Aoi Ando

191 10 1
                                    

Aoi's POV.

Simula ng mapanood ko si Hanamichi Sakuragi sa paglalaro noong interhigh ay umusbong ang aking paghanga sakanya. Hindi naman siya ganoon kagaling maglaro, karamihan nga doon ay palpak ang mga nagagawa niya, lalo na nung unang laban nila sa Toyotama.

Pero habang tumatagal ang laro ay mas lalo siyang humuhusay, hinangaan ko ang sipag niya sa pagtalon at walang katapusang stamina.

Dahil forward din ako sa aming kuponan ay namamangha ako sa taglay niyang lakas at bilis at sipag sa paghabol ng bola. Lalo na ang rebounding skills niya. Napakalakas niyang tumalon.

Kahit ganon ang nangyari ay naipanalo nila ang laban sa Toyotama.

Sumunod ay napagalaman ko ding kalaban nila ang numero unong team dito sa Japan, ang Sannoh High. Si Sawakita Eiji ang nagpahirap sakanila, walang magawa ang ace player ng Shohoku na si Kaede Rukawa dahil sobrang advance ang laro ni Sawakita.

Pero kinilabutan ako sa pinakitang tapang ni Sakuragi sa laro, hindi siya nagpabaya, bagamat injured ay ipinilit padin niyang pumasok at tapusin ang larong iyon. Dito sa larong ito lumabas ang natatagong kakayahan ni Sakuragi, kahit na nga sumasakit na ang pilay niya ay siya padin ng siya ang kumukuha ng rebound para sakanila. Unti unti nilang hinabol ang kalamangan ng Sannoh sa pamamagitan ng 3 pointers ng shooter nila at ng rebounding ni Sakuragi at ng sentro nila.

Nang maipasok ni Sawakita ang bola ay nakita kong nagmamadaling tumakbo si Sakuragi sa kabila para hingin ang bola at nang maitara niya ito ay pumasok. Nanalo ang Shohoku.

Napatalon din ako sa aking kinauupuan sa sobrang saya ko dahil nanalo sila.

Sa sumunod na laro ay kalaban nila ang Aiwa. Pinilit ni Sakuragi na maglaro dito sa laban na ito pero mas lumala ang injury niya sa 3rd quarter kaya inilabas na siya at hindi na nakabalik sa laro, dito sila natalo dahil wala siya.

Makalipas ang isang araw ay umuwi na ang kuponan namin sa Saitama dahil kagaya ng Shohoku, natalo din kami sa ikatlong laro namin. Ang kaibahan lang ay talagang mahina ang team namin, samantalang natalo lang ang Shohoku dahil sa sobrang pagod at kakulangan ng rebounder. Malungkot akong umuwi dahil natalo kami.

Paguwi ko ay sinabi ng aking lola na maaari na daw akong bumalik sa Kanagawa at ipagpatuloy doon ang pagaaral dahil natubos na niya ang bahay at lupa namin doon sa pagkakasangla ng aking mga magulang.

Lumabas ako ng bahay na malungkot, pumunta ako sa isang open court para sana magbasketball ng makita ko si Sakuragi na nakaupo sa isang bench at malungkot na nagbabasa ng mga liham.

Doon ko napagdesisyunan na ipagpatuloy ang pagaaral sa Shohoku para makapagpakilala kay Sakuragi, at suportahan siya sa bawat laban.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon