Meeting after the game. Decisions has been made.

140 7 1
                                    

S locker room nga ay tahimik na naghihintay ang buong team kay Sakuragi. Naiintindihan nilang kinausap ni Sakuragi si Sendo upang humingi ng dispensa sa nangyari ngang aksidente kung saan ay nagkaron ng hip injury si Sendo. Bagamat nakabalik siya sa laro ay feeling ni Sakuragi ay hindi naging patas ang panalo niya.

Limang minuto pa ay nakapasok na si Sakuragi sa locker room kasama si Aoi. Paglapit nilang dalawa ay nagbigay naman ng space si Rukawa. Pero nangaasar padin ang muka neto.

Sakuragi: wala bang ibang upuan? Hay namaaaan!

Rukawa: Bat ba kasi ayaw mong tabihan ang boyfriend mo? Ha? Ayii!! Kilig akuuuu!!

Nagtawananan naman sila.

Rukawa: O baka naman mas gusto mong nakakandong ako sayo? Sakuragi-kyun.

Napatawa nanaman sila.

Miyagi: Hahahaha!! Gagong gago. Kinacareer na niya! Hahahahaha

Sakuragi: Riyooooochiiiiin!! Kasalanan mo to! Pag hindi ako nagising bukas mumultuhin kitaaaaa!!

Mitsui: Hahahahaha! Tangna! Bagay na bagay kayo! Hahahahah.

Namutla naman ang mukha ni Sakuragi at nagpasya nalang na umupo nalang dun sa kama katabi ni Ayako.

Miyagi: Hng! Hoy! Jan ako!

Sakuragi: Ayy hindi! Dun ka maupo katabi ni Kaederi! Kasalanan mo yan! Puro ka kasi kabulastugan kung anu anong tinuturo mo! Ayan! Tignan mo! Muka ng hinipan ng hangin!

Haruko: Hng! Ako jan eh! Katabi ko si Ate!

Sakuragi: Ayokong katabi si Kaediri! Kinikilabutan ako. Haruko-chaaaaaan! Dito nalang ako pweaaaaase?

Haruko: Hng! Hindi mo ko makukuha kakaganyan mo!

Namumula naman ang mga pisngi niya kahit sinasabi niya to.

Sakuragi: Pweeeeeease?

Haruko: Hng! S-sige na nga! Pero ngayon lang to ah!

Ayako: Hay nako. Kabilis mo talagang bumigay pag si Sakuragi. Kahit noong patay na patay ka pa kay Kaederi eh kalambot ng puso mo sakanya.

Maya maya pa ay nagsalita na si Coach Anzai.

Coach: Mga bata, ang mga susunod nating makakalaban ay ang mga team na tinatalo at tinatambakan natin sa Kanagawa. Sila ang mga tinatawag nating Wildcards. 3 days from now, Miyuradai ang kalaban natin. 2 days after that, Takezono naman, 2 days after ng Takezono ay Chukubo naman. Inaasahan kong mananalo padin kayo. Si Sakuragi ay hindi na muna natin palalaruin sa mga paparating na laro. At si Akagi naman ang makakabalik dahil mahaba ang pahinga para gumaling ang mga paa niya.

Sakuragi: Bakit naman po ako hindi makakalaro, Tatang?

Coach: Dahil iniingatan ka pa namin. Napagdesisyunan ng buong team na ipahinga ka muna. Dahil sa loob ng dalawang laro natin ay dalawang beses ka din nasaktan. Hindi ka namin isusugal para lang sa matambakan ang mga kalaban. Pagkatapos natin sa Chukubo ay ang makakalaban natin ay ang kung sinong mananalo sa Aiwa at Shoyo, bukas ng hapon.

Sakuragi: Pero, gusto ko po sana makalaro si Oda!

Coach: Pasensya na Hijo. Pero wala ng binatbat sayo si Oda ngayon kaya wala na ding sense kung ipapasok kita. Tyaka isa pa, hindi din siya cleared maglaro dahil may right ankle injury siya.

Hinaplos naman ni Aoi ang buhok ni Sakuragi.

Aoi: Ok lang yan, Red. Makinig ka nalang sakanila. Dahil pag nakalusot ang Aiwa sa Shoyo, pagkakataon mo naman para maghiganti sa ginawa ng power forward nila sayo.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon