Relaxation Time. Namumuo na ba?

168 7 1
                                        

Third Person POV

So after nila manggaling sa Hospital Room ni Riyota para mambully ay nakapagdesisyon si Haruko na sumama sa beach kay Yohei, hindi naman niya maintindihan pero naeenjoy niyang siya ang kasama ngayong araw.

Mapapansin niyo na wala sa isip niya si Sakuragi ngayon na love na love niya pero sa iba na ito nananahan.

Habang naglalakad sila ay pinagtitinginan si Haruko ng mga lalaking dumadaan lalo na yung mga nakatambay sa daan.

Yohei: Ahhh. Kumapit ka sakin, mamaya mo makursonada ka nanaman. Masyado kang lapitan ng mga boys. Hahahaha. Aray! Namamalo ka na din?

Haruko: Hng! Di naman kasi eh! Baka gusto lang nila akong kausapin.

"Ang cuuuuuuuute!!"

Dahil ayaw talagang kumapit ni Haruko dahil nahihiya siya kay Mitou dahil sa tagal nilang hindi nagusap dahil sa kasalanan niya kay Sakuragi ay siya nalang ang umakbay dito.

Haruko: A-Aaah! Yohei-kun?

Yohei: Eh ayaw mo humawak sakin eh, ako na ang aakbay. Kundi papatayin din ako ng crush mo kapag pinabayaan lang kitang langgamin ng titig pagnanasa ng mga lalaki dito. Hahahaha.

Kaya inalis ni Haruko ang mga kamay ni Yohei sa pagakbay at kumapit nalang sakanya si Haruko.

Habang naglalakad silang dalawa ay nakasalubong nila si Rukawa at Sakuragi na may dalang bola.

Napansin sila ng dalawang tukmol at ngmiti sakanila ng nakakaloko.

Rukawa: Hoy, panget.

Sakuragi: Sinong tinatawag mong panget? Pandak!

Rukawa: wala. Bullyhin mo sana sila Haruko. Ayun oh.

Kaya napangiti ng mejo malisyoso si Sakuragi at naunang lumapit sa dalawang magkasama.

Sakuragi: Aaah! Kaya pala nakalimutan mo kong daanan sa hotel! Kasi may iba ka ng kadate.

Haruko: S-sakuragi-kun wala!

At bumitaw naman siya sa paghawak kay Yohei. Sinamaan naman niya ng tingin si Sakuragi dahil dito.

Sakuragi: Huuuuu! Dinedeny mo pa! Hoy Yohei-chan. Kala mo di ko napapansin ah. Hahahahaha. Lika nga dito!

Napalunok naman ng laway si Yohei pero lumapit padin siya kay Sakuragi. Hindi niya inaasahang aakbayan siya neto.

Sakuragi: Tsk! Yohei-chan, wala kang pwedeng itago sakin. Bestfriend mo ko eh. Diba?

Pinagpapawisan na si Yohei dahil pahigpit na ng pahigpit ang mga braso ni Sakuragi sa leeg niya. At ayun sinasakal na siya neto.

Yohei: Wait! Aaack!

Bumulong naman si Sakuragi sakanya. At nagaalala na din si Haruko. Pero bahagya naman niluwagan ni Sakuragi ang pagkakasakal niya sa bestfriend niya.

Sakuragi: Dapat nung una palang sinabi mo na sakin para lumayo ako. Sige. Ingatan mo yan ha. Bukod sa inyong apat at kay Aoi, si Haruko-chan ang isa sa mga bestfriends ko. You have my blessings, doug.

At pinakawalan naman niya si Yohei at nakagrin ito sakanya na pinagtataka naman ni Haruko.

Sakuragi: At ikaw naman girlalu. Aagawan mo pa ko ng bestfriend ha. Ah joke lang. Hahaha. Enjoy kayo.

Lumapit naman saglit si Sakuragi sakanya at niyakap. Then nagpaalam na sakanila.

Sakuragi: Kaediri! Tara papawis na.

Rukawa: Babe, kanina pa ko nagiinit sayo. Tara na't magdate. Kyaa!

Natawa naman yung dalawang magkasama at tinignan silang dalawa.

Yohei: Grabe, hindi ako masanay sanay kay Rukawa na ganyan hahaha. Palagi lang siyang tahimik.

Haruko: Oo nga. Hahaha. Naimpluwensiyahan na siya ng kakulitan ni Sakuragi-kun. Hahahaha

At nagpatuloy na sila sa paglalakad. At naguusap. Sobrang enjoy si Haruko dito. Different scenery in life, hindi lang basketball. Sa wakas ay makakabonding na niya sila Mitou, namiss niya silang apat.

Maya maya pa ay papalapit na sila sa Omimaiko store nila Mitou ng makita sila ng tatlo, paubos na din ang kanilang mga paninda, 11:30 palang naman ng umaga.

Takamiya: Oh. Hep! Jan ka lang! Bawal ka muna dito! It's your day off, so goof off!

Ohkuso: Oo nga naman. Kami muna dito. Ikaw nalang araw araw gumagawa eh.

Noma: Hu? Haruko? Ba may nakabingwit ng atensyon niya saating lima bukod kay Hanamichi.

Takamiya: Oh siya! Kuha kayo dito oh. At lumayas. Haruko, bawal si Pogi dito at hindi kami makakadiskarte ng chicks! Araaay! Noma!

Noma: Gagi ka talaga. Nandito tayo magbenta. Makadiskarte ng chicks ka jan. As if naman na may pumatol sa tabachoy na kagaya mo.

Natatawa naman si Haruko dahil makulit padin sila. Hindi niya napansin na nakakuha na si Yohei ng pagkain at extra payong. Bago siya umalis ay pinagpapalo muna niya ng payong ang tatlo.

Yohei: Umayos kayo. Hay nako. Pag andito si Hanamichi naumbagan na kayo nun sa kakulitan niyo jan.

Silang tatlo: Aw. Sorry.

Yohei: Tara, Haruko.

At hinawakan na siya sa kamay ni Yohei at humanap na sila ng magandang pwesto.

Nang maitarak na ni Yohei ang payong ay ready na. Kaso nakalimutan niyang kumuha ng picnic mat sa store, kaya wala siyang nagawa kundi hubarin ang usual polo nia para gawing upuan nilang dalawa.

Haruko: Ahh! Wag madudumihan. Sayang naman!

Naptingin lang siya kay Yohei, at nagblush. Kasi kasing ganda ng katawan ni Sakuragi ang katawan nito. Napatakip naman siya ng mga mata.

Yohei: Hoy! Polo lang hinubad ko no, may sando akong pangilalim. Bakit matcho ba? Ha? Nyahahahahahha

Namula naman si Haruko at napaiwas ng tingin sakanya.

Yohei: Varsity ako dati Wakuo Jr. High. Alam mo bang nagpapaturo dati sakin si Hanamichi magbasketball noon kasi Yoko noon ay nililigawan ng kumag na yun. Mabilis naman siya matuto, naturuan ko siya kung papaano magdribble papaano ang postura ng mga pasa. Pero isang araw, huminto siya sa paglapit sakin about basketball at napapansin namin na malungkot siya araw araw. Then one day, nakita namin si Yoko na kahawak kamay ang star player ng team namin. After that, hindi na ulit siya humawak ng bola, hanggang sa makilala ka niya.

Haruko: Mejo mababaw ang pagbitaw niya nung mga panahon na yun.

Yohei: Yup. Pero kung kilalang kilala mo si Hanamichi, hindi mo yun masasabing mababaw. Kasi inaral niya ang basketball para sa mahal niya. Para makapagpapansin. Tignan mo, nung ikaw naman ang napusuan niya, abot ang pagpapasikat. Uber dedicated. Kaya sobrang bilis matuto.

Haruko: Kaso hindi ko naman agad yun napansin. Buti nalang hindi siya tumigil sa paglalaro dahil sakin.

Yohei: Ang hula ko naman ay dahil mas minahal na niya ang basketball kesa sayo, kaya hindi na niya kaya pang magquit. Sobrang grabe nun sa pagpapahalaga, sa totoo lang. Kaya swerte ni Aoi sakanya.

Mejo nakakaramdam naman si Haruko ng lungkot pero gusto pa niyang malaman ang tungkol saknilang dalawa ni Sakuragi.

Yohei: Alam mo bang one time ay nakiusap si Hanamuchi kay Rukawa na turuan siya nito? Yup. Pero si mokong ay hindi marunong magturo kaya feeling ni Sakuragi ay nagsayang siya ng oras. Hahaha. Kung makikita mo si Rukawa nun kung pano turuan si Hanamichi, matatawa ka. Hahaha

At patuloy pa ang paguusap ng dalawa hanggang nakaramdam sila ng gutom, ultimo kumakain sila ay hindi sila nauubusan ng paguusapan.

Dito naramdaman ni Haruko na magaan ang loob niya kay Yohei, na kapag kumatok ito sakanyang puso ay malugod niya itong pagbubuksan

After RehabilitationMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon