Ang paguusap.

214 9 0
                                    

Sakuragi's POV

Matapos kong ihatid si Aoi ay dumiretso na ako sa bahay nila Tatang. Pinapasok ako ng asawa niya at nagsimula ang paguusap namin ni Tatang sa living room area nila.

Magkaharap kami ni tatang habang umiinom ng kape.

Coach: Anong gusto mong pagusapan, Sakuragi?

Ako: Ah, a-ano po kasi, gusto ko po sanang magpaalam kung puwede kong tanggapin ang alok saakin ni Dr. Yamaguchi, gusto niya akong isama sa America para doon magensayo.

Coach: Anong desisyon mo, hijo?

Ako: Sinabi ko pong gusto kong gawin, pero kailangan ko po munang tuparin ang ipinangako ko kay Captain na gagawin ko munang #1 team ang Shohoku sa buong bansa. If maipanalo po namin ang laban sa Elimination games and interhigh, baka umalis na po ako ng team at ipagpatuloy ang pagaaral sa America.

Coach: Talagang nagbago na nga ang pananaw mo sa buhay. Bueno, pinapayagan kita sa gusto mong mangyari, buhay mo padin naman yan. Alam kong marami kang matututunan pagapak mo palang ng America.

Ako: Tyaka po, tatang, every Saturdays and Sundays po ay wala ako sa team practices para sa personal training ko po sa Saitama sa ilalim ni Dr. Yamaguchi.

Coach: Aah. Siya ang coach ng National team. Sige, payag din ako pero hwag kang magpapabaya.

Ako: Salamat po, tatang. Mauna na po ako, salamat din po sa mainit na kape.

Coach: Magingat ka sa paguwi, Hijo.

Ako: Opo. Safe travels po sakin.

Paglabas ko ng bahay nila coach ay nakita ko sila Haruko at Rukawa na naglalakad pauwi, kaya tinanguan ko silang dalawa, ang pinagtataka ko lang ay kung bakit malungkot ang mga mata ni Haruko ng tumingin siya sakin.

Di bale na nga lang. Uuwi na ko at nagugutom na. Kaya paguwi ko ay agad akong nagluto ng makakain, habang nagluluto ay nagchat si Aoi.

Aoi: nakauwi ka na ba?

Ako: Oo, nanggaling ako kila coach. Nagluluto ako ngayon ng makakain.

Nagsend ako sakanya ng picture ng niluluto ko.

Ako: gusto mo?

Aoi: Oo pero magkaiba kasi ng direksyon mga tirahan natin e. Sayang.

Ako: haha. Oo nga.. dalan nalang kita sa school pag hindi gaanong busy.

Aoi: promise mo yan ah.

Napangiti naman ako, kakakilala lang namin pero magaan na agad ang loob ko sakanya. Tulad ko, magisa nalang din siya sa buhay dahil iniwan siya ng mga magulang niyang nagtago ng dahil sa utang na hindi nabayaran.

Habang kumakain ako ay nagvideo call siya sakin. Nagusap kami at parehas kaming naghahapunan.

Ako: Burger? Huwag kang masyadong nagkakain niyan ah, d mo alam madaming preservatives added yan at nakakasama sa atay.

Aoi: Hmm? Talaga? Masarap nga kasi e. Pero ngayon alam ko na.

Ako: Hindi naman sa bawal. Pero mas ok kung paminsan minsan lang, diba?

Aoi: yang kinakain mo, mukhang masarap ah.

Ako: Sus. Takoyaki lang to. Hahah

Nagpatuloy pa ang paguusap namin kaya naging masaya ang gabi. Nagkulitan kami, ultimo habang nagtooth brush kami ay naka video call padin. Hanggang sa matulog na kaming pareho.

Kinabukasan, nagdrive na ko papunta sa school, pagkapark ko parking lot ay nandoon si Haruko, magisa. Kaya nilapitan ko siya after kong hubarin ang jacket, gloves at helmet ko.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon