Shohoku Vs. Meihou 1 - The Long Wait

100 6 2
                                    

Third Person's POV

So days and a game past after that episode where Sakuragi was devastated with the flashbacks of his father's death.

They fought against Yukie Tech, and they beat them easily. Sakuragi only played half the game. Tinapos nila ang laro with the score of 131-75. Kay Kakuta nga lang ay talagang nahirapan na ang Yukie Tech, akala nila ay yun na yun. Pero nung pinasok si Sakuragi at Akagi, dun na nagiba ang daloy ng laro. At lumaki ang kalamangan ng Shohoku.

Today was the day that there coach got out of the hospital. Mrs. Anzai is there to watch on the bench of Shohoku. Nakatitig siya kay Sakuragi. At nakangiti, she might be reminiscing the past where the older Sakuragi was present and doing silly things to his husband. Hanamichi noticed this kaya nginitian nalang niya si Mari.

Mari: Mitsuyoshi, he is a bit different from his father.

Coach Anzai: Akala mo lang yun. Pero noong una ko siyang nakita ay para siyang si Hajime, napakabalasubas. Haha. Nakakamiss din ang ugali ni Hanamichi na yun. Pag nababangko ay hinihimas ang tyan ko, at hinihila ang baba.

Maya maya ay lumapit si Sakuragi sakanila. At nagbigay galang din kay Mrs. Anzai with a bow.

Sakuragi: Tatang, may naisip po akong plano.

Coach: Ano yun, Hijo?

Sakuragi: Ipasok niyo po sa laro si Isshi or Yasuda. Kailangan po ng pipigil kay Morishige sa ilalim. Nakita ko na po yan kung papaano maglaro, kaya alam ko po ang kapasidad niyan. Siya po ang nagiisang dahilan kung bakit nagnumber 2 lang ang Aiwa sa Eichi prefecture. Kailangan ko po lahat ng lakas ko para pigilan siya.

Coach: Hmm. Buweno. Ikaw ang aatasan ko sa pagpigil sakanya sa ilalim. Pero kailangan ka padin ni Yasuda para tumulong sakanya sa pagseset ng plays. Pinapangako mo bang mapipigilan mo siya?

Sakuragi: Opo, pero hindi 100% masyado po siyang malaki at mas malakas ang pangangatawan kumpara sakin. Pero gagawin ko po ang lahat para manalo.

Coach: Sige sayong sayo na siya. Ang naisip ko naman ay tutulungan ka ni Akagi once na siya ay makalusot sa depensa mo.

Akagi: Makakaasa ka sakin, Sakuragi.

At nagsimula na ang laro. Jump ball sa pagitan ni Morishige at Sakuragi. Sa kauna unahang pagkakataon ay natalo si Sakuragi sa jump ball.

Hawak na ni Watanabe ang bola. Point guard ng Meihou. At sineset ito. Agad siya tumapat sa poste para kay Morishige. Pagpasa nga dito ay naghintay muna si Morishige kung idodouble team siya. Pero hindi, one on one play ang laban. Sinubukan niyang tibagin si Sakuragi sa loob at napaatras nga ito. Pero bago pa man niya maiangat ang bola ay mabilis na itong napalo ni Sakuragi, pero nakuha niya padin kaya isa pang bangga ang binigay niya kay Sakuragi para sa isang dunk. Dito ay sinabayan padin siya ni Sakuragi at naabutan. Dito ay gulat na gulat siya kaya hindi niya naitira ang bola at naisama niya ito sakanyang pagbaba.

Ref: Travelling violation. White ball.

Natuwa naman sila Coach Anzai sa nangyari. At napangiti ito.

Maya maya pa ay ipinasa na kay Sakuragi ang bola para siya na ang magset dito. Dito ay nagulat si Morishige dahil sa versatility ni Sakuragi. Kaya din pala niyang magset. Kaya naexcite siyang makalaban ang kapwa niya sophomore.

Dito ay si Watanabe ang kumukuha sakanya sa labas. Napansin agad ni Sakuragi na maganda ang depensa niya. Sinubukan niyang pasukin si Watanabe. Dito nga ay napagtanto niyang hindi ganun kasimple. Kaya pinasiklaban niya ito ng magagandang dribble combination na ikinalito naman ni Watanabe at tuluyang nabigyan ng space si Sakuragi sa pagatake sa basket. Tumalon siya ng napakataas para magslam dunk pero naabutan siya ng super laking si Morishige sa taas kaya nagdrop pass ito sa nagcut na si Akagi. Kaya easy slam dunk nga ang nagawa niya.

Morishige: Hu? Natakot ka? Dapat tinuloy mo para malaman kaagad kung sinong panalo satin.

Sakuragi: Hn. Hindi lang iisang tao ang naglalaro ng basketball. May mga kasama kading naghihintay ng bola para sa play na nakadesign para lang sa team mo.

Morishige: Bakit kailangan mong ipasa kung kayang kaya mo naman. Ang pagpasa sa ganoong sitwasyon ay hindi katangian ng isang ace player, Sakuragi-san. Ako din naman ay pinapasa ang bola. Pero hindi sa ganoong pagkakataon. Mablock kung mablock. Ibinigay nga sakin sa ilalim para ako ang tumapos eh.

Sakuragi: Kung ganon ay magkaiba tayo ng pananaw sa buhay. Kasi ako ang player na kayang gawing decoy ang sarili para sa mga kasamahan niya. Marami kaming magagaling na player. Si anjan si Mitsui, si Rukawa, at si Akagi. Isama mo pa si Yasuda na magaling bumasa ng play. So sa palagay mo ba ay hindi sila dapat pasahan? Tyaka hindi ko kinikilala ang sarili ko bilang ace player.

Morishige: Hnn. Mukhang mageenjoy ako dito sa laban na to. Team! Sakin lahat ng bola sa ilalim. May isang tao lang akong pagugulungin. Hn hn hn.

Dito nga ay nilapitan na ni Akagi si Sakuragi para pababain sa depensa.

Sa kabilang panig naman ay si Watanabe nanaman ang nagbababa ng bola. Agad nanaman siyang tumapat sa pwesto ni Morishige laban kay Sakuragi, nang bigla itong umikot sa baseline at isang monster slam na nga nanaman sana ang kanyang gagawin ng biglang lumitaw si Sakuragi sa taas at sinupalpal nanaman ang bola ng sobrang lakas para masiguradong mawala ang bola sa kamay ni Morishige.

Nagulat ang coach ng Meihou sa pangyayaring iyon. At naalarma. Dahil may pangalawang talon kaagad si Sakuragi para kun ang reboun para kumpletuhin ang napakalupet na defensive play na iyon.

Sa taas nga ay puro hiyawan ng tao ang maririnig nila. Si Aoi ay tahimik lang, dahil nagaalala siya sa match up ni Sakuragi. Sobrang laki nito at sobrang lakas. Dito lang sa larong ito niya nakitang hirap na hirap si Sakuragi na makipagpalakasan sa kalaban. Pero kahit anong mangyari ay susuportahan niya padin ang kanyang nobyo dahil kitang kita ang kanyang determinasyon sa laban.

At si Yasuda naman sa pagkakataong ito ang nagdadala ng bola. Sa pagkakataong ito ay inaakit ni Sakuragi na sundan siya ni Morishige sa labas para lumuwag ang depensa nila. Kaya pinasok ni Yasuda ang ilalim gamit isang mabagal na cross over at eye fakes sa gawi ni Mitsui kaya nalito si Watanabe. At bigla nga niya itong ibinullet pass kay Rukawa sa top of the key. Kaya libreng nakatira si Rukawa sa tres. Ang score ay 5-0 lamang ang Shohoku.

Nagpatuloy pa ang pagragasa ng Shohoku sa kuponan ng Meihou sa loob ng 5 minutes bago sila nakapuntos sa kauna unahang pagkakataon. Sa tulong ni Mitsui, at Rukawa ay naiangat nila ang kalamangan, 16-2 6:37 remaining sa first quarter.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon