Ang Huling Byahe ni Riyochin

93 6 1
                                    

Hindi na nakapanood ng laban ng Shoyo at Aiwa ang Team Shohoku, dahil nabusy talaga sila sa pageensayo. Nabalitaan nalang nilang Aiwa ang makakalaban nila, hindi man naging madali ang naging panalo ng Aiwa ay sinwerte padin sila dahil pumasok ang Hail Mary full court shot ni Daie Moroboshi nung overtime.

Tatlong laban nalang ang natitira sa Shohoku at tatanghalin na silang kampyon.

Next Game kung mananalo sila sa Aiwa, ang makakalaban nila ay ang mananalo sa Kainan at Takezato. Kung matatalo nila ang mananalo dito ay makakalaban naman nilang susunod ay ang mananalo sa Yukie tech at Takamizawa. Ang huli ay ang mananalo sa Meihou at Haraguchi High.

Dito nga ay puspusang pagsasanay ang ginawa ng Shohoku sa mga nakaraang araw. All healthy sila, pwera kay Miyagi, na palihim na may iniindang pilay sa kaliwang tuhod. Papunta na sila sa Gymnasium at lahat sila ay kinakabahan pwera kay Sakuragi na nakuha pang makipagkulitan kay Aoi sa pinakalikod na upuan.

Si Miyagi at Ayako naman ay magkatabi pero hindi nagpapansinan, pasulyap sulyap lang siya kay Miyagi na tamang browse lang sa youtube at google

Hindi din mapalagay si Miyagi, dahil dito sa makakalaban nila ay lumala ang injury ni Sakuragi. Sana naman ay walang masamang mangyari sakanya dito.

Pagkarating nila sa gymnasium ay napansin nila Miyagi na nakarelax lang si Sakuragi, hindi kagaya sa mga naunang laro nila na hindi manlang siya makausap dahil sa sobrang lock in niya sa mga laro na yun.

Dito ay medyo laid back siya. Maya maya ay nakita niya ang mga tropa niya.

Sakuragi: Mga pre. Ngayon ko lang kayo ulit nakita ah. Ano ba balita? Bakit kayo may sugat sa mga kamay niyo?

Yohei: Yung totoo? Ipinaghiganti ka namin dun sa mayabang na walang alam na yun.

Ohkuso: Oo nga, we made sure na hindi ka na niya guguluhin.

Noma: We got him good! Kung nakita mo lang hitsura niya erap.

Takamiya: We left him mangled and beaten.

Sakuragi: Mga pre, tsk. Di niyo naman kailangan gawin yun para sakin e. Ipapahamak niyo lang ang sarili niyo. Tol nagbago na tayo diba? Wala ng ganyan. Pwera nalang kung mababastos sila Aoi-chan, Ate Ayako at Haruko-chan. Pero mga tol. Tsk! Mahal na mahal niyo talaga ko. Kayo na bahala kay Aoi sa taas ha.

Niyakap naman nila isa isa si Sakuragi at umakyat na bleachers.

Sa locker ay halatang kinakabahan lahat. Si Miyagi ay may konting panginginig sa mga kamay kaya para maibsan ito ay nagstretching siya, para mapawisan na din, parang naging warm up exercise na din niya ang bobbing and weaving then hopping from foot to foot.

Sa kabilang banda naman ay nagmemeditate si Sakuragi, nakapikit ang mata at mabagal ang paghinga. Nakatabi sakanya si Haruko at nahihiwagahan kaya gusto sana niyang kausapin eto pero binawal siya ng kuya niya. Pagdilat niya ay naramdaman na agad ng mga teammates niya ang vigor na nilalabas niya. Kahit hindi sila magsalita ay parang alam na nila ang gusto niyang sabihin.

Ilang sandali pa ay naupo na din si Miyagi at naupo, pumikit at nagmeditate din para maibsan ang kabang nararamdaman. Dito nga ay lumapit sakanya si Ayako at kinuha ang kanyang kanang kamay at sinulatan ang kanyang palad.

Ayako: Wag mong titignan hanggat hindi pa tayo nananalo, Riyota-kun.

At lumayo naman sakanya si Ayako at nginitian lang siya. Dito ay mejo gumaan naman ang kanyang kalooban at nawala ang kaba.

Maya maya pa ay tinawag na sila ng commitee para makipagbatian sa kabilang team.

Miyagi: Enjoyin natin ang laban, Captain Dai Moroboshi.

Moroboshi: Bigyan niyo kami ng memorable na laban, Captain Riyota Miyagi.

At nagkamayan na ang dalawang captain sa gitna ng court.

Nagsimula na ang warm up at lahat sila loose and relax na. Si Miyagi ay kinakausap si coach Anzai sa maaaring outcome ng laro.

Miyagi: Coach, baka dito na po ako papara.

Nagulat naman si Coach Anzai dun dahil nakuha niya ang malalim na mensahe ni Miyagi.

Coach Anzai: Kelan pa, anak?

Miyagi: Last year po, nung nakalaban natin sa finals ang Riyonan. May isang play po doon na nagkamali ako ng bagsak. Hindi ko na po matandaan kung saang play po ba yun nangyari. Pagkatapos po ng laro natin doon ay nagpaX-ray na po ako agad at doon ko nalaman na nagkaroon ng crack ang kaliwang tuhod ko. Wala pong magbabago sa plano coach. Ako pong bahala sa pagbabantay kay Moroboshi. Makakaasa po kayo sakin.

Nalungkot naman si Coach Anzai doon.

After 15 minutes ay magsisimula na ang laro, si Sakuragi ang tatalon kontra sa sentro ng kalaban na mas maliit sakanya ng bahagya, Kano Haruki 3rd year.

Nanalo nga sa jumpball si Sakuragi at napunta kay Mitsui ang bola, ipinasa naman niya ito kay Miyagi na nagmamadaling umatake, huminto naman siya ng bahagya para papwestuhin ang mga kasama niya, umatras siya ng kaunti at tumingin kay Mitsui, kaya napeke si Moroboshi at dun inabangan ang bola, ng biglang nagset shot nga si Miyagi ng napakalayong tres. At pasok ang tira. 3 zero 11:50 remaining.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon