Shohoku Vs. Ryonan 2 - Plan failed?

160 9 1
                                    

Patapos na ang unang yugto at dikit lang ang laban sa pagitan ng dalawang magkaribal na kuponan. Ang Ryonan at Shohoku. 26-25. Dahil sa pagpupursigi ni Sendo at Fukuda ay naputol nila ang ginagawang pagragasa ni Sakuragi at Akagi sa ilalim. Sinabayan pa ng pagmamalas ni Mitsui sa tres.

Hindi makagalaw ng maayos si Sakuragi dahil dalawang Star player nga ang nagdodouble team sakanya, at dito nga ay naiinis na siya dahil wala siyang magawa.

Sakuragi: Riyo-chin. Kapag ako lang ng ako ang tinitignan mo ay mahihirapan tayong pumuntos. May double team sila sakin, sigurado may malilibre at malilibre.

Pero ipinasa padin ni Miyagi sakanya ang bola para siya ang humanap ng papasahan ng bigla ngang natapik sakanya ni Sendo ang bola.

Dire diretso na sila sa kanilang fastbreak at 2-on-1 transition play ang laban. Kung saan ay kusang gumitna si Sakuragi para makita niya kung ipapasa ba ni Sendo ang bola. Nagfake si Sakuragi na sasabayan niya ang dunk attempt ni Sendo at kumagat naman ito at ginawang alley oop play para kay Fukuda. Nang biglang sumabay nga si Sakuragi sa ere kay Fukuda.

Sendo: Ano!! Paanong!

At doon nga ay naintercept ni Sakuragi ang bola, kaya nagmadali siyang ibaba at isalaksak ang bola sa loob. Dahil nga hindi agad nakarecover si Sendo at Fukuda ay nakapuntos ang Shohoku sa pamamagitan ng 3 point shot ni Rukawa mula sa pasa ni Sakuragi. Ang score ay 28-26. 2 minutes remaining sa 1st quarter. At dito nga ay napatawag ng unang time out si Coach Taoka.

Sakuragi: Riyochin! Bat mo ipinilit yung pasa sakin? Tyaka Rukawa! Bat wala ka sa pwesto mo? Gusto mong magcross court pass ako para mapunta sayo ang bola? Gori! Hindi kita mabigyan dahil masyadong mababaw ang pwesto mo. Sana ay itulak mo pa pailalim yung nagbabantay sayo para mas madali sana yung puntusan natin. Mitsui. Tira ka lang dapat ng tira para bumalik ang rythm mo. Wag ka lang manahimik sa gilid.

Kapansin pansin na pangit na talaga ang body language ng bawat player ng Shohoku at ito'y kinaiinis ni Sakuragi.

Akagi: Tama si Sakuragi. Pagigihan pa natin. Miyagi, wag mong ipilit ang pasa at magigipit talaga ang kahit sino kapag nadodouble team sa wing area. Mitsui. Gawin mo lang ang tunay mong laro. Rukawa, tulungan mo si Sakuragi. Wag ka lang maghintay sa malayo dahil delikado ang pagpasa sa malayo. Kung maari ay magcut ka sa gitna. At ako na ang bahala sa poste. Wala nang tatamad tamad! Maging matalino tayo sa laro.

Sa Bench ng Ryonan.

Sendo: Hn. Unti-unti na ngang nauubusan ng pasensya si Sakuragi. Tulad ng inaasahan.

Coach Taoka: Ano ang ibig mong sabihin dun, Sendo?

Fukuda: Sinasadya talaga naming iwang bukas si Rukawa dahil alam namin na hindi pa ito kikilos para gumawa ng aksyon.

Coach Taoka: At si Akagi?

Sugidaira: Hindi naman po niya napapansin ang pagtapak ko sa mga sapatos niya kaya at pagtulak sa baywang niya kaya nahihirapan siyang tumulak pailalim.

Coach Taoka: Magaling kung ganun. Koshino, ipagpatuloy mo lang ang makulit mong depensa kay Mitsui, dahil siya ang magiging susi para mapamaga ang kalamangan ng Shohoku. Mas mabuting ihinto niyo muna ang pagdodouble team kay Sakuragi dahil malamang ay kayong dalawa ang maunang mapagod kesa sakanya.

Silang Lahat: Opo!

Sa taas naman ay kinukuha ni Aoi ang atensyon ni Sakuragi kaya napatingin naman siya dito.

Aoi: Red! Relax ka lang! Kaya mo yan!

Sakuragi: Oo. Salamat Aijoo.

Aoi: May bayad! Kiss sabay Hug! Kaya ipanalo mo yang laro!

Sakuragi: Oo na.

At nagsimula na ang laro. Napansin ni Sendo na naging kalmado na si Sakuragi at mas naging malumanay ang kanyang aura. Kaya dito siya kinabahan, parang sinasabi sakanya ni Sakuragi na, 'Huwag kang papasok! May kalalagyan ka' hindi naman ito nagustuhan ni Sendo kaya sinugod niya ang basket para sa isang slam dunk.

Coach Taoka: Sendo! Wag!!

Pero huli na ang lahat at nakatalon na siya ng biglang sumulpot si Sakuragi sa taas at dinakma ang bola sa mga mga kamay ni Sendo na kanya namang kinabaliktad. Napahawak siya sa kanyang balakang habang nakahiga at napatingin kay Sakuragi, na siya namang nakatalikod.

Referee: F-foul! Black no. 10! 2 shots! Emergency time out charge to Ryonan.

Tumingin naman si Sakuragi kay Sendo ng gulat na gulat.

Sakuragi: A-ayos ka lang?? Hindi ko sinasadya. Sorry.

Fukuda: Tsk! Tabi ka muna Sakuragi. Mamaya mo na kami kausapin pagtapos na ang laro.

Napayuko naman si Sakuragi na siyang nilapitan ni Akagi.

Akagi: Ikaw na ang nagsabi, hindi laging masaya ang basketball. May masasaktan at may masasaktan. Pero nakakamangha ang depensa mo.

Napatingin naman siya sa bolang dakma dakma niya at ipinasa ito sa referee. Imbes na sa bench niya sila lumapit ay lumapit siya kay Coach Taoka.

Sakuragi: Coach! Sorry po! Hindi ko po talaga sinasadya.

Tinapik nalang niya ito kahit siya ay hindi nagustuhan ang naging resulta ng pagsabay ni Sendo kay Sakuragi.

Coach Taoka: Hindi. Ayos lang. Kahit saan mo tignan ay basketball play pa din yun. Maganda ang pinakikita mo. Sana ay alisin mo sa isip ang awa sa mga kalaban dahil yan ang pwedeng maging malaking dahilan ng pagbagsak mo sa kahit pang laban. Gawin mong bakal ang dibdib mo! Bata!

Sakuragi: O-opo.

At doon nga ay nakayuko padin si Sakuragi na pumunta sa bench.

Riyota: Sakuragi. Ayos lang yan. Kasama yan sa laro diba?

Hindi naman sumagot si Sakuragi at nanginginig ang kanyang mga kamay. Nawawala siya sa concentration.

Coach Anzai: Ilalabas na muna kita sa laro.

Nagulat si Sakuragi at nagsalita.

Sakuragi: Pero coach, kaya ko pa maglaro.

Coach: Ikalma mo muna ang sarili mo. Ibalik mo ang concentration sa laro. Hindi mo naman ginusto ang nangyari. Basketball play yun. Wala din dapat foul yun. Dahil malinis at bolang bola ang nahawakan mo. Wala ding physical contact. Pero dahil may nasaktang player ay pumito ang ref para maihinto ang laro.

Napayuko nalang si Sakuragi.

Rukawa: Ako muna ang bahala sa opensa. Si Mitsui nalang ang kukuha kay Fukuda para hindi makatalon.

Mitsui: Oo. Magpakatatag ka Sakuragi. Kailangan ka namin sa laro.

Dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na may napilayang player dahil sa malinis na depensa ni Sakuragi ay ganyan nalang ang nararamdaman niya. Nanghihina siya. Pero lumabas saglit si Fukuda sa locker room at lumapit kay Sakuragi.

Fukuda: Ayos lang si Sendo, pero mukang hindi na siya makakabalik sa laro. Wala kang kasalanan dun unggoy kaya umayos ka.

Nakahinga naman si Sakuragi ng maluwag at nagpasyang ipahinga muna ang natitirang dalawang minuto.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon