Sakuragi Vs. Rukawa + Sakuragi x Aoi. bebe time

175 8 0
                                    

Third Person's POV

After nga ng mini date nila Aoi at Sakuragi ay umattend ulit sila sa team meeting ng Shohoku kung saan inulan sila ng pangaasar ni Kogure at Mitsui. Isama mo na si Yasuda at Riyota. Maya maya nga ay umalis na din sila Sakuragi at nagpunta sa court kung saan sila huminto noon ni Aoi bago umuwi. Dahil nga sa kagustuhan ni Sakuragi na magexercise ay napapayag naman niya si Aoi na sumama sakanya.

7:30 na ng gabi at nagdidrills padin si Sakuragi ng biglang dumating si Rukawa at hinagis kay Sakuragi ang bola. Sinalo naman niya ito at ihinagis pabalik ang bola kay Rukawa at tuloy padin siya sa exercise. Wala namang nagawa si Rukawa at nagshooting nalang kung saan nageexercise si Sakuragi. Medyo nairita man ay hindi nalang niya ito pinagbigyang pansin ang ginagawa ni Rukawa. Nagaalala si Aoi ng mga panahong iyon ngunit tinignan lang siya ni Rukawa at tumango. Kaya napanatag nalang si Aoi sakanya.

At sinadya nga ni Rukawang sipain ang bola papunta kay Sakuragi para matapisod ito sa ginagawa niyang footwork drills.

Pagtayo ni Sakuragi ay tinignan nalang niya si Rukawa at akmang aalis.

Rukawa: 1-on-1

Sakuragi: Yoko. Ge

Rukawa: Walang pusta.

Napatingin naman sakanya si Sakuragi

Sakuragi: Bola ko.

Rukawa: Ge.

At nagsimula silang dalawa sa paglalaro. Sinaseize up ni Sakuragi ang depensa ni Rukawa na walang makitang butas kaya pumoste nalang si Sakuragi at nagspin sa kanan. Nasundan naman siya ni Rukawa pero biglang nagstep back si Sakuragi at tumalon ng mataas, walang naabot si Rukawa kaya pumasok ang bola.

1-0

Rukawa: raise to 5 lang ang score.

Sakuragi: Ge.

Nang bola na ni Rukawa ay ginagawa na nito ang favourite niyang technique, ang Change of Pace. Malinis na crossover ang ginawa ni Rukawa pero nahuli iyon ni Sakuragi kaya napilitan nalang siyang tumira kesa maagaw. At sumablay nga siya sa tira.

Bola na ni Sakuragi. Ganun ulit, tinitignan niya kung paano dedepensahan ni Rukawa ang bola.

Aoi: Hanamichi-kun, inaantok na ko. Bilisan niyo na jaaaan

Hanamichi: wait lang. Hanggang 5 lang.

Aoi: Ok.

Biglang nagdribble ng mabilis si Sakuragi sabay wide crossover pakanan na nagbigay sakanya ng space para tumira ng easy jumper at pasok nga.

Sakuragi: Ok na yun. Panalo na ko. Antok na mahal ko e. Ge.

Rukawa: Sorry.

Sakuragi: Ha? Di ko narinig.

Rukawa: Wala! Gunggong. Ge

At nagmadaling umalis si Rukawa at iniwan sila Sakuragi sa court.

Aoi: Ang kulit niyo magusap. 1-3 words hahahahaha. Pano kayo nagkakaintindihan.

Sakuragi: Di ko alam. Basta mahal kita ok na yun. Hahahahaha

Aoi: Hahaha. Siraulo. Lika na nga.

Sa labas naman ng court kung nasaan yung tatlong nanonood, si Miyagi, Mitsui at Yasuda.

Mitsui: GAAAAAH!! Bitin! Ganda ganda ng laban umayaw agad si Hanamichin! Buwiset talaga yun kahit kelan!

Miyagi: Hahahaha. Akina ¥500 panalo ako. Hahahaha.

Yasuda: Kala ko aawat kayo kaya niyo sinundan si Rukawa. PAGPUPUSTAHAN NIYO LANG PALA SILANG DALAWA. MGA BWISIT. HNG!!

At umalis si Yasu na nagmamartya pabalik sa Hotel.

Miyagi: Problema ni Yasu. Hay. Tara na nga. Hinihintay na ko ni Ayako my labs. Hahahahahah

Mitsui: Ayy feeling si Koya oh. Hahahaha hinihintay daw eh nakaisang dosenang hataw ng pamaypay nga ang natanggap mo buong araw. Hahahaha

Miyagi: Nnnnnng!! Panira ka talaga! Bungal!

Nagpatuloy ang asaran nilang dalawa hanggang sa umabot sila sa Hotel.

Samantala, nagddrive na pauwi si Sakuragi, kasama si Aoi na todo yakap kay Sakuragi. Paguwi nila ay naabutan na nilang tulog si Baby Miya kaya tahimik nalang silang pumunta sa kusina para kainin ang mga pinamili nila. After nilang kumain ay dumiretso na sila sa kwarto. 1 hour after nilang makaligo ng parehas ay humiga sila sa kama. Napansin naman ni Sakuragi na nananahimik si Aoi, kaya hinila niya ito para makaunan sa kanyang dibdib.

Sakuragi: Anong iniisip mo? Antahimik mo eh

Aoi: Wala. Iniisip ko lang kung tama ba talagang naging official na tayo. Ikaw antahimik mo din. Ano bang iniisip mo?

Sakuragi: Wala. Tawagan lang natin. Hahahahaha

Aoi: Endearment amm.. hahahahaha

Sakuragi: tatawagin kitang, hmm.. "Labidabs" hahahahaha. Aray!

Dahil pinalo siya ni Aoi sa dibdib.

Aoi: Ang corny corny amm.. labidabs. Hahahaha.

Sakuragi: Eh ano ay?

Aoi: Bahala ka sa tatawag mo sakin ah. Ang itatawag ko sayo ay, Red. Hahahaha

Sakuragi: Bakit red?

Aoi: Kasi kay red-haired Sakuragi unang nainlove eh. Kaya ikaw si Red! Diba?? Diba??

Sakuragi: Oo na. Hmm. Pano kung tawagin kitang,....

Aoi: ano?

Sakuragi: Tatawagin kitang....

Aoi: Ano? Sasapakin na kita jan.

Sakuragi: Cutiepie. Hahahahahaha

Aoi: Ampangiiit. Ayusin mo o ihuhulog kita sa kama. Hng!

Sakuragi: Aijoo.

Kinilig naman si Aoi dun at pinagpapalo sa dibdib si Sakuragi.

Sakuragi: Uy, grabe ka kiligin, natutulog yung baby sa kabilang kwarto. Hahahaha.

Aoi: Ikaw eh. I love you.

Sakuragi: I love you.

Aoi: Sa tabi kita matutulog ha.

Sakuragi: Goodnight, Aijoo.

Aoi: Goodnight, Red. Hihi.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon