Nangangalahati na ang first quarter at umaalagwa na ang kalamangan ng Shohoku. Talong talo ang Kainan sa ilalim, akala din nila ay nakalamang sila sa point guard. Pero nagmistulang bangungot sakanila si Sakuragi na ngayon ay namamayagpag at naglalaro ng dalawang position
Yup, walang legit point guard ngayon ang Shohoku, pero nandiyan si Sakuragi na nagsisilbing PG/PF ng team na lubos nga nilang ikinalamang dahil may tira ito sa labas.
Nagpapaulan naman si Mitsui sa labas, na hindi mapigilan ni Jin at Muto. Isama pa si Kogure na nakakashoot ng paisa isa sa corner. Hindi din mapigilan ni Takasago si Akagi sa ilalim. Hindi din makaporma si Kiyota kay Sakuragi, kaya puro alanganin ang lagay niya. Ang score ay 32-18. Lamang na lamang ang Shohoku at mahigit limang minuto nalang ang nalalabi sa first quarter.
Sabayan mo pa ng takeover mode ni Rukawa dahil sa matutulis na pasang naikokonekta ni Sakuragi, mapaposte man, mapatres man, o mapaalley oop play man. Parang silang dalawa si Batman and Robin. Kung saan si Batman si Sakuragi.
Kasalukuyang nakatime out ang Kainan at lahat sila ay pangit ang body language, hindi nila to inaasahan.
Coach Takato: Jin, sayo lahat ng bola. Alam kong kaya mo yan, kaya magpakatatag ka. Maki, kunin mo si Sakuragi sa depensa sa ilalim. Si Kiyota na ang magbabantay kay Rukawa. Kiyota, pag nasayo naman ang bola, pilitin mong kumuha ng foul kay Sakuragi, kahit ganyan na yan kagaling ay baguhan padin yan. Magdadalawang taon palang siyang naglalaro kaya baka naman kayanin mo padin siya sa gulangan.
Maki, Jin, at Kiyota: Opo.
At nang matapos ang first quarter, nagseset na ng bola si Maki, agad namang tumakbo si Kiyota para magscreen para kay Jin. Ginamit naman nito ang solid pick ni Kiyota at nalibre siya ng bahagya. Pumasok ang tira ni Jin at doon ay naibaba nila ang kalamangan ng Shohoku. 32-21. 5:13 remaining.
Nagseset na si Sakuragi ng play at tinitignan tignan niya si Mitsui. Dahil nahalata niya na gusto nitong bumawi, kaya nagdrive si Sakuragi sa ilalim at hinabol naman siya ni Maki, isang matalas na snag back nga ang ginawa ni Sakuragi at ipinasa ng mabilis kay Mitsui ang bola kung saan nga ay nakatira ito ng libre. Sinabayan naman siya ni Jin, pero talagang iba si Mitsui, hindi siya naiilang tumira. Dito nga ay pumasok ang tira niya at nagthumbs up kay Sakuragi. 35-21.
Nang si Maki na ang nagseset, ay humingi siya ng screen kay Muto para si Kogure ang kukuha sakanya. Dito nga ay pinagiigihan ni Kogure ang pagbabantay. Pero napwersa parin siya dahilan ng kanyang pagbagsak at nalibre nanaman siya. Kaya walang nagawa si Rukawa kundi ang umangat at pabayaan si Muto sa gilid. At doon nga pinasa ni Maki ang bola, titira nalang sana siya ng mahabol siya ni Mitsui kaya ipinasa na niya ang bola sa libreng libreng si Jin sa left wing. 35-24. 4:50 remaining.
Napansin nga ni Sakuragi ang nangyaring ito. Maaari na sanang si Maki na ang tumapos sa play pero pinili padin niyang ipasa ang bola sa open teammates niya. Kaya nakapagpasya siyang lapitan si Kogure at Rukawa habang si Rukawa na ang nagdadala.
Sakuragi: Guys, walang switch. Rukawa, labanan mo yung pick, and Kogure-senpai, hedge ka lang, pero wag kang magcocommit sa depensa kay Maki, ok?
Kogure: Pasensya niya. Nakalusot siya sakin.
Rukawa: Sige. Oh, bola. Ikaw na magset.
At inabot nga ni Rukawa ang bola kay Sakuragi, napansin niyang si Maki ulit ang kumukuha sakanya, kaya naging seryoso ang kanyang muka at nagdribble. Kalat ang kanyang mga mata sa kanyang mga kakampi, isang napakabilis na cross over nga ang ginagawa niya para makalusot kay Maki, nakarecover naman agad si Maki at sinubukan pa niyang agawin ang bola kay Sakuragi, pero napakabilis na spin moves nga ay ginawa niya dahilan para maiwan si Maki, na siya namang ikinagulat nito, nakita niyang binigyan ni Kogure ng screen si Mitsui kaya nalibre nanaman ito sa tres. Dali daling ipinasa ni Sakuragi ang bola kay Mitsui. Isang quick release nalang ang ginawa niya at umalog papasok ang bola. 38-24. 4:30 remaining.
Si Maki na ulit ang nagbaba ng bola at sa pagkakataong ito ay si Sakuragi ang kumukuha sakanya. Sinubukan niyang tibagin ang depensa ni Sakuragi pero hindi niya ito maitulak dahil sa bigat at lakas nito, sinubukan niya ding daanin sa bilis pero hindi pa din umuubra. Kaya ipinasa niya ang bola kay Jin. Hindi ito libre pero paubos na kasi ang oras kaya kumuha siya ng isang dribble at nagleaning three ball siya sa harap ni Mitsui. Tulad ng inaasahan, dahil pikado siya ay sumablay ang tira niya.
Pero, dahil wala si Sakuragi sa ilalim ay si Kiyota ang nakakuha ng bola sa taas, agad niya itong inangat. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang sumulpot si Sakuragi sa peak at inisnatch block nga ang bola sa pagbitaw ng tira ni Kiyota. Labis na ikinagulat iyon ni Maki at ng buong Kainan.
Agad na ibinaba ni Sakuragi ang bola at hinabol naman siya ni Kiyota at Maki, pinagitnaan siya ng dalawa, kaya naman nang makita ito ni Rukawa ay agad itong tumakbo sa ilalim, kaya nagulat nalang sila ng ibato ni Sakuragi ang bola from half court habang tumatakbo. Nagulat sila ng nandun na si Rukawa para sa isang easy slam dunk. 40-26. 4:15 remaining.
Kaya dito nga ay nakaramdam ng bigat si Maki. At kinuha nalang ang bola. Naisip na niyang magtakeover, para kahit papano ay maibaba ang iniinda nilang deficit sa laban.
BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
FanfictionSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.