Nagdrive na ko papuntang school at dumiretso ako sa faculty room para magtake ng make up examination. After an hour, tapos ko na itong lahat at ilang saglit pa ay nakuha na ang resulta at ako napabilang sa section 2-7
Nakita ko sila Yohei sa hallway at nagkabatian kami.
Takamiya: Uy! Si Hanamichi. Patay! Baka makita niyang magkasama si Rukawa at Haruko, mabuti pang sumama tayo sakanya.
Noma: Oo nga. Tama ka. Mahirap na.
Ohkuso: Wala ba kayong tiwala? Mukhang nagbago naman na siya.
Yohei: Sumama nalang tayo.
At sumunod nga sila sakin. Kala nila hindi ko sila naririnig, dahil nga naging malamig na ang ulo ko ay wala naman na akong gagawing hindi maganda.
Narating ko na ang section ko at umupo ako sa pinakadulo ng room. Naglabas ako ng isang english book at binasa iyon habang hinihintay ko ang teacher namin.
Aya: Uy! Anong binabasa mo?
Ako: Huh? Bakit ka andito? Kala ko babalik ka na sa hometown mo?
Aya: Ahahaha. Dito ang hometown ko. Sa Kanagawa.
Pasok naman ni Rukawa at Haruko sa classroom. Nginitian ko silang dalawa, mukhang nagtataka pa si Rukawa.
Ako: Sandali lang, Aoi ha. Kausapin ko lang yung teammate ko.
Nilapitan ko si Rukawa.
Ako: Oy, anong bago? May kapalit na ba si Captain? Hi din sayo, Haruko-san.
Napatingin naman sakin si Rukawa.
Rukawa: Wala pa nga eh. Mukhang mahihirapan tayo nitong winter cup.
Ako: Ganun ba? Sige, ako na sa ilalim. Walang makakapasok.
Rukawa: Gunggong.
Ako: hahahaha
At umalis na ko.
Haruko's POV
Maraming nangyari sa loob ng limang buwan, iniwasan na ko ng dalawa kong kaibigan at ng mga kaibigan ni Sakuragi-kun. Hindi ko naman alam kung ano ang nagawa ko. Noong minsang tinanong ko yung dalawa kong bestfriends na sila Fuji at Matsui, ang isinagot nalang nila sakin ay dapat alam ko kung anong kasalanan ko kay Sakuragi. Wala padin akong alam, gusto ko siyang kausapin pag balik niya.
Pagpasok namin ni Rukawa sa classroom ay nakita ko siyang masayang nakikipagusap sa isang babaeng hindi ko kilala. Mukha naman siyang maayos.
Nang mapansin niya kami ni Rukawa ay lumapit naman siya saamin. Kinumusta niya ang team, nagHi din naman siya saakin. Tila ba'y may nagbago sakanya, positive na pagbabago.
Dumaan ang mga oras at sa klase nga'y natutulog si Rukawa, at binato siya ni Sakuragi ng lukot na papel. At napatalima naman siya at tumingin sakanya, napansin kong umiiling sakanya si Sakuragi. Lumapit sakanya si Rukawa upang magtanong. Nagulat ang aming guro dahil alam din niyang hindi talaga sila magkasundo.
Rukawa: Anong problema mo? Bat ka nambabato, gunggong?
Sakuragi: Chill. Tinatawag ka na ng paulit ulit ni professor pero natutulog ka padin. Gusto kong manalo ngayong taon at hindi ko yun magagawa kung babagsak ka sa mga grades mo.
Napatingin saakin si Rukawa ng medyo gulat ng bahagya.
Rukawa: Pasensya na kung ganon. Prof. Ano nga po ulit ang tanong mo?
Prof.: Bueno, mukhang wala ka namang ganang makinig saakin, bakit hindi nalang si Mr. Sakuragi ang sumagot sa mga tanong ko.
At tumayo nga si Sakuragi sakanyang pagkakaupo at sinagot ng maayos ang mga katanungan ng aming guro. Halatang halata na talagang pinagaralan na niya lahat ng ito.
Prof.: Maraming salamat, Mr. Sakuragi. You may take your seats. At Kaede Rukawa, hindi porke't ikaw ang ace player ng ating basketball team ay maaari ka ng matulog sa klase, alam kong nakakapagod ang ginagawa niyong pageensayo ngunit hindi mo ito maaaring gawing rason para pabayaan ang pag-aaral mo.
Sakuragi: Rukawa, kung nahihirapan ka sa mga aralin natin, pwde ka naman magtanong sakin o sa girlfriend mo. Pwede mo din malamang na lapitan si Gori kung wala ka pang tiwala sakin.
Tumalikod si Rukawa at pinagpatuloy ang pagdukdok sakanya mesa.
Napatingin ako kay Sakuragi at napabuntong hininga at tumingin din saakin.
Lumipas na ang lunchbreak at plano sana namin ni Rukawa na mananghalian sa Rooftop, ngunit may naririnig kaming mga boses ng lalaki at babae. Napagtanto namin na si Sakuragi at yung babae kanina, sa pagkakatanda ko, ang pangalan niya ay Aoi.
Aoi: Oh? Talaga? Siya pala ang unang nagpatibok ng puso mo.
Sakuragi: Oo, pero wala na yun. Ayos na ang lahat. Pagbabasketball nalang at pagaaral nalang muna ang uunahin ko.
Aoi: Ano na ngayon ang goal mo sa pagbabasketball kung hindi ka na magpapapansin sakanya?
Sakuragi: Simple lang, tutuparin ko ang ipinangako ko kay Gori. Tutulungan ko ang Ace player namin na gawing numero unong team ang Shohoku sa buong bansa.
Nagulat ako sa paguusap nila. Nang bigla nalang lumapit sakanya si Rukawa.
Rukawa: Bakit ganyan ka na ngayon? Hindi mo na ko kakalabanin? Anong pinagsasasabi mo? Para maimpress sayo ang babaeng katabi mo?
Sakuragi: Hindi naman sa ganon, Soro. Pero lahat tayo ay makakaranas ng pagbabago sa buhay. Hindi ko din ito ginagawa para makadagdag pogi points sa kahit sinong babae. Sa katunayan nga ay napagtanto ko noong nasa rehabilitation ako ay kailangan kong baguhin ang sarili ko, maging mas matured at desiplinadong tao para sayo at sa ibang mga teammates natin. Lalong lalo na para kay Tatang, dahil tinanggap nya ako sa kabila ng pagiging baguhan ko.
Inalok ni Sakuragi ang mga kamay niya kay Rukawa, tanda ng pagkakamove on niya sa mga nakaraang kinaugalian niya.
Pero hindi ito pinansin o tinanggap ni Rukawa, nakita medyo naging seryoso ang mukha ni Sakuragi, yung mukhang aawayin niya ulit si Rukawa.
Sakuragi: Tapos ka na bang kumain Ms. Ando?
Aoi: Aoi. Ok?? Oo.
Sakuragi: Ok, Ms. Aoi, mukhang may gagamit na ng rooftop at eto lang naman ang lilim dito, kaya tara na, ihahatid na din kita sainyo. At may practice din kami mamaya.
Tumayo na si Aoi, at nilink niya ang kanyang braso sa braso ni Sakuragi, dala dala ang bento box na dala nilang dalawa.
Ng papaalis na silang dalawa, ay nagsalita ulit siya.
Sakuragi: Wala naman ang intensyon na hindi maganda. Kung hindi mo ko kayang paniwalaan, ipapakita ko nalang sayo na I did threw our grudge under the ocean waters na at pabigat lang yun sa pagusbong ng aking pagasenso sa basketball.
Ng makaalis naman sila ay hindi na ako makatiis at hinabol ko sila sa hagdan.
Ako: Sakuragi, sandali. May nagawa ba akong mali? Iniiwasan na ko ng lahat ng mga kaibigan nating dalawa. Dahil daw sa may nagawa akong kasalanan saiyo.
Lumingon sakin si Sakuragi at ngumiti din siya sakin.
Sakuragi: Kung anuman yung nagawa mo sakin ay wala din akong alam. Kaya kung hihingi ka ng patawad o anu pa man ay hindi ko yun pwdeng gawin dahil wala naman akong alam. Masaya akong masaya ka na bilang kaibigan mo.
Napatingin naman ako sakanya, bakas na bakas na ang pagkawala niyang pakialam sa kung ano mang nangyayari saakin.
Sakuragi: Gusto mo ba munang manood ng practice namin? Ms. Aoi?
Napatingin naman sakin si Aoi, at ibinaling tingin kay Sakuragi.
Aoi: Ok lang ba?
Sakuragi: Oo naman. Tara na para mauna na tayo sa gym. Sige, Haruko-san. Mauna na kami.
At tumalikod na nga sila at nagpatuloy sa paglalakad. Ang pinagtataka ko lang ay bakit parang nagseselos ako sa bago niyang kaibigang babae? Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at bumalik kay Rukawa. Hindi parin maalis sa isip ko ang paguusap naming dalawa sa hagdan.
BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
FanficSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.