Shohoku Vs. Kainan 5 - Repeating History?

99 7 1
                                    

Habang nagbababa ng bola si Maki ay siya ay nagulat siya ng nasa ibabaw na si Sakuragi at mukhang siya ang babantayan. Kinabahan naman siya ng kaunti dito dahil nung 5 minutes ng first half ay total shutdown ang ginawa ni Sakuragi sakanya, hindi siya nakapasok sa depensa nito at sa buong limang minuto ay wala siyang naitalang miski isang puntos.

Pero kahit ganoon ay sinubukan parin niyang pasukin ang depensa ni Sakuragi, dahil naatasan siyang magtake over sa laro ay isang solid na bangga nga ang ginawa niya para mapaatras si Sakuragi, pero hindi niya ito matibag kaya sinubukan niyang daanin sa pwersa na may kasamang bilis, dito ay nakalusot naman siya ng bahagya ng pasimple niyang hinawi si Sakuragi, walang tumulong kay Sakuragi. Dahil alam ng team na magagawan niya ito ng paraan. Mula sa likod ay isang malinis na sundot ang ginawa ni Sakuragi para mapunta ang bola kay Akagi, hindi naman ito nagmadaling tumakbo para sa fastbreak, bagkus ay kinuha niya ang bola kay Akagi at nagset nalang ng play.

Dito nga ay hindi nakipagtagisan ng lakas si Sakuragi at ipinasa ang bola sa ilalim. Kay Rukawa. Si Rukawa naman ay agad umiko para makalusot kay Kiyota. So iwan na iwan si Kiyota dahil sa bilis ng ikot na yun. Pag angat niya ay sinabayan siya ni Takasago kaya nagdrop pass siya papunta kay Akagi.

Akagi: Aaaah!!

Isang primal roar ang isinigaw ni Akagi matapos niyang idunk ang bola ng sobrang lakas. Yumugugyog pa ang hoop pagbaba niya. 62-56. 11:47 ang natitira.

Naghigh five ng sabay sabay ang limang Shohoku players dahil sa ganda ng play.

Si Sakuragi na agad ang nagbantay kay Maki, sinubukan nilang ibox one si Maki kaya hirap na hirap siyang itawid ang bola sa half court. Kinuha sakanya ni Kiyota ang bola para maitawid sa half court. Pagkatawid niya ng bola ay agad hiningi ni Maki ang bola sakanya.

Maki: Grabe ka naman, bata. Last year lang e hindi ka makaporma kay Miyamasu.

Sakuragi: Hng! Nakakahiya ako dun. Wag mo na ipaalala Idol Maki.

Natawa naman ng bahagya si Maki, kaya umatras para kumuha ng bwelo. Agad niyang inatake si Sakuragi single crossover ang ginawa niya galing kaliwa pakanan, kaya nagkaroon ng kaunting puwang sa depensa ni Sakuragi, nang bigla itong huminto para magjump shot. Pero nasabayan siya dito ni Sakuragi at nablock ang tira. Tumilapon ang bola sa labas, pero hinabol ito ni Sakuragi dahil nakita niyang nauna na si Mitsui at Rukawa, nang mahabol niya ito ay ibinato niya ng malakas papunta sa dalawa. At siya naman ay bumagsak sa mga upuan at nagkaron ng pagdugo sa ulo. Pagkapuntos nila ay pinuntahan kagad siya ng teammates niya. Nakita nilang may malaking sugat sa noo si Sakuragi. Kaya nagtawag sila ng isang emergency timeout. Agad namang tumayo si Sakuragi at inabutan siya ng twalya ni Haruko.

Akagi: Nagpadalos dalos ka nanaman!

Rukawa: Gunggong ka talaga kahit kelan. Iiyak nanaman ang girlfriend mo dun sa taas dahil sa kalokohan mo.

Napatingin nga siya sa taas at nakita niyang maluha luha nanaman si Aoi sa taas habang nakatingin sakanya. Kaya nagpeace sign siya dito para mejo gumaan ang kalooban.

Sakuragi: Sayang ang effort niyo kung di ko isesave yung bola. Dali. Benda lang to at babalik na ko kagad sa laro.

Haruko: Coach?

Coach: Sige na. Bendahan niyo na. Papasok ulit siya. Bigyan lang natin ng atleast 2 minutes bago siya maglaro ulit. Balik na kayo dun.

Lahat sila: Opo!

Haruko: Hindi ka nagiingat eh! Tignan mo oh! Malalim tong sugat! Dapat hinayaan mo nalang yung bola.

Sakuragi: Sayang nga. Nauna na sila Michi sa baba eh. 2 points din yun.

Kaya pinalo siya ni Haruko ng pamaypay sa batok

Haruko: Hng! Oh bakit??

Sakuragi: W-wala.

Kaya pinagpatuloy nalang niya ang pagbebenda kay Sakuragi.

Coach: Ho Ho Ho! Huminto na ba ang pagdudugo, Hija?

Haruko: Opo. Kaunti, pero kailangan mo ng stitches mamaya kasi malalim po talaga yung sugat.

Nang marinig ni Sakuragi yun ay napalunok naman siya ng laway. Takot siya sa karayom.

Wala naman nakahalata doon. Pero ang nahalata nila ay namumutla si Sakuragi.

Yasuda: A-ah! Namumutla! Naubusan yata siya ng dugo! Tatawag na kong ambulansya??

Sakuragi: S-ssssssh!! Waaag!

At tila ba takot si Sakuragi. Napansin to ni Haruko.

Haruko: Huh? Takot ka sa ambulansya?

Sakuragi: Hindi. Wala akong kinatatakutan Henyo yata to! Nyahahahaha!

Haruko: Eh? Eh sa karayom?

Nang sabihin ni Haruko yun ay siya namang lalong mas kinaputla ni Sakuragi 

Kaya napatampal nalang silang lahat sakanilang noo.

Haruko: Haaaaaa?? Sa laki mong yan takot ka sa injection?? At tahi????

Sakuragi: Hnnnnng! Hng! Kung ikaw nga eh! Takot ka sa ipis, gagamba at tipaklong, hindi naman ako nagrereact ng ganyan! Hng! Grabe ka sakin.

Haruko: Hahahaha! Ang cute! Takot sa karayom! Sasabihin ko to kay Aoi. Hahahaha

At dito nga ay namula na sa hiya si Sakuragi. Napatingin naman sila Akagi at Maki sa bench.

Maki: tsu! Hahahahah! Takot siya sa, sa karayom?? Hahaha! Laking tao tapos karayom lang ang kinatatakutan?? Nyahahahaha!

Napahilamos nalang sa muka si Akagi.

Akagi: Kahit kelan, kahit kelan talaga.

Nakaisip naman si Mitsui ng kalokohan.

Mitsui: Hoy! Sakuragi! Hahahaha! Readyng ready ka ng tuhugin yung girlfriend mo kanina! Tapos takot ka sa karayom?? Hahahahahaha.

Narinig naman yun ni Aoi kaya napatakip nalang siya ng mukha. Dahil naasar din siya kay Mitsui.

Aoi: Mitsui-senpai-kuuuuun! Maaalisan ka ulit ng ngipin sakin mamaya! Ha? NAIINTINDIHAN MO?? HNG!

Napalunok naman siya ng laway dahil dun. Kaya nilapitan siya ni Rukawa, tinapik sa balikat, naghandshake sila, at niyakap si Mitsui.

Rukawa: Sorry pre. Salamat sa lahat. Pero pinapaubaya na kita sa langit.

Tawang tawa naman si Kiyota sa sinabi ni Rukawa. Habang si Mitsui ay hindi nakapagreact.

Mitsui: Akagi. Hindi ako sasama sa locker mamaya. Baka mamatay ako.

Akagi: Puro ka kasi katukmolan! Yan ang napapala mo. Hn!

At nagpatuloy na ang laro. 64-56 ang score dahil sa fastbreak action ni Mitsui at Rukawa mula sa pasa ni Sakuragi.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon