Shohoku Vs. Kainan 4 - Half Time Sweetness

143 6 1
                                        

Natapos ang first half na ang score ay sobrang dikit dahil sa pagtake over ni Maki, 60-56. Lamang padin ang Shohoku dahil nagtake over mode din si Sakuragi, 5 minutes bago matapos ang 2nd quarter.

Nakuha pa ng Kainan ang kalamangan sakanila at umabot pa ito ng seven points pero dahil sa galing at lakas na ipinamalas ni Sakuragi ay nabawi nila ang kalamangan.

Dito sa 2nd half ay napagdesisyunan ni Coach Anzai na pure point guard ang lalaruin ni Sakuragi at si Rukawa na ang bahala sa kwatrong posisyon. At nakikita naman nila na may laban si Rukawa kay Kiyota sa ilalim, dapat lang, dahil mas matangkad at mas malakas siya kesa kay Nobunaga.

Matapos nilang magdiscuss ay magkatabi naman ngayon si Sakuragi at Haruko at nagkekwentuhan.

Sakuragi: Kumusta naman yang maganda na yan? Maghapon kang wala kahapon ah. Uuuuy. Nangangamoy Yohei ah.

Haruko: Hoy! Grabe ka naman. Hindi naman pumoporma yun e. Pero sabi niya crush niya ko. Ano sa tingin mo? Sakuragi-kun?

Sakuragi: Sa tingin ko? Masaya ka lalo pag siya, malakas ang sense of humour nun. And hindi pikunin. Sa inyong lahat, siya ang bestfriend ko. Kasi siya ang pinakamahabang panahon kong nakasama at pinakamaraming pinagsamahan na din, kaya alam ko lahat.

Haruko: Hng! May naging girlfriend na ba yun?

Sakuragi: Yup. Isa. Yun lang ang talagang minahal ng mokong na yun. Kaso namaalam na siya sa mundo natin.

Haruko: Huh?

Sakuragi: Si Aika-chan, pinsan ko. 3 weeks lang naging sila. Kasi sobrang late na ng marealize ng uto na yun na mahal din pala niya si Aika. Anak siya ni Tita Aya.

Haruko: Ahmm. Ang ikli naman ang pagsasama nila.

Sakuragi: Hindi mo ko nagets. Haha. Namatay si Aika sa isang aksidente dito sa Osaka. Hmm. Pauwi na siya galing ng school, nang atakihin sa puso yung taxi driver at ayun. Bumangga sila sa isang poste, mabubuhay pa sana siya pero nabangga pa sila ng truck na nakatulog ang driver. Sa sobrang lakas ng impact ay hindi na siya umabot sa ospital. Yup long distance relationship.

Haruko: A-ah.

Sakuragi: Ang palagay ko ay dahil sakanya kaya hindi na siya ulit pumorma sa ibang babae dahil nananatili padin siyang loyal kay Aika-chan.

Natahimik naman si Haruko dun.

Sakuragi: Alam mo ba na sa sobrang pagmamahal ni Yohei sakanya ay halos hindi na siya nakakapagpractice every weekends kasi pinupuntahan niya dito si Aika para makasama lang siya. At ako, busy ako sa pakikipagsuntukan sa sobra kong daming nakakabangga.

Napatingin si Haruko sakanya. Nakangiti padin ito.

Haruko: Hindi ko alam na may mapait palang nakaraan si Yohei. Pero sana buksan padin niya ang puso niya para sa iba pang mga tao.

Sakuragi: Alam ko. Pero sobrang pagmamahal ang ibinuhos niya dito. Mas masakit pa yun kumpara sa 51 girls na nanakit sa puso ko. Hahaha.

Maya maya pa ay dire diretso na pumasok sila Aoi sa loob ng locker room at lumapit agad siya kay Sakuragi para ikwento lahat ng pinaggagawa niya sa taas.

Niyakap naman niya itong si Aoi at hinalikan.

Sakuragi: Tsk! Wag ka nakikipagaway. Siyempre hindi lahat ng audience eh fan namin. May iba padin na Kainan ang gusto.

Aoi: Eh kasi eh! Tinatrash talk ka nila. Waste of space ka daw. Laki laki mo tapos ikaw ang nagpopoint guard. Hng!

Sakuragi: Hahaha. Hayaan mo yung mga yun. Hindi naman sila ang naglalaro. Lika nga.

Nagulat naman si Aoi nang buhatin siya ni Sakuragi at umupo sa ibang upuan at kinandong ito.

Sakuragi: Hmm! Bebabyhin ko muna ang Aijoo ko na palaging mainit ang ulo sa mga hindi namin fan. Hahaha.

At dun nga ay pinugpog niya ng halik sa pisngi si Aoi na siyang dahilan para mamula ito. Maya maya ay niyakap siya ni Sakuragi mula sa likod at may sinabi, na siya namang ikinapula lalo ng kanyang mga pisngi at tila ba ay may lumabas na usok sa kanyang ulo.

Rukawa: Naglevel up ang PDA level nila. Hay.

Kogure: Hahaha! Dasurb naman niya yan. Siya kaya lahat gumagawa kanina.

Yasuda: Huuu. Oo na oo na.

Coach: Ho ho ho ho.

Sakuragi: Ngak! Bawal manood. Hahahaha

Napabuntong hininga nalang si Akagi sakanilang dalawa.

Aoi: A-ah! Hanamichi-kun, oo pala. Magttransfer daw si Kaito-kun dito.

Sakuragi: Ah! Yung pinsan mong tulongges? Hahahaha.

Aoi: Oy! Parehas lang kayo no! Parehas kayong maasar!

Sakuragi: Hahaha. Point Guard natin?

Aoi: Oo. Pero sabi niya matangkad na siya ngayon eh. First year palang naman siya.

Sakuragi: Ok, sige kung san siya masaya. Hahaha. Pero mahihirapan siya makapasok at strict si Mitsui, so hindi pepwede yung paguugali niya. Nyahahaha.

Akagi: At nagsalita ang napakabaiiiiit na rookie last year.

Mitsui: Tama, tama. Henyo siya non no? Henyo sa foul out tyaka kakengkoyan sa court. Ambaiiiiit! Bait!

Nahiya naman si Sakuragi at tinignan ng masama sila Akagi.

Pero ipinagpatuloy nalang niya ang paglalambing kay Aoi.

Maya maya pa ay lumapit si Haruko na nakasmile at kinuhanan sila ng selfie. Hindi ready si Aoi dahil nakatingin siya kay Sakuragi ng mga panahon na yun. Mahahalata niyo naman na Enjoy na enjoy n si Sakuragi dahil nakakandong padin si Aoi sakanya at yakap yakap niya ito. Ngiting ngiti sa Sakuragi sa picture.

Ilang selfie pa ay lumapit na si Haruko sakanila at ipinakita ang mga pictures.

Mababakas padin sa muka ni Haruko ang lungkot pero tanggap na niya na hindi na siya mamahaling muli ni Sakuragi. Kaya naging masaya nalang siya para sa dalawa.

Si Aoi naman ay poging pogi nanaman kay Sakuragi at napapatili nanaman siya.

Yohei: Hay! Jologs padin! Tsk tsk!

Aoi: Hoy!

Yohei: Hng! Katabi mo nalang yang boyfriend mo todo ka pang kiligin jan!

Aoi: Hnnnnnnng! Red oh! Nang aasar.

Kaya sinakyan nalang ni Sakuragi.

Sakuragi: Yohei ah. Namumuro ka na sakin.

Sabay kindat sakanya.

Yohei: Hay naman! Inaagawan pa ko ng bestfrieeeend!

Aoi: Bleh!

Sakuragi: Hn. Aijoo. Mamaya ka lang sa bahay. Nyhahahaha. Ano un? Dangerzone sa ilalim ng dagat? ARAY!

Dahil kinurot siya ni Aoi ng sobrang diin sa braso.

Aoi: Manyak!

Tawa na naman ng tawa ang mga teammates nila dahil sa kalokohan ni Sakuragi.

After RehabilitationMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon