5 Months Later.

292 10 1
                                    

Sakuragi's POV.

Nakapagdesisyon na nga akong itigil ang kahibangan ko, kaya heto ako. Nagbabasa ng mga aralin, para handa ako sa make up examinations pagbalik ko. Nanonood ng mga basketball clips at inaaral ang mga ito para maemulate ko na din pag magaling na ako.

Binabago ko na din ang pananaw ko sa buhay, inaalis ko na ang kayabangan ko. Pagsasalita ng walang pinagbabasehan.

Nakatulong nga naman saakin ang rehabilitation na ito, dahil unti-unti kong nahahanap ang sarili ko.

Araw-araw ko itong ginagawa, naipon nalang din sa table ko sa centre ang mga liham na pinadadala saakin ni Haruko, silyado pa. Dahil hindi ko naman na ito pinagtatangkaang basahin o kung ano pa man. Dahil mapahanggang ngayon ay nasa puso ko padin siya. Gusto ko nalang munang pahupain ang natitirang pagmamahal ko sakanya.

5 months later.

Ako: Doc, marami pong salamat, pakaiingatan ko na po ang sarili ko. Maraming salamat din po pala sa pagttrain niyo saakin sa loob ng isang bwan. Last pa po sana akong nakabalik sa school pero mas pinili ko nalang po na manatili dito at sayang din po kasi ang matututunan.

Doc: Hahaha. Hindi pa tapos ang training mo, Mr. Sakuragi, babalik ka dito every Saturdays and Sundays. Marami pa akong matuturo sayo. Napakadali mo din kasing turuan at matuto.

Ako: Sige po, Doc. Sa susunod na pagbisita ko po sainyo ay hindi bilang pasyente mo, kundi protegè mo.

Ngumiti nalang saakin si Doc at nagpaalam na ulit ako.

Si Doc. Hirose Yamaguchi, ay isang surgeon and therapist. Tinulungan niya akong makabangon ulit at tinuruan niya ko kung papaano ba tamang gumalaw sa loob ng court. Sa loob ng isang buwan ay naituro niya sakin ang mga basic skills na kailangan sa lahat ng playing position.

Habang naglalakad ako dala ang mga gamit ko ay may nakita akong babaeng nagbabasketball sa court. Magaling siya, matangkad, siguro'y hanggang baba ko siya. May mahabang buhok. Pumasok ako kung saan siya naglalaro.

Hindi siya nakatingin saakin pero alam niyang nandoon ako at ipinasa niya saakin ang bola.

Hinawakan ko lang iyon at tumingin ako sakanya.

Ako: Magaling kang maglaro. Halatang hasa ka na sa basketball. Pwede bang matanong ang pangalan mo?

Aoi: Aoi Ando, it's nice to meet you, Hanamichi Sakuragi. Hari ng Rebound.

Ako: Papaano mo ko nakilala?

Aoi: Napanood kita sa Interhigh at nakapasok din ang team namin sa interhigh. Freshmen ako dati sa Fujinoya High sa Saitama. Pero babalik na ko sa hometown ko at dun na magaaral.

Ako: Nice meeting you, Ms. Ando. Goodluck and Bye for now.

Aoi: Magkikita pa tayong muli. Sakuragi-san.

Ngumiti nalang ako sakanya at patuloy nalang sa paglalakad patungo sa train station.

Naalala kong kailangan kong dumaan sa bahay ng Tiyahin ko at may ipamamana daw sakin ang pinsan ko.

Malapit na ko sa train station, Saitama to Osaka naman ang byahe. Atleast 2 hours ang tinagal ng byahe.

Pagbaba ko ay sumakay ako sa taxi at inabot ang mumunting papel sa driver at dinala na niya ko sa address na nakasulat.

Driver: Salamat, Sir. Sa uulitin.

Napanganga ako sa laki ng bahay nila Tita Aya, pagbukas ng gate, nakita ko si kuya Kiyoske.

Kiyoske: Oh, Hanamichi, andyan ka na pala. Magpakita ka muna kay mama at ipapamahagi ko na sayo ang sinasabi ko.

Ako: Salamat po, Kuya.

Inakbayan na niya ako at dinala sa loob.

Kiyoske: Kumusta ka naman? Ayos na ba ang injury mo?

Ako: Opo, kuya. Maayos na. Fully recovered na ko and ready to ball na ulit.

Kiyoske: Mabuti kung ganon.

Tita Aya: Hello sayo, Hijo. Namiss ka namin.

Niyakap ako ni Tita. At niyakap ko din siya. Nagkamustahan kami, inaya niya akong mananghalian, naglalaro kami ngayon ng pamangkin ko ng mga pambatang laro habang si Kuya naman umalis saglit.

Pagkabalik niya ay maihinagis siya saakin. Cellphone na bago at susi.

Ako:Kuya, ano to?

Kiyoske: Bago mong cellphone at susi ng luma kong bike. Sumama ka sakin sa taas.

Sumama ako sakanya at binigay niya saakin ang isang bagong full faced helmet. Inabutan din niya ako ng credit card.

Ako: Kuya, grabe naman to. Kung cellphone lang inaabot mo ok lang. Matatanggap ko, pero ipinapaubaya mo na saakin ang motor mo, sorry kuya pero di ko po matatanggap to.

Kiyoske: Motor yan ng late father mo, ano ka ba.

Pinakita niya saakin ang litrato nilang dalawa bago pa ako ipanganak. Kay papa nga ang motor na to.

Kiyoske: Sayo nararapat yan. At ang credit card na yan ay para sayo, pero wag gaanong magastos ha.

Niyakap ko si kuya Kiyoske.

Ako: Marami pong salamat kuya. Tita, mauna na po ako sainyo. Bibisita nalang po ako pag may oras.

Kiyoske: Safe travel and drive safely.

Nagbow ako sakanila at lumabas na.

Ipakilala ko lang si Kuya Kiyoske at si Tita Aya.

Si tita Aya ay ang nakatatandang kapatid ni papa, matanda siya kay  papa ng 11 years. Siya ang kumupkop saakin noong namatay ang ama ko noong nasa Jr. High palang ako, napilitan akong lumipat dito sa Osaka noon hanggang sa matapos ko ang Jr. High. Si Kuya Kiyoske naman ay isang dating soccer player, nahinto ang kanyang career dahil sa leg injury. Kaya nagpasya nalang siyang magretiro at magfocus sakanyang negosyo. Mayroon na siyang sariling pamilya, at dahil nga matanda na din si tita, dun nalang sila tumutuloy kila tita para makasama niya din ang kanyang ina.

So nagddrive na ko papuntang Kanagawa, 1:30pm na ngayon so may 9 hrs pa akong byahe.

Nagpatuloy ang pagmamaneho ko, hihinto kapag kailangan kong magpagas, at kumain, at magpahinga din.

11:00pm na ng makauwi ako. Pagkatapos maligo ay nagvibrate ang phone ko, may nagfriend request sakin sa facebook, tinignan ko kung sino, iba ang pangalan, hindi ko kilala, kaya inopen ko ang profile niya and tinignan kung sino. Siya pala yung babaeng nakita ko kanina sa Saitama, si Aoi Ando. Inaccept ko ang friend request niya and nagsend ako ng wave sakanya. Nang bigla siyang nagchat.

Aoi: Goodnight, Sakuragi-san. We will meet again.

Ako: Goodnight. I hope so.

At nakatulog na nga ako.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon