Shohoku Vs. Toyotama 2 - Dirty play?

172 8 0
                                    

Nagpatuloy ang laban sa pagitan ng Shohoku at Toyotama, patapos na nga ang first half at sobrang laki ng lamang ng Shohoku sa Toyotama. Ang score ay 51-28. 2:36 nalang ay matatapos na ang laban. Dito nga ay bola naman ng Shohoku. Si Rukawa ang nagseset ng play, para pagpahingahin naman ng bahagya si Sakuragi.

Sakuragi: Huwag dyan. Aabangan ka sa double team.

Sumunod naman si Rukawa kaya sa kabila siya pumasok, nagpumilit naman si Kishimoto sa pagtulong kaya nalibre si Sakuragi, biglang nagclose out sakanya si Itakura kaya inikot nalang niya ang bola papunta kay Riyota para bigyan ulit ng poste si Rukawa sa loob. Pagkabigay nga ng bola kay Rukawa ay agad itong nagface up jumper sa mid range dahil paubos na ang shot clock nila. Dun nga ay pumasok ang bola. 53-28. 2:08 seconds remaining.

Sa dipensa naman ay si Sakuragi na ang kumukuha kay Minami, si Rukawa laban kay Kishimoto and Riyota kay Itakura. Si Akagi naman ang nagsilbing tao sa loob.

Sinubukang tibagin ni Minami ang dipensa ni Sakuragi ngunit nabibigo siya. Kaya ibinalik nalang niya kay Itakura ang bola para siya na ang tumapos.

Sinugod ni Itakura ang basket pero nahuli naman ni Riyota ang bola sa baba, kaya napunta ang possession sakanila. Itatakbo na sana niya ang bola ng hingin sakanya ni Sakuragi ang bola.

Sakuragi: Easy. Easy. Malapit na matapos ang quarter kaya ubusin nalang natin ang oras. About 1 minute mark nalang.

At ibinalik naman agad ni Sakuragi ang bola kay Riyota. Nang makita niyang kalmado na siya.

Pumwesto na si Sakuragi sa Left wing at si Kishimoto ang tumatao sakanya.

Nang mauubos na ang shot clock nila ay ibinigay ni Miyagi ang bola kay Sakuragi, nanghingi naman ng Screen si Sakuragi kay Rukawa kaya sumunod ito.

Nang makawala siya kay Kishimoto ay akma itong titira, kaya alanganing close out ang ginawa ni Minami sakanya. Kaya ipinasa ni Sakuragi ang bola kay Rukawa na nagbackdoor cut. At nagdrop pass kay Akagi para sa easy points.

Biglang pumito ang referee.

Referee: Emergency Time Out! Shohoku!

Napatingin silang lahat sa referee na at napansing nakatagilid si Sakuragi sa sahig habang hawak hawak niya ang kaliwang paa niya.

Minami: Shohoku, maniwala kayo, hindi ko sinasadya.

Nang magdilim ang paningin ni Rukawa at kinwelyuhan niya si Minami, hindi pumiglas si Minami, at halatang hindi niya talaga sinasadya.

Agad naman tumakbo ang mga manager ng Shohoku sa loob ng court para puntahan si Sakuragi.

Akagi: Rukawa, tama na yan.

Hinawakan nga ng madiin ni Akagi si Rukawa sa kanang balikat.

Rukawa: Pag hindi nakabalik si Sakuragi sa laro, maghanda ka. Dudurugin kita!

At binitawan na ni Rukawa si Minami.

Haruko: Ok ka lang? Anong masakit?

Hindi sumasagot si Sakuragi. Dahil naalala naman niya ang panahong nasa centre siya. Magisang naiinip sa pagpapagaling niya.

Ayako: Sakuragi-kun, aalisin namin ang sapatos mo ha.

Habang inaasikaso nila si Sakuragi, nakatulala lang na nakitingin sila Aoi sakanya.

Aoi: Hanamichi!

Hinawakan naman siya ni Yohei.

Aoi: Ano ba Yohei?! Bitawan mo ko!

Yohei: Hindi ka pwedeng lumapit dun. Hindi tayo authorized kahit taga Shohoku pa tayo.

Wala naman siyang nagawa kundi sumunod.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon