The End.

142 9 1
                                    

So natapos na ang half time at si Sakuragi ay pinaupo nga buong quarter, bagamat nakasimangot at hindi nagustuhan ang pagpapaupo sakanya ay hinayaan nalang niya ito at nanood ng tahimik.

Dito nga ay si Akagi na ang kumukuha kay Morishige at ginaguide ng mabuti sa laro si Kakuta. Mamapansin niyo na mas kumportable si Morishige ng si Akagi ang kumuha sakanya sa ilalim. Ilang beses din niyang naipasok ang mga tira niya sa poste. This quarter alone ay naka 24 points si Morishige dahil na din sa pagiging less athletic ni Akagi kumpara kay Sakuragi na may pinaghalong bilis, lakas at galing sa pagdedepensa.

Pero mapapansin mo padin na nahihirapan siya kay Akagi sa depensa. Palagi siyang nadadakdakan nito. Dahil di hamak na mas lamang sa lakas si Akagi kumpara kay Sakuragi. Kumbaga pantay na pantay lang sila ni Akagi. Yun nga lang ay lamang siya sa tangkad at haba kaya siya nakakapuntos dito.

Natapos ang third quarter na ang score ay 91-71. 20 points nalang ang lamang, para sa iba ay kaya pang habulin ang 20 points sa isang quarter. Pero nakalimutan yata ng iba na hindi pa pinapasok ulit si Sakuragi.

Sa bench ng Shohoku.

Nakaupo si Sakuragi sa tabi ni Coach Anzai at inaayos mabuti ang pagkakabenda ng kanyang kaliwang paa. Para hindi magkaron ng aberya sa laro pagpasok niya. At bigla nga itong tumayo at pumadyak padyak.

Sakuragi: Team! Naaamoy niyo na ba?? Pagkatapos ng larong ito ay maipapamahagi na natin ang isang karangalan sa captain natin na si Akagi, at kay Vice Captain na si Kogure. Pati na din kay Mitsui na 2nd to the last tournament niya dito sa Shohoku! Kaya walang lalambot lambot! Magtutulungan tayo para manalo. 20 points lang yan! Mahaba ang 12 minutes para tamarin! Kaya alagaan natin ang kalamangan na nakuha niyo sa buong third quarter! Maliwanag??

Team: Oo!

Coach: Ho ho ho. Sasaoka, Isshi, Shiozaki, Sakuragi at Kakuta. Kayo ang tatapos ng laban dito. Si Sakuragi ang maglelead sainyo sa loob. Tumingin kayo sakanya kapag nagigipit kayo. Isshi, inaasahan kong ikaw ang magiging utak sa quarter na ito.

Isshi: Opo!

Napansin naman ni Sakuragi na kinakabahan itong si Isshi dahil ito ang kauna unahang beses niyang makakapaglaro.

Sakuragi: Wag kang kabahan. Alam kong magaling ka din. Kaya ipakita mo samin. Maging vocal ka sa loob para mawala ang kaba mo. Maliwanag?

Isshi: Oo. Salamat.

Sa pagsisimula ng 4th quarter ay bola naman ng Meihou. Kung saan si Watanabe nanaman ang nagtitimon. Labis siyang napasimangot at nakaramdam ng disrespect ng makita niyang benchwarmers lahat ang ipinasok ng Shohoku except kay Sakuragi.

Watanabe: Ano ba naman to. Minamaliit niyo ba kami?

Isshi: Pumasok ka nalang kung kaya mo.

Kaya agad inatake ni Watanabe ang depensa ni Isshi, pero naglateral nga ito sakanya at wala siyang napuntahan dahil sa lupit ng body check ni Isshi. Dahilan para tumama sakanyang mga paa ang bola at lumabas ang bola. Dito ay nakaramdam ng labis na pagkainis si Watanabe at tinao nga nito si Isshi pagkainbound sakanya ni Sakuragi. Pero hindi nakipagsabayan sakanya si Isshi at inayos ang salamin at ipinasa pabalik ang bola kay Sakuragi.

Agad namang ibinaba ni Sakuragi ang bola. Nakita niyang nakazone defense ang Meihou. Kaya pinaangat niya si Sasaoka at ipinasa sakanya ang bola. Nagscreen si Sakuragi sakanya kaya bahagya siyang nalibre. So tumira ng tres si Sasaoka, pero nasabayan siya ni Watanabe. Pero gulat na gulat ang lahat ng itinuloy ni Sasaoka ang tira. At pumasok ng ang tira. 94-71. Lamang ang Shohoku at 11:47 nalang ang natitira.

Sa inbound nga ay tinao na kagad ni Isshi si Watanabe. At labis na itong frustrated dahil benchwarmer lang ang bumabantay sakanya. Pero todo ang pagkakadikit ni Isshi sakanya kaya hirap na hirap siyang itawid ang bola sa half court. Nang matawid niya nga bola ay mas humigpit ang depensang ginawad ni Isshi sakanya, kaya napilitan nalang siyang igather ang bola. At ipinasa kay Tanaka, na agad namang tinao ni Shiozaki.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon