Shohoku Vs. Ryonan 3 - Kahit Wala si Sendo

126 10 2
                                    

Matapos ang dalawang minutong pahinga ay maayos na ulit si Sakuragi. Nanlilisik na ang kanyang mata upang bumalik sa paglalaro. Halatang gusto na niyang sumabak sa panibagong giyera sa 2nd quarter, dahil wala siya kanina ay naitabla ng Riyonan ang laro sa score na 34-34. Hindi padin gumagana ang shooting ni Mitsui at halatang frustrated na siya. Sinusunod naman niya ang ipinayo sakanya ng kaibigan niya na ipagpatuloy lang ang pagtira hanggang sa makuha niyang muli ang rythm niya.

Nahihirapan si Sakuragi sa tuwing nakikita niyang ganto ang mga kaibigan niya.

Sakuragi: Tatang, papasok na ko sa 2nd quarter. Ok na ko. Naiintindihan ko na.

Coach: Bueno. May naiisip ka na bang paraan para mapalaki ang lamang?

Sakuragi: Si Mitsui po ang paraan para mapalaki ang kalamangan.

Mitsui: Nanggagago ka nanaman ba? Nakita mong hindi na nga ko makashoot eh! Gusto ko na nga lang maupo dito!

Sakuragi: Ganyan ba ang MVP? Sumusuko? San ka nakilala? Anong signiture mo? Naging MVP ka ba dahil sumuko ka sa laban? Ang point ko dito ay ako ang bahala sayo. Makukuha mo ang mga puntos na gusto mo. Basta tumingin ka lang sakin. Dahil kahit anong oras ay lalapit ako sayo para hand off sequence na gustong gusto mo.

Mitsui: Pag hindi gumana?

Sakuragi: Kelan ka pa natutong magduda sa sarili mo? Come on! Ngayon ka pa ba mawawalan ng bayag??

Napaiwas nalang si Mitsui ng tingin.

Coach: Mitsui, magtiwala ka. Gagana ang plano.

At nagsimula na ang 2nd quarter. Kagaya ni Mitsui, may panibagong vigor na inilalabas ng Ryonan. Mas intense sila kesa nung unang quarter ng laban.

Sakuragi: Maghanda kayo.

At lahat nga sila ay nagsipaghigpitan ng dipensa. At dito nga ay pumepwesto sa poste si Fukuda laban kay Sakuragi, at ipinasa naman sakanya nang magcut sa perimeter si Ikagami para sa pull up jumper. Pumasok ang tira at lamang ang Ryonan.

Nagulat ang Shohoku nang magfull court press ang Ryonan. Dinodouble team si Miyagi, sa back court kaya napilitan itong ipasa kay Sakuragi na dali daling itinawid sa half court ang bola. Pero sobrang higpit ng sumalubong na depensa sakanya na nagmumula kay Fukuda.

Fukuda: Hindi namin kayo hahayang manalo dito, Sakuragi. Patay kung patay! Handa kami!

At dito nga ay napilitang igather ni Sakuragi ang bola upang humanap ng papasahan, nang bigla ngang dumaan si Mitsui sa harap niya at kinuha ang bola. Nagsilbing Pseudo Hand off play ang nangyari at nakatira siya sa tres. Napakalayong tres. Siguro ay nasa 37 foot ang layo. Dito nga ay pumasok ang bola. Tinapik naman siya ni Sakuragi sa batok.

Sakuragi: Depensa na.

Lahat sila: Oo!

Ang score ay 37-36 lamang ang Shohoku.

Dito ay si Uekusa ang seset ng bola at si Riyota naman ang kumukuha sakanya. Sa di nila akalaing pangyayari ay nagcrossover nga ito ng napakabilis, between the legs, behind the back napapunta sa kaliwa ng bigla nitong kabigin ang bola pakanan at naiwan ng tuluyan si Riyota, at bigla itong nagfloater sa freethrow line, dito nga ay pumasok ang tira para maibalik sa Ryonan ang lamang. 38-37. 10:35 remaining.

Bumalik naman sa full court press ang Ryonan kung saan ay lahat sila ay ready magtrap defense sa halfcourt. Kaya naagawan nila si Miyagi at nakapuntos sila. Ang score ay 40-37.

Napaaga nga ang timeout ng Shohoku dahil dito.

Sa pambihirang pangyayari ay ibinagsak ni Coach Anzai ang play board na hawak niya.

Coach: Nakalimutan niyo na ba ang designed play natin sa Full court press?! Ano ang ginawa natin laban sa Sannoh?! Paano natin sila tinalo?! Ganon ang gawin niyo! Bawal ang tamad! Tandaan niyong si Sendo lang ang nawala! Ryonan padin yan! Nakuha niyo??

Lahat sila: O-opo.

Pero nagulat sila at si Sakuragi ay kalmado lang.

Sakuragi: Screen plays lang guys. Every time na mattrap ang kung sino ay kailangang magtulungan tayo sa pagtanggap ng bola. Ok? Walang magagawa kung lahat tayo nagpapanic. Guys, 2nd quarter palang to. Atin to! Kaya damhin niyo!

Lahat sila: Oo!

Pagbalik nila sa laro ay panibagong vigor na din ang pinakikita nila. Nagulat sila ng si Akagi ang nagreceive ng inbound ngunit hindi nila ito maabot kaya madali lang niya itong naipasa kay Sakuragi, siga naman ngayon ang natrap sa gilid kaya binigyan siya ng screen ni Rukawa, pag screen nga ay biglang tumakbo si Rukawa para hingin ang bola kaya ibinigay ito ni Sakuragi sakanya. Libreng lane ang nasa harap ni Rukawa kaya magdudunk nalang sana siya ng biglang sumulpot si Fukuda sa harap niya at hinataw ang bola. At tumalsik papuntang 3 point line kung saan nasalo ni Sakuragi ang long rebound. At dito nga ay sinugod niya ang basket, pero nakarecover naman agad si Fukuda, pero dahil nga mas malakas si Sakuragi at mas mataas ang talon ay naposterize niya si Fukuda at siya namang kinabagsak nito sa sahig. Dito nga ay isang 1 hand monster dunk ang ginawa ni Sakuragi na malamang ay rinig na rinig ang ingay ng pagkadakdak niya sa bola. At pumito ang referee.

Ref.: Blocking foul! White #13! Number 10 1 throw.

At siya namang kinadagundong nang buong gymnasium. Hindi naman nagpahuli si Aoi sa pagtili na pati sila Yohei ay napilitang magtakip ng tenga dahil tatlong babae ngayon ang tili ng tili. Si Aoi, si Matsui at si Fuji.

Nakatayo naman ng maayos si Fukuda at kinantyawan si Sakuragi.

Fukuda: Pogi! May girlfriend na may Jologs pa. San ka pa? Kay Sakuragi ka na.

Ultimo sila Akagi ay natawa kay Fukuda dahil halatang may inggit ito.

Fukuda: Who you ka sakin pag nagkagirlfriend ako.

Namumula na nga si Sakuragi ng todo dahil sa hiya.

Akagi: Magfree throw ka na! Wala nanaman sa laro ang concentration mo.

Rukawa: Hay! Dapat sanay ka na. Gunggong talaga.

Dahil nga wala talaga sa concentration si Sakuragi ay bitin ang free throw nia at bumalik ang bola sakanya. Pero hindi naman siya nataranta at dito ay sapilitan niya ulit inangat ang bola sa kaliwa. Sumabay sakanya si Sugedaira nang biglang inilipat ni Sakuragi ang bola sa kanan at itinira ito. Pag pasok ng bola ay naghiyawan nanaman ang mga tao. Ang score ay 41-40.

Sakuragi: Haha! Sinwerte! Hahaha

Fukuda: Nakakagulat. Meron siyang ganun?

Turan niya habang nakatingin kay Koshino.

Koshino: Hay! Hindi ko alam hindi naman ako taga Shohoku.

Nagpatuloy pa ang dikdikan ng Shohoku at Ryonan. Habang tumatagal ang laban ay napapansin ng lahat na hinihingal na ang lahat ng player sa Ryonan.

Uekusa: Hindi kami susuko!

Ikagami: Ang larong ito ay para kay Captain!

Fukuda: Kaya naming manalo ng wala si Sendo! No Sendo, no problem!

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon