3 Minor Games Recap

89 6 0
                                    

Sa mga nakalipas na laro ay tinalo nila ang Miyuradai, Takezono, Chukubu kung saan ay lahat ng team na ito ay tinambakan ng Shohoku. Sa team ng Chukubu ay todo pantatrash talk ang natanggap ni Sakuragi sa center na si Nango. Kaya walang nagawa si coach Anzai kundi ipasok si Sakuragi at walang ginawa si Sakuragi kundi punteryahin ng punteryahin si Nango ng mga pagkuha ng fouls hanggang sa na foul out si Nango ng hindi manlang nangangalahati sa third quarter. Duon ay napasarap na ang laro niya at punudpod niya ng trash talk si Nango at tuluyan na ngang napahiya. Muntik pa ngang magkagulo nang idamay ng walang hiyang center ng Chukubo na yan ang mga namaalam na magulang ni Sakuragi, nang marinig yun ni Mitsui ay siya mismo ang lumapit sa bench ng Chukubo para sampalin ng malutong ang center na ito. Bandang huli ay nathrown out padin si Mitsui. Pero kahit ganoon ay tinambakan padin sila ng Shohoku ng almost 60 points. At lubos ang pagbasag ng puso at pagkatao ni Nango ng harap harapan siyang bustedin ni Haruko at ipagkailang hindi siya nito kilala. Pati si Aoi ay hindi napigilang batuhin siya ng bote ng softdrinks dahil sa kawalang hiyaan nito.

After that game ay nabalitaan nalang nila Sakuragi na ginulpi ng mga tropa niya ang balasubas na sentro na ito at malamang sa malamang ay mapatalsik na ito sa line up ng Chukubo.

Labis namang naapektuhan si Sakuragi sa mga salitang narinig niya galing kay Nango kaya dinamdam niya ito at nagflash back sa isip niya kung papano namatay ang ama niya ng wala siyang nagawa. Nang mapansin ito ni Coach Anzai ay nilapitan niya si Sakuragi upang kausapin ng masinsinan, ipinaitindi sakanya ng coach na kinikilala na rin nya bilang pangalawang ama na may kasalanan padin siya sa pagkamatay ng ama niya, pero hindi lahat yun ay kasalanan niya, mostly the ones who are there to stop him from getting some help. Dito ay inopen din niyang hindi na niya nakilala ang nanay niya dahil namatay na ito sa ilang araw pagkapanganak sakanya. So sa madaling sabi ay lumaki si Sakuragi ng walang tamang paggabay ng ama at ina. Kaya nagpresinta si Coach Anzai na patuluyin nalang siya sakanila, ngunit tumanggi si Sakuragi dahil ayaw niyang makaabala, bagamat desidido na si coach na ganun ang gagawin, ganun nalang din ang pagtanggi niya dahil lumalabas na kinaaawaan lang siya ng matanda kahit alam naman niyang hindi.

So, ang Miyuradai ay tinambakan ng Shohoku sa score na 129-70, ang Takezono ay tinambakan nila sa score na 124-73 at ang Chukubu ay tinapos nila na ang score ay 111-53.

Dito sa mga larong ito ay naging sikat ang Shohoku, si Mitsui ay pinadalhan ng madaming proposal ng mga minor universities na nagcocompete sa Tokyo Collegiate Leagues. Ang tumatak ay ang Shintai University of Tokyo, kung saan ay mas pinagtutuunan nila ng pansin ang pagaaral ng bawat atleta na nagaaral sa college nila.

Naging laman din ng diyaryo at social media ang pangwawasak ng Shohoku sa mga Kanagawa teams kagaya ng Ryonan. At ang ating bidang si Sakuragi ang naging bida din sa front page ng mga nasabing tabloids na nagkalat kalat sa lansangan.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon