Shohoku Vs. Kainan 2 - Rivalry refreshment

104 9 0
                                    

Nasa Jump ball Area na si Akagi at Takasago, dito nga ay panalo si Akagi sa jumpball at sinecure naman ni Mitsui ang bola bago ibigay kay Sakuragi. Si Sakuragi ngayon ang nagseset para sa Shohoku, at nakatingin lang sakanya si Maki, binigyan naman siya nito ng space sa tres. Hinintay niyang makapwesto ang mga kasamahan niya.

Sakuragi:Ok! Puntos tayo Team.

At bigla niyang itinira ang bola sa tres. Gulat na gulat naman si Maki doon. Pagtingin niya sa basket ay pasok nga ang bola. Kaya napunta ang first blood sa Shohoku.
3-0.

Sa kabila naman ay nasa loob si Sakuragi at binabantayan si Kiyota, habang si Rukawa naman ay binabantayan si Maki, si Kogure naman ang kumukuha kay Muto. At si Mitsui ang tumatao kay Jin.

Isang mabilis ngang crossover ang ginawa ni Maki para makapasok, sinubukan naman siyang harangan ni Rukawa pero tinibag lang siya nito, at nagtuluy tuloy lang sa pag atake. Nagtangka siyang atakihin ang depensa ni Akagi. Sinabayan naman siya nito kaya malaya si Maki na nakapagdrop pass kay Takasago para sa isang easy lay up. Hindi na nakapagreact si Sakuragi dahil sobrang bilis ng pasa at mabilis din ang tira sa ilalim na kala mong binato lang basta. 3-2 ang score. Lamang pa ang Shohoku.

Sa pagkakataong ito ay si Rukawa naman ang nagdadala ng bola, dito nga ay binigyan siya ng screen magkabilaan, sa kaliwa si Sakuragi at sa kanan naman ay si Mitsui. Mas pinili makasiguro ni Rukawa kaya ginamit niya ang kay Sakuragi. Nagulat si Maki dahil hindi niya naitulak si Sakuragi kaya nakalusot si Rukawa para sa isang easy jumper, bigla namang tumalon si Kiyota.

Kiyota: Bulaga!

Pero biglang nagdrop pass si Rukawa kay Sakuragi, nasa likod naman nito si Maki, kaya pagangat niya ng bola ay ibinagsak ni Sakuragi ang bola sa poste para kay Akagi, na agad namang inatake ang depensa ni Takasago dahilan para maipasok ang bola. 5-2. Lamang padin ang Shohoku.

Pagkainbound kay Maki ay agad niya itong tinawid sa half court at nagpasyang ipasa kay Jin ang bola, si Jin naman ay kinukuha ni Mitsui ngayon, at bigla itong nagfake na titira, since alam ni Mitsui na shooter din si Jin ay hindi siya tumalon, kundi nagclose out siya dito dahilan para magipit si Jin kaya nagdribble ito at ibinigay ang bola kay Muto sa gilid. Dito ay inatake niya ang depensa ni Kogure, hindi naman siya nakalusot dito pero nagawa niyang araruhin pailalim si Kogure para makapuntos sana, pero nagulat siya ng mablock siya ni Kogure, pero nakuha padin ni Muto ang bola at ipinasa sa slightly open na si Jin. Dahil paubos na ang oras at itinira na niya ang bola, pero nahawakan yun ni Mitsui.

Jin: Sablay yan! Rebound!

Nagpwestuhan na nga sa ilalim si Sakuragi, Kiyota, Akagi at Takasago. Sa taas ay si Sakuragi ang nangibabaw na halos mauntog na ang ulo sa Ring. Magkakuha niya ay niyakap niya agad ang bola at dinahan dahan ang pagbaba nito. Sa pagkakataong ito ay si Kiyota na ang nagbantay sakanya.

Kiyota: Huu. Kala mo naman kaya mo ko pre. Sugod.

At may papalo palo pa nga ito sa sahig. Bahagya namang nainis si Sakuragi kaya sobrang tutulis ng dribbling combination ang ipinamalas niya sa harap ni Kiyota, maya maya ay ginamit na ni Sakuragi ang pamatay niyang technique, Double crossover na may halo na shoulder shake at biglang between the legs na siyang nagpaupo sa sahig kay Kiyota, agad sinugod ni Sakuragi ang basket, sa pagangat niya ay inabutan siya sa taas ni Maki, pero itinuloy padin niya ang slam dunk na plano niya. At dun nga ay natawagan ng foul si Maki.

Ref.: Baskte counts! Shooting Foul White number 4. Black number 10. 1 shot.

Tinignan naman ni Sakuragi ng mapangasar si Kiyota na kinainis naman niya.

Kiyota: Hnnnnng!! Ref! Tinulak niya ko kanina kaya ako napaupo! A-aaray!

Dahil dito ay binatukan siya ni Maki

Maki: Tanggapin mo na. Pinahiya ka. Kinain ka niya ng buo dun.

Jin: Oo nga! Tinalo ka niya.

Sakuragi: Hoy, kawawa naman yung adorable person, wag niyo naman bullyhin. Hahahahaha

Namula naman ang muka ni Kiyota dahil napahiya talaga siya.

Pasok ang tira ni Sakuragi sa Free throw. Ang score ay 8-2. 9:45 remaining.

Bola naman ng Kainan ngayon. Si Sakuragi ang nagbabantay kay Kiyota sa ilalim, at inaalaska niya ito ng pabulong at medyo naiirita na si Kiyota sakanya.

Sakuragi: Hehehehe. Wawa naman ang Kiyota. Hindi pinapasahan. Nyahahahah.

Kiyota: Hng! Unggoy ka talaga kahit kelan. Papakita ko sayo mamaya ang galing ko.

Sakuragi: Wow! Dali hahahaha

Dahil sanay na din ang referee sa kakulitan ng dalawang player na to ay napapabuntong hininga nalang siya.

Maya maya pa ay inatake na ni Maki ang basket at idinrop pass niya ang bola kay Kiyota, kuminang naman ang kanyang mga mata, kasi akala niya makakapuntos na siya. Kaya pagangat niya para sa isang one-handed dunk ay napangiti pa ito, hindi niya napansin si Sakuragi sa gilid niya at hinataw ang bola palabas.

Ref.: Out of bounce, white ball. 13 seconds to shoot.

Si Sakuragi naman ay todo ngiti. At hindi nagsasalita na nakatingin lang kay Kiyota na nagiin bound. Banas na banas naa siya kay Sakuragi dahil sakanilang dalawa ay siya lang ang nakakapagpasikat.

Kiyota: Hng! Kala naman nitong unggoy na to yun na yun. Hindi pa yun yun. Hng!

Ref.: 5 seconds in bounding violation! Black ball!

Sakuragi: Hahahahaha! Bonak! Hahahahaa! *Bogsh! Aaak!! Gori!

Akagi: Puro ka kalokohan! Naglalaro na tayo nangaasar ka pa jan! Magconcentrate ka nalang!

Sakuragi: Opo!

Maki: *Bogsh! Ano bang ginagawa mo! Litang ka ba? Papapalitan kita kay Miyamasu pag gaganyan ganyan ka.

Kiyota: Hng!

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon