Habang nagalakad si Sakuragi pabalik sa bench ay tumabi sakanyang paglalakad si Rukawa. Hindi naman niya ito tinitignan. Dahil nasa mood makipagasaran si Rukawa ay tinangka niyang hawakan ang kanyang kamay. Nagsalita na boses na babae pa. Na talaga namang ikinatawa ng dalawa nilang manager at nila Michi.
Rukawa: S-sakuragi-kyun, jologs mo ko mamaya ha.
Sakuragi: Goooorii!! Aatakihin na ko sa puso dahil sa kupal na to.
Nagkunyari pang hahalikan ni Rukawa kaya.. tinulak nanaman siya sa mukha ni Sakuragi.
Sakuragi: Staaaaaaaaap!! Rukawa, pwede ka na mandiri anumang oras!!!
Ayako: Bagay na bagay kayo. Hahahahaha
Sakuragi: Ate mangilabutan ka naman!!
Dahil sobrang pangingilabot niya ay talagang nagsitaasan lahat ng balahibo niya sa katawan. Maging ang mga buhok niya ay bahagyang tumayo.
Maya maya pa ay si Riyota naman ang gumaya at siya naman ang yumakap sa braso ni Sakuragi. Pero wala lang kay Sakuragi yun dahil sanay na sanay siya sa kalokohan ni Riyota.
Rukawa: Manloloko ka Riyota, sabi mo pagginanito ko siya ay mapapalapit na ang kalooban niya sakin. Sinungaling.
Riyota: Hahahahah! Bestfriend ko kaya to kaya ok lang na gawin ko to sakanya.
Sakuragi: Gago ka talaga kulot! Babangungutin ako sayo eh.
Riyota: Ok lang yan. Lab naman kita eh. Mwah. Labyu. Nyahahahaha..
Nakaisip naman si Sakuragi ng kalokohan.
Sakuragi: Talaga? Bat sakin mo sinasabi yan? Anjan kaya si Ate Ayako sa paligid.
Pinamulahan naman ng muka si Riyota at napabitaw kay Sakuragi.
Riyota: Hoy! Kala mo ka naman! Baka nakakalimutan mong last year iniimiganine mo si Ano habang nagAANO ka dun sa ano ng gym!!
Ayako: Ano nanaman yan!! Andugyot niyo!!
Sakuragi: Ggggahhh!! Gago ka talagang bansot ka!! Manyak!!
Ayako: Ano bang pinagsasasabi netong si Riyota, ha, Hanamichi??
Sakuragi: B-boys talk. Wala lang yun kalokohan nanaman ng boyfriend mo.. nyahahahahaha
Akagi: Hay, bakit ba ko napapaligiran ng mga lalaking engot. Hay.
Rukawa: Kasama ba ko dun? Pogi ko kaya.
Akagi: Oo! Kasama ka na dun! Siraulo ka nadin. Sa dinami dami ng makakaimpluwensya sayo si Miyagi at Mitsui pa! Buti pa si Sakuragi, tumino.. ng BAHAGYA!!
At dun nga ay binigyan niya ng umbag si Rukawa.
Rukawa: Aah!! Ouch!
Sakuragi: Buti nga sayo! Kaederi!! Bago mong palayaw sa Henyo yan. Nyahahahaha. Kaederi.
Maya maya ay siya naman ang inakbayan ni Akagi.
Sakuragi: Gori?
Akagi: Sakuragi-kun, Sakuragi-kun. Mukhang nakalimutan mo ang kasalanan ng pamangkin mo sakin no. Ano yun? Goli?
Namutla at napalunok si Sakuragi dun. Nang walang ano ano ay sinakal siya ni Akagi gamit ang mga braso niya habang naglalakad.
Rukawa: Oh? Sinabi ng bata sakanya yun?
Aoi: Oo. At tinawanan pa siya ni Sakuragi ng sobrang lakas nun. That happens the morning after your incident with him happened.
Rukawa: Hay! Pamilya sila ng mga gunggong.
Nang marating na nila ang bench nila ay serious face na ulit sila. Walang mababakas ng kahit anong kalokohan. Dito ay inalok ulit ni Ayako si Aoi ng manager's pass pero tumanggi parin itong kunin dahil may mga kasama padin siya sa taas. Si Matsui at Fuji ay nauna na dun sa pwesto nila. Kung saan ay chinichismis nila ang ginawang pamimisikal ni Aoi kay Sakuragi.
Yohei: Grabe! Paalalahanan niyo kong maging mas lalong mabait sakanya ha? Hahaha
Takamiya: hindi na din ako kukuha sa pagkain niya.
Noma: Kawawang Hanamichi. Hahahaha
Ohkuso: Oo nga. Hahahaha. Hanamichi my friend, ipapaubaya na kita sa langit. Hahahahaha
Natahimik naman sila ng makita nilang paparating na si Aoi.
Sa bench naman ay magkatabi si Sakuragi at Haruko. Nasa gilid nila si Ayako, na pinagagalitan ang dalawang tukmol na si Riyota at Mitsui.
Sakuragi: Di na tayo nakakapagusap gaano ilang araw na ah. Kumusta na ba ang maganda kong bestfriend?
Haruko: A-ah. Ahmm. Ok lang naman. Congrats pala sa inyo ni Aoi.
Sakuragi: Thanks. Nagkaayos na ba kayo ni Rukawa? Medyo masakit ang sampal mo sakanya nung gabing yun ah.
Haruko: Hindi. Wala din akong plano. He's been an asshole to you this whole time you know.
Sakuragi: You know, nakikita ko naman ng nagbabago na siya eh. Naging madaldal at lumakas mang asar. You better open up to him again para maging masaya ka na.
Haruko: No. I opened up to the one I really love pero nireject niya lang ako. Kaya no, thank you.
Sakuragi: That's just how life goes, Haruko-chan. Not all the things you want you can get. Look at me, I never had myself stuck in the past where in I was a wounded wolf. I never isolated myself, I pushed myself to the brink of my limitation and I am who I am now, thanks to that.
Haruko: Oo. Salamat.
Tatayo na sana siya at aalis sa pagkakaupo pero hinigit siya ni Sakuragi at niyakap.
Sakuragi: Like ever before, Haruko, I only wanted to see you happy, as your friend. Start by talking to your bestfriends up there. Ok?
Niyakap naman siya ni Haruko pabalik. Dito nga ay talagang pinagsarhan na siya ni Sakuragi ng pinto sa posibilidad na magiging sila pa.
Haruko's POV
Wala na. Tapos na po ang laban. Mukang kailangan ko na magmove on. Dito sa laban nato ako natalo. Bakit kasi hindi ko kagad nakita ang worth niya. Kung napansin ko kagad siya, may tyansa pa kayang maging kami? Antanga ko naman kasi, bat ba ko nagpaligaw sa crush ko? Ayan tuloy.
Pero sakabila ng lahat ng ito ay ipinakita padin niyang parte padin ako ng buhay niya. Na mahal padin niya ako bilang kaibigan, kaligayahan ko padin ang iniisip niya.
Pumunta muna ako sa restroom, sa isang cubicle at tahimik na umiiyak. Gusto ko munang mapagisa. Kahit saglit lang. Nang may marinig akong dalawang pamilyar na boses. Mukang alam din nilang nandito ako sa isang cubicle.
Fuji: Matsui, namimiss ko na si Haruko, sana ok lang siya, no. Love na love ko kaya yung babaita na yun kahit eengot engot at padalos dalos.
Matsui: Hay, ayokong makaramdam ng awa sakanya, gusto ko puro pagmamahal lang. Ayaw ko kasi siyang nakikita talagang umiiyak at malungkot. Pero iniwan padin natin siya nung naging sila ni Rukawa.
Binuksan ko ang pinto ng cubicle ko at siya namang pagyakap nila sakin. At dun na ko talagang napahagulgol. Namiss ko sila! Ilang bwan din nila akong hindi kinausap. Sana ay maging ok na kami.
Ilang minuto pang ganun ay nagsalita na si Fuji ng malungkot ang mukha.
Fuji: Girls. Alam ko ngayon lang ulit tayo nagsama sama. Pero may bad news ako sainyo.
Nagtataka naman kami ni Matsui at napatingin kami kay Fuji.
Fuji: Sa Hokkaido na ko magtutuloy sa pagaaral, dahil nagkasakit ang papa ko at kailangan niya ng magaalaga at tutulong kay mama sa gawaing bahay. Magiging intouch padin naman ako sainyo. Tyaka malay niyo sa same college din tayo magaaral diba?
Ako: Hala, grabe naman niyan. Ngayon nalang nga tayo nagkausap usap ulit eh. Hay.
Niyakap ko ulit siya, ganyn din si Matsui.
![](https://img.wattpad.com/cover/349359917-288-k722620.jpg)
BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
FanfictionSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.