal.

Sakuragi: Ayos ka pa ba? Gusto mo ng ilang minutong pahinga?

Miyagi: Ok pa ko, Hanamichi. Tulungan mo nalang ako sa pagbaba ng bola. Sasabihin ko nalang sayo ang mga gagawin.

At dito ay pinakita ni Miyagi sakanya ang mga handsigns na gagamitin niya para sa mga plays.

Habang naguusap ang buong team ay patuloy padin sa pagaalala si Ayako kay Miyagi, dahil napapansin niyang naghahabol na ito ng hininga.

Makalipas pa ang tatlong minuto ay bumalik na sila sa court. Sa pagkakataong ito, ang possession ay para sa Aiwa. At si Moroboshi ang nagseset, at si Rukawa na ang kumukuha sakanya.

Moroboshi: Hmm. Astig talaga ang point guard niyo, siya ang nagdadala sa team niyo ngayon kahit na pagod na siya. Hmm. Last time na nakaharap ko kayo ay halos wala siyang kapaguran. Bakit ngayon ay naghahabol na siya ng hininga.

Rukawa: Daldal. Umatake ka nalang.

Sinubukan ni Moroboshi na makalusot pero palagi siyang nachecheck ni Rukawa, kaya gumawa nalang siya isang mabilis na alley Oop sa ilalim para may Kano, yun nga lang ay kitang kita iyon ni Akagi, kaya natapik niya ang bola pataas, at siya namang talon ni Sakuragi para makumpleto ang steal. Pagkayakap niya ng bola ay agad siyang tumingin kay Miyagi.

Miyagi: Hanamichi, ibaba mo na.

Kaya si Sakuragi na ang nagset at sinulyapan si Miyagi para sa play, kaya binigay sakanya ni Miyagi ang dapat na handsign. So binigyan siya ng team niya ng Iso, ang katapat niya ngayon ay si Moroboshi.

Moroboshi: Sigurado ka ba dyan? Pulang buhok? Makalusot ka kaya sa-

Hindi na natapos ni Moroboshi ang sasabihin niya ng biglang itinira ni Sakuragi ang bola ng harap harapan. Sa gulat niya ay hindi na siya nakapagreact kaya tumingin nalang siya sa basket. At ayun, pasok ang tira. 47-44 lamang padin ang Aiwa ng tatlo. 10:57 remaining.

At si Moroboshi na ulit ang nagbaba ng bola, from full court to half court ay si Rukawa ang kumukuha sakanya, pagpasok ng half court ay siya namang pagbigay ng screen sakanya ng center nila, dahilan para makalusot si Moroboshi kay Rukawa, ngunit dito nga ay isang sundot naman ang ginawa ni Miyagi sa baba ni Moroboshi, dahilan para maagaw nila ang bola, idineretso ni Miyagi ang fast break kasunod si Rukawa at Mitsui, humahabol naman ang center ng Aiwa at Moroboshi, pero mas binilisan padin ni Miyagi ang takbo at tuluyan siyang nalibre para sa easy lay up. Ngunit pagbagsak niya nakaramdam siya ng sakit sa kaliwang tuhod niya. Kaya lumuhod muna siya at hinigpitan pa ang pagkakabenda niya.

Pagbalik naman sa depensa ay si Miyagi na ulit ang kumukuha kay Moroboshi, bakas parin sa muka niya ang pagod, pero hindi nakaramdam ng kahit konting awa si Moroboshi at sinubukan niya itong lusutan gamit ang matutulis na cross over, dito nga ay sobrang lalim ng concentration ni Miyagi, kaya nang akmang aabante na si Moroboshi ay sinabayan niya ito ng isang mabilis na tapik sa bola papunta sa gawi ni Rukawa. Na agad naman niyang minadali sa pagbaba, pero nahabol siya ng small forward ng kalaban kaya napatigil siya ng bahagya, nang bigla niyang ibato sa taas ang bola, at yun.

Moroboshi: Pano kang nandyan agad! May pulang buhok!

Inireverse dunk ni Sakuragi ang alley oop sakanya ni Rukawa at itinuro naman siya nito.

At dito nga ay nagsigawan lahat ng tao, lalo na si Aoi. Dahil sa sobrang ganda ng ipinakitang galing ni Sakuragi sa pagdudunk. Ang score ay 47-46. 10:31 remaining, isa nalang ang kalamangan ng Aiwa.

After RehabilitationMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon