Shohoku Vs. Ryonan 5 - Half Time, Joke Time

127 10 0
                                    

So ayon. Pumasok ang buong team ng masaya dahil naitaas nila ang lamang sa tulong ni Rukawa. Naiangat pa nila ang kanilang kalamangan sa 15 points. Ang score ay 63-48.

Ngayong nasa locker room na sila ay napansin nilang tila ba mas malala pa ang natamong pinsala ni Sakuragi kesa nung nasa bench pa siya.

Akagi: Oh, anyare sayo?

Ayako: Nabugbog. Umiral namaman kasi ang kagunggungan.

Mitsui: Siraulo ka talaga kahit kelan. Pati girlfriend mo di mo pinatawad sa katigasan ng ulo mo. Pano ka maglalaro niyan! Tanga mo talaga kahit kelan.

Sakuragi: Hnnnnnnng!! Michi! Imbes na magalala ka sakin inaalaska mo pa ko.

Aoi: Ssssh!! Tahimik.

Sakuragi: Yes, ma'am!

Natawa naman silang lahat dun. Pero kahit ganun ay nilalambing lambing pa din niya si Aoi. At nakuha pa nga nitong umunan sa mga hita niya.

Haruko: Hindi pa po siya pwedeng maglaro sa 3rd quarter.

Sakuragi: Maglalaro!

Aoi: Ha?? Ano?? Ulitin mo!!

Sakuragi: Hnnnnng!! Sabi ko di ako maglalaro!!

Nagtataka naman si Kogure kung bakit sumusunod si Sakuragi kay Aoi eh kilalang napakatigas ng ulo niyan. Kaya nakipagbulungan siya kay Ayako.

Kogure: Huy, Ayako, anyare? Bakit parang under na under si Sakuragi?

Ayako: Ha? Ah. Yun ba. Kahit ganyan kasexy at kaganda si Aoi eh mala Amazona ang lakas. Nakita mo yung bukol ni Sakuragi? Isang umbag lang yun. Mas malaki pa yun sa bukol na naibibigay ni captain sakanya.

Kogure: Grabe. Haha. May makakapagpatino din pala kay Hanamichi. Kala ko wala.

Dahil nga malakas ang pandinig ni Sakuragi ay narinig niya ang pinaguusapan nila.

Sakuragi: Hnggggg!! Aoi! Pinaguusapan nila ko oh.

Napalunok naman si Kogure at napaatras ng bahagya at baka siya naman ang makatikim kay girlfriend.

Aoi: Kasalanan mo kasi. Wag ka kasing makulit. Red, hindi sa lahat ng pagkakataon eh makukuha mo ang gusto mo. Maghintay ah, dadating at dadating yun.

Sakuragi: Alam ko.. kaya nga nakuha kita e. Nyahahahahahaha. Kala mo ah. Marunong din ako magpick up line.

Ayako: Alam mo na ngang mapanakit yang girlfriend mo pagkinikilig eh, naggaganyan ka pa.

Sakuragi: Ok lang, love ko yan. Sobra. *Smooch* *smooch*

At hinalikan niya ng dalawang beses ang tyan ni Aoi na kinablush nga nanaman niyan.

Maya maya pa ay pumasok na din si Coach Anzai kaya umayos na sa pagkakaupo si Sakuragi.

Coach: Sakuragi, hindi ka muna papasok sa 3rd quarter, ipagpatuloy niyo muna ang pagpigil sa pamamaga ng paa niya.

Sakuragi: Opo.

Nagtaka naman si Coach Anzai ng bahagya dahil hindi nagmaktol si Sakuragi. Ngunit agad naman nagets ni Coach Anzai kung bakit. Kaya napangisi nalang siya kay Sakuragi

Coach: Ho ho ho ho. Wag ka magalala Hijo, parehas tayo. Under din ako sa asawa ko paminsan minsan. Mas malakas pa nga yun mamalo kesa kay Ayako ng pamaypay nung kolehiyo palang kami. Ho ho ho.

Napangiti ulit si Coach Anzai ng masariwa niya ang college days niya kasama ang asawa kung saan ang asawa niya ang manager ng kanyang team na pinamumunuan. Mahigpit din sakanya ang misis niya, at dahil nga maloko din siya noong kabataan niya palagi din siya nitong napapalo kagaya ni Riyota at Sakuragi.

Coach: Ok, mabalik na nga tayo planning. Rukawa, ikaw muna ang hahalili sa pagiging point forward. Akagi, idomina mo na ang ilalim. Kayang kaya mo ang sentro nila. Alam ko yun. Miyagi, ikaw na ang bahala sa depensa, at Mitsui, ikaw ang may pinakamaraming green lights sa pagtira. Gamitin mo ang pagiging volume shooter mo. Kailangan mong mas maging kumpyansa sa tira mo dahil walang Sakuragi sa loob ng buong 3rd quarter. Tandaan niyo. Ryonan padin yan, kahit walang Sendo ay kayang kaya padin kayo niyan pahirapan. Riyota. Ikaw na ang magsalita.

Riyota: Tandaan niyo. One whole team tayo. Malakas ang team ng Shohoku! Yan ang pakatatandaan niyo! Dahil nga wala si Sakuragi sa 1st half ng second half ay ipakita na din natin sakanya na karapatdapat tayong pagaksayahan ng oras! Game!!

Lahat sila pwera kay Sakuragi: Gaaaaame!!!

At dito ay nagpapahinga sila, umiinom ng panibagong energy drink para maibsan ang pagod sa katawan. Naguusap usap. Ang iba naman ay iniisip kung ano ang magandang gagawin.

Coach: Hmm. Sakuragi-kun, ano sa tingin mo, sino ang panglima nilang player? Nahihirapan kasi si Kogure sa loob at masyadong mabilis ang laro.

Sakuragi: Ah, sa tingin ko naman po eh pwede na kong maglaro. Aray ko naman!

Aoi: Hindi! Makinig ka nalang kila coach.

Sakuragi: Joke lang e. Hmmm. Subukan niyo po si Kakuta-senpai. Magaling din po yun magrebound and box out. Kita niyo naman last game diba?

Coach: Oo, siya din ang iniisip ko. Pero, pano ka sa 4th quarter? Alam mong injured din si Akagi sa kanyang kanang paa?

Sakuragi: Pwede naman po akong magsentro, then si Kogure-senpai nalang din po ang magshoshooting guard, I think kaya din po ni Sasaokun sa loob kung box out at box out lang naman po ang paguusapan. Pero huwag niyo pong maliitin si Kakuta-senpai. Kaya niya pong sumabay sa training ko kaya sigurado akong malakas din ang resistensya niya. Huwag lang siyang mapepressure kay Fukuda.

Coach: Makikita natin. Sige, si Kakuta ang hahalili sa position mo. Kakuta-kun, papasok ka sa third quarter. At hahalilihan mo ang position ni Sakuragi.

Napatingin naman si Kakuta kay Sakuragi na thinumbs upan naman siya kaya lumakas ang loob niyang tanggapin ang responsibilidad.

Samantala ay nagpatuloy lang sa lambingan ang dalawa, na tila ba ay mayroon silang sariling mundo. Dito nga ay napagdiskitahan sila ni Ayako na kuhanan ng kuhanan ng mga pictures dahil bagay na bagay daw silang dalawa.

Sakuragi: papasa te.

Ayako: mamaya na. Isesend ko nalang sayo via texts

Aoi: Sakin din po ate. Gusto ko ng copy. Pwede po patingin?

Pinakita naman ni Ayako sakanya ang mga pictures, dito nga ay gwapong gwapo nanaman siya kay Sakuragi.

Aoi: Pogi pogi mo oh, dapat ganyan ka lagi kung makatingin sakin para kinikilig ako lagi.

Sakuragi: Ayy! Ayaw! Mapanakit ka pagkinikilig eh. Kung hindi ako kakagatin, kinukurot mo ko. Araay!!

Dahil sinuntok siya ni Aoi sa tagiliran.

Aoi: Hng!

Bigla namang nagsalita si Rukawa na tumabi din kay Sakuragi.

Rukawa: Kami din please, Aoi. Tsupi! Ako muna ang boyfriend niya.

At nagpeace sign pa ito. Nagtawanan naman silang lahat at nakunan nga ni Ayako ng selfie yung dalawang tukmol.

Sakuragi: Hngggg!! Gago ka talagang soro ka! Nangingilabutan ako sayo!!

At tinulak niya nga ang mukha ni Rukawa ng akmang yayakapin siya nito. At nang magtagumpay nga itong yakapin siya ay siya namang tili ni Sakuragi.

Sakuragi: Kyaaaa!! Gori! Riyochin! Michi!! Tulooooong!!!! Yaaaaaah!! May rapist!

At dito nga ay parehas silang inumbagan ni Akagi.

Silang dalawa: Aw!

Akagi: Ang iingay niyo!! Para kayong mga bata.

Sakuragi: Eh si Soro eh! Nakakatakot!!

Rukawa: Gunggong! Kinikilig ako sayo! Kya kya kya!!

At dito nga namutla si Sakuragi ng todo. Pati si Aoi ay sobrang tawa na naluluha pa.

Sakuragi: Aaaaah!!! Babangungutin ako sayo mamayang gabi!! Hayop ka talaga!!

At dito ay nagtago na siya sa likod ni Aoi.

Sakuragi: Napakasagwa mo maging bakla!! Bwiset!! Hng!!

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon