Shohoku Vs. Kainan - Aoi The Jologs GF!

110 8 2
                                    

At after 5 minutes nga ay nakabalika si Sakuragi ang laro. 74-70. Ang natitirang oras ay kulang kulang 7 minutes nalang.

Nakahabol nga ang Kainan dahil walang Sakuragi kontra kay Maki. Hindi agad siya nakabalik sa laro dahil natagalan ang paghinto ng pagdudugo ng kanyang sugat sa noo. Nilapitan nga niya sa pwesto niya si Aoi at sinabing ayos lang siya. Pero kitang kita padin kay Girlfriend na nagaalala padin siya kay Sakuragi.

Ngayon nga ay binabantayan nanaman niya si Maki.

Maki: Hay! Ikaw nanaman, bata? Pahihirapan mo nanaman ang, Kuya?

Sakuragi: Aba siyempre! Trabaho ng kapatid ang bwisitin ang kuya. Hahahahaha.

Napailing nalang si Maki at inatake ang depensa ni Sakuragi, pero hindi ito makalusot. Nariyan pa na nasusundot ang bola sakanya.

Sakuragi: Kadaya mo naman! Ref oh, nanghahawi.

Maki: Hahaha! Gulang nga e.

Ref: Ah! Di ko nakita sorry.

Halatang halata kay Maki na naeenjoy siyang kalaban si Sakuragi kahit hindi siya makalusot dito. Dahil kahit hindi sila magkateammate ay tinuturing padin niyang nakababatang kapatid ito kahit maikli palang ang kanilang pinagsamahang dalawa.

Ang hindi kasi alam ng iba ay laging sumasama itong si Sakuragi kila Maki noon para manood ng mga games sa ibang distrito, kaya napalapit nadin ang loob nila sa isa't isa. From Lolo ay tinatawag na siyang idol ni Maki, dahil nadin sa mga payo niyang naririnig galing sa nakatatandang player.

Sinubukan nanaman ni Maki na makalusot, gamit ang isang mabilis na crossover galing kanan pakaliwa, nang masundan ito ni Sakuragi ay nagspin move naman si Maki pakanan kaya bahagyang naiwan si Sakuragi, easy lay up nalang sana ang gagawin niya ng madouble block siya ni Sakuragi sa likod at ni Akagi naman sakanyang kaliwa.

Maki: Aaah!! Anlalaki niyo! Hay!

Hinabol naman ni Rukawa ang bola at pinasa na kay Sakuragi.

Siya naman ang nagseset.

Sakuragi: Pwesto na kayo! Tingin lang kayo sakin.

At dito nga ay pinasa ni Sakuragi ang bola sa umangat na si Kogure. Naghanap naman agad siya ng papasahan. Umangat naman si Rukawa para bigyan ng sceen si Sakuragi para magkaroon ng switch action, si Kiyota ngayon ang nasa poste kalaban si Sakuragi. Agad naman umangat si Rukawa para ireceive ang pasa. Agad naman niyang binigyan sa poste si Sakuragi.

Kiyota: Papanisin na kita dito preee. Ako ang pinakamagaling. Tandaan mo yan pre.

Maya maya pa ay binangga na siya ni Sakuragi at siya namang kinaatras nito ng dalawang hakbang. Napangisi naman dito si Sakuragi at nag spin sa baseline. Nasundan naman siya ni Kiyota kaya nagspin sa kanan si Sakuragi pagkagather niya ng bola at tumalon ng pagkataas taas at idinakdak ang bola na tumama ng malakas sa tuktok ni Kiyota pagkapasok ng bola sa rim.

Samut saring reaksyon nga ang naririnig mula sa mga manonood. May napapasinghap, may napapahiyaw at napapacheer kay Sakuragi. At lahat ng yan ay natatabunan ng number 1 fan ni Sakuragi na si Aoi Ando.

Aoi: Kyaaaaa!! Boyfriend ko yaaaaaan! Pogi! Pogi! Pogi!! May reward ka sakin mamaya pagnanalo kayo!! Wooooooo!!

Yohei: Hay! Jologs na jologs. Sabi nang hindi kailangang tumili eh.

Aoi: Hng! Bakit ba kasi?? Edi magcheer ka din! Hng!

Napabuntong hininga nalang si Yohei at dumukwang sa railings para makitang mabuti ang laro.

Sa baba naman ay inggit na inggit si Kiyota.

Kiyota: Hng! Poging pogi naman to! Hng! Nagkajologs lang ang yabang yabang na! Iisa naman! Sakin madami! Hng!

Sakuragi: Unggoy! Girlfriend ko yun! Di yun jologs! Baka talunin ka pa nun sa basketball eh! Hng! Inggit ka lang kasi walang nagchecheer sayo! Nyahahahahaha

Jin: Kyaa! Kiyota-kyuuun! Galingan mo Kiyota-kyuuuun!!

Tawa naman ng tawa si Sakuragi. At si Kiyota naman ay diring diri. Maya maya ay nakisali si Rukawa.

Rukawa: Lakas mong makatawa jan, babe ah. Sakuragi-kyuun! Ikakama kita mamaya.

Si Sakuragi naman ngayon ang namutla dahil kay Rukawa. At Kiyota ang tawa ng tawa! At ayun nga, sabay lumapit si Akagi at Maki sa apat at pinaguumbagan nila ang mga teammates nila.

Akagi: Talaga ba? Dito pa kayo magkakaladyaan? Eh kung ingudngud ko yang mga nguso niyo sa mga nguso niyo ngayon?

Maki: Dito pa kayo maggaganyanan! Nasa seryosong laban tayo. Ganyan ang papakita niyo?! Di kayo mahiya, kadami daming nanonood!

Silang apat: Sorry.

Maya maya pa ay seryoso nanaman ang laban. Bantay sarado nanaman si Maki kay Sakuragi, kaya nawalan siya ng option kundi ipasa kay Kiyota sa poste. Sinubukan ni Maki na magcut pero nasundan siya ni Sakuragi, kaya no choice at si Kiyota na ang gumawa ng paraan. Kung saan ay binangga niya si Rukawa at nagspin sa baseline. Dito nga ay napeke niya si Rukawa na akala ay dudukot yun pala ay babalik lang din sa tutok kaya nakatira siya ng malaya.

Kiyota: Ha! Nakascore ang ace player ng Kainan! Itutuloy tuloy ko na to.

Maya maya ay may narinig siyang hindi maganda sa taas.

Aoi: Huuuu! Pangeeet! Nakapuntos lang ng isa kala mo nanalo na sa lotto. Huuuuu. Galingan mo pa sa pagkakalat! Pangeeeet!

Dito nga ay napikon si Kiyota at nilapitan si Sakuragi.

Kiyota: Hoy, unggoy! Yung girlfriend mo nambubully oh. Hnnnnnng! Hng!

Tinawanan lang siya ni Sakuragi. Kaya pinagpatuloy ni Aoi ang pangaasar kay Kiyota na siya namang maluha luha na dahil sa sobrang hiya. Siya ba naman ang tawagin ng panget sa harap ng madaming nanonood at pinagtatawanan pa yung pinagsasasabi ng bruha dun sa taas. Teka bruha?

Napatingin naman si Kiyota sa girlfriend ni Sakuragi. Nagandahan naman siya don kaya nilapitan niya si Sakuragi para asarin. May pasiku suko pang nalalaman.

Kiyota: Hehehe! Unggoy! Ganda ng girlfriend ah. Ayiieee!

Bago pa makasagot si Sakuragi ay nakapagsalita nanaman ulit si Aoi.

Aoi: Oy! Nobunagang panget. Layuan mo nga yang love ko baka mahawa sa kapangitan mo! Hng! Panget! Bleeeeeeeeh!

At dun nga ay pati sila Maki ay natawa nadin.

Maki: Hay! Bagay na bagay sila. Parehas silang malakas mangasar. Hahahahaha

Mitsui: Sinabi mo pa. Parehas din naman silang pikunin. Hahahaha

Akagi: Pero wag ka. Mas malakas pa sakin mang umbag yan. Hahahaha

At nagpatuloy na ang laro.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon