Shohoku Vs. Kainan 7 - Kingslayers

116 6 0
                                    

4th Quarter na. At hindi padin makalamang ang Kainan. Isang beses lang sila nakalamang, at yun ay dahil sa takeover mode ni Maki nung first half. Pero nung tinao na siya ni Sakuragi ay wala na siyang magawa. Hindi na siya makascore, at dumami din ang turnover niya. Bagamat andyan si Jin ay hindi padin sila makalamang dahil mabilis nakakabawi ang Shohoku sa bawat tirada.

Sa kabilang banda naman ay si Sakuragi, Rukawa, at Mitsui ang gumagawa. Dito sa larong ito ay mababa ang scoring output ni Sakuragi, dahil nagcclick ang mga teammate niya at hindi niya kailangang umiscore ng madami. Kailangan lang niyang ipasa ang bola sa mga teammates niya. Meron palang siyang 15 points, 12 assists at 23 rebounds and 3 blocks.

Sa ilalim ay hindi din sila mapigilan dahil sa tibay ni Akagi, at sa tulong ni Rukawa. Ang score bago magsimula ang 4th ay 89-84.

Sa pagbukas ng 4th quarter ay nakapasok na si Miyamasu at si Muto ay pinaupo na. Nagulat sila ng lumapit ito kay Sakuragi, ibabox one nila si Sakuragi at si Miyamasu ang nagbabantay.

Miyamasu: Hn, Sakuragi-kun, kumusta. Kaya mo na ba ko lusutan?

Sakuragi: Hindi ko lang alam. Susubukan ko.

At naiwan na nga sa half court si Miyamasu, ginamitan siya ng bilis ni Sakuragi kaya hindi na niya ito nasundan.

Maki: Walangya. Sabi ko na nga ba e. Kahit yung nagbigay sakanya ng trauma last year ay hindi na siya mapipigilan.

Dito nga ay umangat si Maki at sinalubong si Sakuragi, nang biglaang cut naman ni Rukawa, kaya matulis na pasa sa taas  ang ginawa niya para sa isang alley oop play.

Sa pagkakataong ito ay si Miyamasu naman ang nagbababa ng bola at si Kogure na ang kumuha sakanya, nakapwesto si Maki sa ilalim at kinukuha siya ni Sakuragi, si Kiyota ay nasa left wing, kung saan ay si Rukawa naman ang nakadikit sakanya.

Medyo nagulat pa ang Shohoku dahil hindi si Maki ang kumukuha at nagseset ng bola. Nagmistulang power forward si Maki.

Dito nga ay humingi ng bola sa poste si Maki laban kay Sakuragi, nagulat si Sakuragi dahil malakas si Maki at nahirapan siyang iposisyon ang sarili niya. Dito nga ay isang malakas na bangga ang ginawa sakanya at napaatras naman siya dito, dahilan para makagalaw si Maki, isang magandang up and under moves nga ang pinakita niya dito pero, huli padin ni Sakuragi ang bola sa taas at tumalsik ito sa labas.

Ref: Out of bounds. White ball.

Maki: Ibang klase, kala ko hindi na niya maaabutan yun.

Miyamasu: Grabe ka talaga kung tumalon, Sakuragi-san.

Kiyota: Hng! Unggoy ka padin!

Si Aoi sa taas ay nangasar nanaman.

Aoi: Quiet! Panget! Ikaw ang unggoy! Bleeeeeeh!

Kiyota: Aaack!

Samantala. Ang kuponan ng Riyonan na nakasuporta sa Shohoku ay namamangha padin sa lupit ni Sakuragi.

Uozumi: Hindi ako makapaniwala. Over powered si Sakuragi. Parang last year lang ay sobrang banban niyan maglaro. Puro puso lang ang pinaiiral. Ngayon ay ganap na siyang manlalaro. Siya ang pinakakumpletong player sa Kanagawa sa lagay niya ngayon.

Sendo: See? Sabi ko sayo eh. Wala pang pakialam yan sa pagpuntos niya. Ang mahalaga ay manalo sila.

Fukuda: Inaamin ko na. Talagang talented si Sakuragi, hindi lang dahil may girlfriend siya, kundi talagang pinaghirapan niyang maabot ang lebel ng paglalaro niyan ngayon.

Koshino: Tsu! Buti nalang at hindi ako binantayan niyan nung laban natin. Kundi baka itlog din ako.

Sugedaira: Ibang klase, magaling talaga siya tumiming. Huli niya lahat ng bola.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon