Ok lang ba?

90 7 0
                                    

Pagkagising ni Miyagi kinahapunan ay nandon na ang buong team, nakatambay at nanonood ng TV. Napansin niyang nakatingin sa gawi niya si Ayako. Pero hindi nalang niya ito pinansin. Naginat inat pa siya at bumangon.

Riyota: Coch, Labas lang po ako. Nakakaramdam akong gutom e. Tyaka gusto ko makalanghap ng sariwang hangin.

Coach: Sige, magingat ka ha. Mejo malamig na din aa labas.

Nang makalabas si Riyota ay nagmadali kaagad siyang tumakbo papunta sa elevator. Para masiguradong hindi makakasunod sakanya si Ayako.

Sa loob naman ay malungkot lang si Ayako na nakatingin sa pinanggalingan ni Miyagi. Maya maya ay lumabas na din siya para hanapin si Miyagi.

Sa labas, after 10 minutes ay nakakain na din siya sa pantry ng hotel at nakaupo na ulit siya sa bench doon sa labas ng ground floor habang nagscroll sa browser niya.

??: Dito lang pala kita mahahanap.

Pero hindi niya ito narinig dahil nakaheadset ito. Pero naramdaman niyang merong tao sa likod niya kaya napalingon siya dito.

Riyota: Oh, ikaw pala, Ayako, anong ginagawa mo dito? Pasok ka na sa loob at malamig.

Ayako: Hindi. Maguusap tayo.

Riyota: Ok. Amm about pala dun sa panliligaw ko? I'd like to take that back. Pwede bang kalimutan mo nalang yun?

Nagulat naman si Ayako sa sinabi ni Miyagi, at unti-unti siyang nakaramdam ng lungkot.

Ayako: Pano pag ayoko?

Riyota: You know, I'm not gonna be the reason why we are gonna win this whole thing. I'm just gonna ride Hanamichi and Rukawa's clout. So I am not gonna be worth it. You know. Plus I'm injured so I don't know how long I am to play in this tournament. Tyaka nagpaplano na kong bumitaw sa team dahil cracked left knee cap na ang injury ko. That can't be healed in months time. It will be YEARS. But rest assured na gagawin ko padin yung part ko as a point guard ng team hanggat hindi pa nagboblow up yung tuhod ko.

Natahimik naman si Ayako doon. Alam niya kung gaano kalala ang ganong klaseng injury.

Riyota: Look. Ayoko din magquit pero dun na din papunta to. My knees will blow up in a matter of time, hindi ko lang alam kung kelan. Kaya nga may benda ako sa tuhod ko diba? Ok lang ba?

Dito nga ay pumatak na ang mga luha ni Ayako. Isang buong araw niyang tiniis ang sarili niya para hindi mapaluha. Hindi niya alam ang sasabihin niya kay Riyota. Kaya napayakap nalang siya dito. Niyakap naman siya pabalik ni Riyota at hinaplos ang likod.

Pagtahan ay tabi na silang nakaupo sa bench, nakatingin sa malayo si Riyota, si Ayako naman ay pinagmamasdan lang siya.

Ayako: Kelan mo pa yan nakuha? Yung injury mo, I mean.

Riyota: Last year, nung kalaban natin ang Riyonan. May isang play doon na nagkamali ako ng landing. Nakalimutan ko na kung ano yung sequence nayun. If you look not close enough walang nangyari dun. Pero if you can slow that down, makikita mo na mali yung pagbagsak ko. Dun ko naramdaman yung pananakit ng tuhod ko. After that game ay nagpaX-ray na ko and na kita ko sa result na may small crack na yung left knee cap ko.

Ayako: Bakit hindi mo kagad pinagamot?

Riyota: Tulad nga sinabi ko, if papapalitan ko ang knee cap ko, ay taon ang bibilangin mo bago ako makabalik. Nagiging realistic lang ako, ayoko naman talagang umalis sa team eh. Kaso 3rd year na ko. Then injured pa. Di ba? So I don't want to hold on to something na hindi ko kayang tuparin. So can you forget that I asked you about courting you?

Ayako: Riyota..

Riyota: Ok lang ba? Ayako. Masaya akong nakilala ka. Ikaw ang pinakamagandang alaala ko sa high school. Maging masaya ka sana kahit wala na ako sa team. Hm? Tara na sa taas.

Ayako: Pano kung...

Riyota: Sssshh! Sssh. Ok na ko. Tanggap ko na. Tara na.

At tumalikod na si Miyagi at umalis. Naiwan si Ayako doon sa upuan magisa.

Napaluha nanaman si Riyota habang tinitignan niya mula sa malayo si Ayako. Pinangako niya sa sarili niyang ito na ang huling beses na iiyak siya para sa isang babae.

Kinabukasan ay nasa gym lounge na ulit ang team Shohoku para magexercise. Kapansin pansin na mas dedicated si Miyagi ngayon. Naging mas mahigpit sa mga kasama at kinokontra naman siya ni Mitsui.

Mapapansin niyo na wala si Ayako dito ng mga panahon na to pero wala lang din ito kay Miyagi. Dahil basketball nalang talaga ang nasa isip niya.

After gym ay lumapit nga si Sakuragi kay Haruko para sana magtanong.

Sakuragi: Haruko-chan, wala si Ate?

Haruko: Wala. Masama daw pakiramdam.

Sinadya niyang ilakas ang boses niya para sana marinig ni Miyagi, pero wala itong reaksyon.

Sakuragi: Ganun ba? Pakisabi magpagaling ha. Salamat.

Pag dating nila sa kwarto ay lumabas kagad si Miyagi ng Hotel para tumambay sa usual place niya dito sa labas ng ground floor. At nagisip kung pano maipapanalo ang bawat laban. Hawak niya ang phone niya kung saan ay nagddraw siya ng play sa kanyang playboard app and nagiisip ng bawat scenario.

Maya maya ay may naramdaman siyang tao sa likod niya, pero hindi niya ito pinagbigyang pansin.

??: Ginagawa mo jan? Kalamig dito eh.

Riyota: Ah. Ok lang yan. Mas sariwa naman ang hangin. Ano sa tingin mo tong play na to? Ok lang ba? Pakitingin naman if may butas ba o wala.

Ang taong bumati sakanya ay si Kogure.

Kogure: Hmmm. Ok to. Ipakita natin kay coach mamaya.

Riyota: Ok! Thanks! Isesave ko lang.

Maya maya ay nagdraw ulit siya ng isa pang play at ipinakita kay Kogure.

Kogure: Ok din to.

Riyota: Sige. Ano palang ginagawa mo dito?

Kogure: Ah. Pinapahanap ka kasi ni Coach, at may importanteng ibibilin yata sayo. Tara.

Pagakyat nila ay kumpleto na ang team. At dito nga ay nakatingin na sakanya ang lahat. Bago pa makapagsalita si coach ay ipinakita na muna ni Miyagi ang mga plays na naisulat niya kanina sa labas. Nagustuhan naman ito ni coach at isinulat sa chalk board para idagdag sa mga primary place nila.

Coach: Oo nga pala, Miyagi-kun. Ang bilin ko sayo ay ikaw na ang bahala sa team bukas. Limited lang din ang playing time ni Akagi-kun dahil sa injury niya sa kanyang paa.

Napatingin naman si Ayako kay Riyota.

Riyota: Opo! Gagawin ko po ang lahat, kahit masira na po ang katawan ko! Ibibigay ko po ang lahat makapagkampyon lang tayo ngayong winter!

Coach: Mabuti kung ganun.

At matapos ang usapan na yun ay agad nakipagusap si Ryota sa team. All business, no jokes. Talagang pinakikita niyang responsable siyang kapitan ng team.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon