On our way.

320 9 4
                                        

Maaga si Sakuragi sa Gym, 7:30 ay nakaupo na siya sa bench dala ang daffle bag niya, he's wearing Shohoku Varsity Jacket, eyeglasses, a cap and headset connected to his phone. Nakaharap siya sa phone niya habang kachat si Aoi. Maya maya'y nag video call ito sakanya at naguusap sila habang naghihintay si Sakuragi sa gym, mamayang gabi pa naman ang laro nila kaya may oras pa silang makapagpahinga pagkarating sa Osaka. Napapangiti naman si Sakuragi sa kalokohan ni Aoi, nagiging mas kumportable na siyang kausapin ni Sakuragi, Aoi nalang ang tawag niya sa kausap niya.

Sakuragi: Aoi, sa tingin mo, kaya kaya namin ngayong taon? Sa lahat ng tournament sa sasalihan namin, I mean.

Aoi: Oo yan, naniniwala akong kaya mo. Ikaw pa. "Henyo" ka diba? Hahaha

Sakuragi: Ayy grabe ka.. hahaha tagal tagal ko ng hindi yan sinasabi sa sarili ko eh. Kayabangan ko lang yan noon na walang pinagbabasehan hahahaha

Aoi: pero henyo ka na ngayon. Pogi pa. Hahahahaha

Sakuragi: Ngaaa!! Hindi kita pwedeng maging jologs! Masyado kang maganda. Nyahahahahahaha

Kinilig naman si Aoi sa sinabi ni Sakuragi, pero hindi niya pinahalata.

Habang naguusap silang dalawa ay nagsidatingan na ang mga kasama ni Sakuragi,

Aoi: Anjan na ba mga kasama mo?

Sakuragi: Oo, pero hinihintay pa namin si Coach at si Gori, pati si Ate Ayako.

Bigla naman siyang binatukan ni Miyagi, at binati.

Miyagi: oy!! Bagong gupet ah. Hahahaha. Poging pogi. Wag mong kakausapin si Ayako my labs ko ah.

Sakuragi: Siraulo, pano naman un eh manager natin yun hahaha.

Sakuragi: Oh sige na, Aoi, tawag nalang ulit ako sayo mamaya after game.

Aoi: Wait! Magmomotor ka?? Sama!!

Sakuragi: Ui, hindi, anlayo nun hahaha may game pa kami mamayang gabi baka abutin pa ko ng hanggang bukas. Hahahaha. Sige na bye na.

Miyagi: Wait! May Bike ka?? Patingin!!

Kaya sinama  siya ni Sakuragi sa parking lot saglit at tinignan niya ang motor.

Miyagi: Astig!! Ambigat hahahaha. Buti kaya mo tong ibalance pag umaandar?

Sakuragi: Oo, madali lang ibalance once umaandar na. Hindi mo na kasi mararamdaman ang bigat nito.

Miyagi: Aah. Ok.

Nang may biglang pumalo sa ulo niya.

Miyagi: Aray!

Paglingon nilang dalawa ay si Ayako.

Ayako: Ikaw ang captain tapos ikaw ang wala dun? Galing mo naman.

At napatingin siya kay Sakuragi na nakasunglasses, nagblush naman siya.

Ayako: H-hello, Sakuragi-kun.

Miyagi: Ha-na-mi-chiiiii!!! Wag mo siyang kakausapin sasakalin kita..

Sakuragi: Hello, Ate Ayako. Tara na, kumpleto na ba dun?

Sakuragi: Hindi pwedeng hindi, manager natin siya, kulot. Tara na nga hahahahah

At nagpatuloy na nga sa paglalakad si Sakuragi, sumunod sakanya si Ayako at ang nakasimangot na si Riyota.

Riyota: Tatandaan mo tong araw na to Hanamichi! Hindi na kita bestfriend! Hng!!

At nilagpasan nga niya si Sakuragi at binangga pa niya ito sa braso.

Ayako: Anong problema nun sayo?

After RehabilitationMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon